Chapter 7 (Concert)

1081 Words
Concert Mikaella Vergara Patay! Sobrang late na ko! Anong gagawin ko? Nagbihis pa kasi ako. Naka-uniform kasi ako kanina di ba? Tas gumawa pa ko ng banner tas nagluto pa ko ng maraming pagkain sa bahay para pag-uwi namin mag se-celebrate kami. Kaso, hindi ko nabantayan yung oras at sobrang late nako! Pagkababa ko ng taxi, patakbo akong pumunta sa entrance ng venue habang dala ko yung ginawa kong banner. May nag-aasist sa entrance tas may mga muscular guards pa! Wow bigtime talaga ha. "Ticket ma'am" sabi nung nag- aasist. Binigay ko naman sa kanya yung ticket ko "Nako ma'am VIP po pala kayo. Kaso mukhang patapos na po yung concert nila" Halos manlaki yung mga mata ko sa narinig ko. Concert?! The Heck! Akala ko ba gig lang?! "A-ate baka po nagkakamali lang kayo. Kasi po diba gig lang to? I mean pano---" "Ma'am concert po to ng Paint It Black at VIP pa po kayo. Sayang naman. Sige po pasok na po kayo" Ngumiti muna ako sa nag-aasist bago ako pumasok. Habang naglalakad ako naririnig ko na ang sigawan at tilian nila. Pagkapasok ko WOW! mukhang isang malaking arena! Tapos sobrang dami nilang fans! Napalunok ako tsaka ako dumiretso sa paglalakad. Grabe yung mga tilian nila. Nang makadating na ko sa unahan nakita ko na ang bakanteng upuan para sa sakin. Hindi na siguro ako napansin ng mga fans nila. Umupo muna ako sa upuan ko tsaka ko hinawakan yung banner ko. Tumayo ulit ako atsaka ko binalandra yung banner na ginawa ko at one! Two! Three! Go! "Waaah! I love you Paint it Black! I love you! Woooh! Pakiss naman po! Waaah!" sigaw ko. Oh diba todo support ako. Wala naman sigurong makakarinig sakin ih. Ang iingay kasi nila diba? WAIT. B-bakit biglang tumahimik? Napakurap-kurap ako. Napatingin ako sa paligid ko. Wah! Lahat ng fans nila! Sakin nakatingin! The fudge! Napatingin ako sa stage. T-teka bakit ganon sila makatingin sakin?! Don't tell me aalis na dapat sila?! P-pero ngayon nakatingin silang lahat sakin habang may mga malalawak na ngiti Wah! Narinig ba nila?! "Ate kanina pa tapos yung concert. Tas kung kelan paalis na sila staka ka sisigaw dyan" natatawang sabi isa sa mga fans nila. Napatangin ako sa malaking screen sa stage. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong nakapatay na yon. Kasi nakakahiya naman diba? Kung bubungad sa malaking screen na yan yung pagmu-mukha ko. ***•••*** "Grabe Ella. Akala ko hindi ka na talaga makakapunta. Pero mas astig pa yung ginawa mo kaysa sa mga fans namin don. Iba ka talaga!" sigaw sakin ni Vixen. Nandito kami sa van nila. Pauwi na kami at ayun panay ang asar nila sakin. Grabe! Nakakahiya talaga! Ganito ang pwesto namin sa van. Vixen----Razzel Jaydee----Ace----Reinz Ako Si Vixen yung nagda-drive. Tas ako yung nasa pinaka-likod. Dapat nga si Jaydee yung uupo dito kaso pinagtulakan ko sya para masolo ko tong likod. "Tsaka ano yung sabi mo? Pakiss? Ano ba Ella masyado ka namang hard--- Aray!" nakita ko ang pagsipa ni Reinz sa upuan ni Razzel kaya napatahimik sya. "Eto kasi si Razzel ih. Ella mamaya na lang yung kiss mo ha--- Aray! Ano ba!?" sabay naman sumipa si Ace at Jaydee sa upuan ni Vixen kaya napatahimik ito. