Song for me
Mikaella Vergara
Hayst. Mukhang may mga sayad yung grupo nila ngayon ah.
Pagtas kong maghugas with matching scared feelings pa umakyat agad ako. Naisip ko na sanang pumunta sa kwarto ko nang bigla kong makita na bukas pa yung pinto ng rooftop. Hmmm?
Kaya na-isip kong umakyat muna sa thirdfloor kung san nandon yung rooftop. Medyo mataas din to kaya masarap ang simoy ng hangin
"You and I
We're like fireworks and symphonies exploding in the sky
With you, I'm alive
Like all the missing pieces of my heart, they finally collide
So stop time right here in the moonlight
Cause I don't ever wanna close my eyes"
Napatingin ako sa lalaking naka talikod at nakaupo sa may bench dito sa rooftop. Kumakanta sya habang nag gi-gitara
Kilala ko ang boses nya. Pati ang likod nya.
Reinz Gunner...
Dalawang araw pa lang ako dito pero halos kilala ko na ang some characteristics nila.
Si Razzel na pinaka makulit sa kanila, bunso ng grupo.
Si Vixen na parang happy go lucky lang. Go with the flow lang. Ang pinaka matanda sa kanilang lahat.
Si Ace na tahimik at may pagka-serious type. At the same time weird.
Si Reinz na masayang kasama. Serious type and different at his own way.
Si Jaydee na serious type, masayahin at bossy as always.
Napangiti ako. Ang ganda pala ng boses nya.
Nanatili ako sa kinatatayuan ko habang pinapakinggan syang kumanta.
"Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song"
Grabe! Ang ganda pala ng boses nya. Hmmm, na-isip ko. Sya kaya kunin kong singer sa kasal ko. Kung ikakasal.
"With you I fall
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall
With you I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand in hand with all our fears upon the edge"
Waaah! Naiiyak ako sa boses nya!
"So stop time right here in the moonlight
'Cause I don't ever wanna close my eyes
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
You're the perfect melody
The only harmony
I wanna hear
You're my favorite part of me
With you standing next to me
I've got nothing to fear"
Napapalak-pak nako sa ganda ng boses nya. Kaya yan, huminto tuloy sya sabay tingin nya sakin.
"Hi" nahihiyang bati ko sabay kaway ko sa kanya atsaka ako umupo sa tabi nya.
"Hm? Kanina ka pa don?" tanong nya.
"Medyo. Ganda pala ng boses mo no" bati ko sa kanya.
"Really? Thankyou. Pero mas maganda yung boses ni DJ. Yun yung vocalist namin ih" napatango-tango naman ako. Alam ko na naman kasi yun dati pa.
"Wait can you continue?" tanong ko sa kanya.
"Continue?" tanong nya.
"Yah. Yung pagkanta mo" sabay ngiti ko. Napangiti din naman sya.
"Ah okay. But this time, this song is for you" napangiti ako at the same time na pleasure na rin.
"Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold"
Pagtuloy nya sa pagkanta. Napatingin ako sa mga mata nya ng bigla syang tumingin din sa mata ko.
Nanatili kaming nakatitig sa mga mata mg isa't isa pero hindi ko mabasa yung mga mata nya. Ewan. Nakatitig lang sya sakin habang nag papatuloy sa pag strum ng gitara.
"Without you, I feel torn
Like a sail in a storm
Without you, I'm just a sad song
I'm just a sad song..."
Yung huling sentence di na nya kinanta. Sinabi nya nalang habang nakatingin sakin, sa mga mata ko.
Napayuko ako. Geeez! Naiilang ako!
"W-Wow! Iba ka talaga! A-ang galing mo! Pano? Baba na ko ha? Babye---" tatayo na dapat ako ng bigla nyang hawakan ang kamay ko at inatak ako paupo ulit.
Wait. Anong balak nya?! Papalapit yung mukha nya sakin--- ano bang--- waaah! Hahalikan nya ba ako?!
Napapikit ako. Nang mga ilang segundo na wala akong maramdaman napadilat na ako. Shocks! Nakangiti sya sakin sabay tawa!
Waaah! Nakakahiya! May papikit-pikit pakong nalalaman!
Bigla nya nalang pinitik ang noo ko sabay tawa nya ulit.
"Hayst s-siraulo ka!" sigaw ko sa kanya.
''Ah... s-sorry kung naka-abala ako. Nandito lang ako para sabihing aalis ako. May biglaang shooting. Kayo na munang bahala sa bahay" walang emosyong sabi ni Jaydee sabay labas.
Nagulat pa ko sa biglaang sulpot nya sa pinto dahilan para mapakunot ang noo ko.
Tatayo na ulit dapat ako ng biglang hinapit ni Reinz yung bewang ko papalapit sa kanya kaya sobrang lapit nang mukha ko sa kanya.
"Relax. It's just me. Hmm" he said na lalong nagpakaba sakinl
Tapos ay humiwalay narin sya.
"A-anlakas ng tama mo" naiinis na sabi ko sa kanya pero kalaunan ay napatawa na rin ako.
"Sorry. Mukha ka kasing ewan kaya yon. Pinakaba lang kita ng kaunti" sabay tawa nya.
Tsk! Baliw na sya.
"Oh pano? Alis na rin ako. Bye singkit" sabi ko kay Reinz sabay baba ko.
Hayst! Ano bang problema ng magkakaibigang yon?!
Nakakabaliw!
Teka. Gabi na tas may shooting pa sila Jaydee?
Di kaya mapagod sya nyan? O kaya mapuyat?
Hayst. Di ako nag-aalala.
***•••***
Napamulat ako dahil sa biglaang pagtunog ng phone ko.
Kalahating mata ko ay nakapikit pa habang hinahagilap ng kamay ko ang phone ko sa mesa na nasa tabi ko.
Kinuha ko yun at tinignan ang text message na galing kung kanino. Tsk! Istorbo.
[Hoy babae. Nandito na kami sa labas ng bahay nyo. Ano na? Lumabas kana dyan ]
Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa ko. Walang pag-aalinlangan akong lumabas ng kwarto ko tsaka patakbong bumaba. Saktong pagtunog ng doorbell ang bumalot sa buong bahay. Nataranta ako kaya patakbo akong bumaba ng hagdan.
"Wag!" sigaw ko kay Razzel ng akma nyang bubuksan yung pinto.
Nagmadali ako sa pagtakbo sa hagdan ng biglang "Ahhh!" sigaw ko nang muntik nakong malaglag sa hagdan. Pero laking gulat ko ng mahinto ako sa pagtumba.
J-Jaydee...
Nahawakan nya agad ako sa bewang ko.
Napatitig ako sa mga mata nya. Ganun din sya sakin.
At sa muling pagkakataon. Sobrang bilis na naman ng pagtibok ng puso ko. Laging nangyayari to' pag nandyan sya sa paligid ko. Pag nakakatitigan ko sya. Even the times na magkakadikit lang kami. It's always because of him.
Jaydee Avila.
"Ahm. Excuse me Ella. Ano na?" tanong sakin ni Razzel kaya napalayo agad ako kay Jaydee.
Nabalik ako sa wisyo at naalala ko na naman sila Jamila kaya dali-dali akong bumaba.
Pero bago makalagpas kay Jaydee narinig ko ang mahinang pagmura nya. Di ko na yun pinansin atsaka ako dumiretso sa gate.
Pagkabukas ko ng pinto dinadaan ko agad sila.
"Ano ba?! Bakit di manlang kayo agad nagsabi?! Kainis naman kayo ihh!---" napahinto ako sa pagsasalita ng makita ko kung sino ang nasa harap ko.
"Delivery po ma'am" sabi nung delivery boy.
Na-estatwa ako sa kinatatayuan ko.
Akala ko sila Jamila?! The heck?!
"Ella ako na dito. Pumasok ka na lang don at mag palit ka muna cause I think uusok yung ilong nung tatlo pag-nakita nilang ganyan ang suot mo at lumabas ka pa" sabi ni Razzel ng mapunta sya sa likod ko
Napatingin ako sa sarili ko. The heck! Bagong gising lang pala ako at hindi pa ko nakakapag-palit
AND I'M JUST WEARING MY NIGHT DRESS FOR PETES SAKE!
Agad akong tumakbo paakyat.
***•••***
Tahamik kong isinubo ang kutsarang may pagkain sa bibig ko.
Naiilang ako dahil sobrang tahimik habang kumakain kami. Hindi na ko nakapagluto kaya nag-pa-deliver nalang sila.
"Ella" napatingin ako kay Vixen na katabi ni Reinz nakatabi ko naman.
"Hmm?" tanong ko kay Vixen.
"Hindi ka papasok?" tanong nya.
Napangiti naman ako.
"Hindi ih. Pupunta akong mall. Bibili ako ng gift para sa kaibigan ko. Birthday nya at bibisita sya ngayon dito. You know, dito gaganapin yung birthday nya" sagot ko kay Vixen.
Napakunot noo si Vixen na parang may naisip pero agad din syang ngumiti.
"Ow. I see. Friend mo sa states?" tanong nya ulit. Tumango-tango naman ako.
"Hayst. Nakaka-dissapoint naman" napatingin naman ako kay Razzel. Ilang beses syang napapabuntong hininga "Di hamak kasi na mas masarap pa yung luto ni Ella kaysa dito sa pina-deliver natin ih" maktol nya.
Napangiti naman ako "Sorry. Next time aagahan ko ulit yung gising ko" sagot ko naman.
"Oh pano? Maliligo lang ako tas aalis na ko" dugtong ko pa
"Hatid na kita" napamaang akong tumingin sa sabay na nagsalita.
Si Reinz at Ace.
"Ako na. Ako naman ang naka-toka sa kanya eh" sabi ulit ni Reinz.
"Kaya nga gusto kong ako naman ang maghatid sa kanya" sagot naman ni Ace.
"Enough. Ako na ang maghahatid kay Ella. Wala naman akong lakad ngayon" nagulat ako sa biglaang pag-sasalita ni Jaydee.
Ganon din ang mga kasama ko.
"Hindi na kaylangan DJ. Ako na" pagpupumilit ni Reinz.
"Like what I said, ako na" seryosong sabi ni Jaydee sabay alis. Ganon din ang walang emosyong mukha na si Ace.
"Sya na daw" sabi ko naman kay Reinz sabay takbo ko paakyat.
Shocks! Parang gustong tumalbog ng puso ko!
Eto na ba ang pagpapatuloy ng love story namin?
Binatukan ko ang sarili ko naisip ko. Hayst! Ang harot talaga! Napangiti ulit ako.
I'm excited shemsss!