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko. Wah! Hindi kaya ako kinikilig! Nagpatuloy sa pagmamaneho si Vixen. Si Razzel naman panay ang tawa kay Vixen. Si Reinz naman nakasandal sa bintana at nakapikit. Ganun din si Jaydee at Ace. Pero nakayuko naman si Ace. At silang tatlo nila Jaydee, Ace at Reinz mga naka earphone. Kaya ako, tumahimik na lang din. Hanggang sa mag vibrate yung phone ko. Text galing kay Jamila [Nakita ko sa social media. Trending ka na about sa nangyaring concert ng Paint it Black HAHAHAHA Bukas pag-usapan natin. Alam na namin ang address mo. Puntahan ka na lang namin bukas. Bye girl! ] No! Mag-rereply na dapat ako ng biglang namatay yung phone ko. Shocks! Death batt. Later na lang sa bahay. Pero anong sabi nya? Sikat sa social media?! Napa sapo ako sa mukha ko. Wah! Anong gagawin mo Ella?! ***•••*** "You really look like her" Napamulat ako. Bumungad agad sakin ang mukha ni Jaydee. At kakaibang tensyon agad ang naramdaman ko ng mapansin kong sobrang lapit nya sakin. Nakatitig sya sakin. K-kaya napatitig din ako sakanya. Grabe. Ang gwapo nya talaga. Napansin ko ang biglaang paglungkot ng mga mata nya tsaka sya umiwas ng tingin sakin. "Nandito na tayo sa bahay. Lumabas ka na dyan" sabay labas nya. Nanatili akong tulala. Anong nangyari sa kanya? Hayst Nakatulog pala ako dito sa van. ***•••*** Pagpasok ko ng bahay ay aakyat na dapat ako. "Teka Ella. Di ka ba sasabay kumain samin?" tanong ni Vixen. "Magbibihis lang ako" tamad na sabi ko sabay akyat. "Hmm. Wag na tara na dito!" sigaw ni Razzel. "Mag bibihis lang ako!" sigaw ko ulit. "I Love You Paint it Black" biglang sabi ni Jaydee kaya napa-baba ako. Wah! Yung banner na ginawa ko! Hawak nya! Agad akong tumakbo papunta sa direksyon nya pero bigla nyang itinaas ang kamay nyang may hawak na banner. "Amin na" seryosong sabi ko. "As far as I know, sa amin na to, right?" sabay ngisi ni Jaydee. "Tsk! Sinong may sabi? Hindi ko yan binigay sainyo" sigaw ko ngunit nangibabaw parin ang mga ngisi sa kanyang mga labi. "Then take it" paghahamon nya Tinarayan ko sya sabay abot ko ng banner kaso ang taas! Tumalon-talon ako pero bigla syang tumingkayad dahilan para ma out of balance ako. Agad akong napa sub-sob sa dibdib nya habang yung isa nyang kamay napahawak sa waist ko. Hanggang sa naramdaman ko na rin ang dalawang kamay ni R-Reinz sa shoulder ko na parang inaalalayan ako. Pero parang nakatingin lang ako kay Jaydee kaya hindi ko na masyadong napansin si Reinz. At parang nag slow mo lahat! As in! Tanging yung heartbeat ko lang yung naririnig ko. Wah! Umiinit yung pisngi ko! T-tapos ang bilis pa ng heartbeat ko! Agad akong lumayo sa kanya kaya napabitaw naman agad sakin si Reinz. Agad kong kinuha yung banner sa kamay ni Jaydee. "Gotcha!" sabi ko sabay takbo paakyat. Wah! Pag-pasok ko ng kwarto ko gumulong-gulong ako sa kama ko habang nakatakip ang dalawang palad ko sa mukha ko. Wah! Baliw na ata tong puso ko! Sobrang bilis! "Hey heart! Please relax!" saway ko sa puso ko. Waaah! Magpa-pacheck up na talaga ako!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD