Forgiveness
Mickaella Vergara
Nandito kami sa likod ng campus. Naka-upo sa may bench. Mas tahimik at wala kasi masyadong tao dito.
"Maganda mag usap dito" sabi ni Rusty "Tahimk at walang ibang tao dito"
Huminga muna ako ng malalim.
"Nakapag usap na ba kayo ni Cassy?" I asked without even looking at him.
He was silent for a while.
"Kinausap ko sya kasi gusto kong ayusin yung nangyari noon. Gusto kong maayos na tayong tatlo" he admitted. I could feel his eyes on me "Miss ko na kayong dalawa ni Cassy. Miss na kita"
"Really? But I thought you two planned this. Akala ko nag uusap pa kayo"
Pinaglaruan ko ang mga daliri ko.
"No. We're not. Simula nang umalis sya at sumunod ako. Wala na syang pinansin sating dalawa" I feel his sadness on his face.
"Then tell me. Why you left me too?" I asked him.
"Dahil gusto kita"
Nahinto ako saglit. A-anong sabi nya?
I'm serious but I think he just making fun with me.
"A-anong?---"
"I like you. Before, umamin sakin si Cassy. She likes me. Sinabi ko sa kanya ang totoo. Na ikaw ang gusto ko Mika. And I think that's the reason why she left us and I left you too" dire-diretso nyang sagot.
"So you left me because you liked me?" I asked him.
Naguguluhan ako.
"Isa sa mga rason ng paglayo ni Cassy ay dahil nalaman nya na ikaw ang gusto ko. Hindi naman kaya ng konsensya ko na mag stay sayo dahil alam kong isa ako sa rason kung bakit umalis sya sa grupo. Kaya lumayo na lang din ako. I thought my decision can help to solve the problem between the three of us"
"You're just concern sa pagkakaibigan natin" I said in a serious tone.
"Pinagsisisihan ko ang naging desisyon ko simula noon" he said "Everytime na nakikita kita. I'm reminded of what I'm missing. I'm really sorry for what I did. I hope you can forgive me"
Hindi ko na alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko sa mga oras na to. Isa lang ang sigurado ako, naipit lang din si Rusty ng sitwasyon. Nasaktan din sya at napagod. Hindi nya deserve ang lahat ng nangyare sa kanya.
I kind of felt sorry for Cassy too. Lalo na ngayon na may ideya na ko kung bat sya umalis at bigla na lang nang iwan.
"You're forgiven" sagot ko kay Rusty.
Lumawak ang mga ngiti nya habang nakatingin sa mga mata ko.
"Ibig sabihin magkaibigan na ulit tayo?"
"Hindi lang tayo nag-pansinan ng matagal but you've always been my boy bestfriend Rusty" yinakap nya ko kaya yinakap ko na rin sya. "May gusto pa rin ba si Cassy sayo?" I asked him matapos akong lumayo sa kanya.
"Hindi na raw. Matagal na rin kasi yun"
"Do you still like me?" natawa sya sa tanong ko tsaka nya ginulo-g**o ang buhok ko.
"Yes. I still do" napayuko ako sa sagot nya.
"Sorry"
"Don't be. Dont worry so much about me. I'm just glad that we're friends again"
"Bestfriends" pagko-correct ko sa kanya.
Matapos naming mag-usap dalawa napagdesisyunan ko nang umalis. Nagpumilit pa nga si Rusty na ihatid ako pero hindi talaga pwede.
"Please text me kapag naka-uwi kana okay?" sabi nya.
"Oo na po. Sus! Sige na bye!" sagot ko tsaka kumaway-kaway at umalis.
Palabas nako nang gate nang mapansin kong umiinit na kaya sinuot ko ulit yung cap ko.
Nang makalabas sa gate napatalon ako sa gulat ng biglang may bumusina ng pagkalakas-lakas sa likod ko.
Nang makita ko yung sasakyan napa-irap nalang ako. Si Reinz.
Agad akong pumasok sa passenger seat.
"Bat ngayon ka lang? Sabi mo after third subject ka lalabas? Eh anong oras na ih, kanina pa kaya ako dito" reklamo ni Reinz tsaka sya nagsimula ulit sa pagmamaneho.
Tinignan ko sya ng masama even though tingin ko di nya ko nakikita because of my cap. "Bakit? Diba sabi ko naman sayo wag mo na akong sunduin? Kulit mo rin eh no?"
"Wala akong magawa sa bahay ih. Tapos na kong mag practice"
Lalong sumama ang tingin ko sa kanya staka ko sya binatukan.
"Aray! Para san yon?!" sigaw nya sakin.
"Eh siraulo ka ih! Dapat nag-pahinga o nag ready ka na lang para sa gig nyo mamaya"
"Ano ka ba?! Kanina pa ko ready no"
"Tsk yabang" singhal ko tsaka ako tumingin sa labas.
Nagsimula na syang mag maneho, habang ako iniisip pa din ang mga pinag-usapan namin ni Rusty. Hayst. Kelan naman kaya kami magkaka-ayos ni Cassy. I'm sure mahihirapan talaga ako nito.
"Okay ka lang?"
Napatingin ako sa katabi ko.
"Bat mo natanong?" balik na tanong ko sa kanya.
"Ang lalim kasi ng iniisip mo" sagot nya habang diretso ang tingin sa minamaneho.
Napangiti naman ako
"Ahh. Kasi ano, wala masaya lang ako"
"Why? May nangyari ba sa school?" tanong nya sakin.
"Wala naman. Ewan. Basta medyo gumaan na lang bigla yung feelings ko" sagot ko
"Good for you" sabay ngiti nya.
Napangiti na lang din ako kahit di nya nakikita.
Binigay ko ang buong atensyon ko sa labas, ngunit agad na napako ang paningin ko sa isang lugar
"T-Teka! Ihinto mo muna!" biglaang sigaw ko sabay hatak ko sa manggas nya.
"B-bakit?" nakakunot noong tanong nya.
Natawa ako ng mabakas ko sa mukha nya ang sobrang pag-aalala. s**t! His reaction!
"Basta ihinto mo!" inihinto nya naman yung sasakyan sa gilid tsaka agad akong lumabas.
Naramdaman ko naman ang pagbaba nya sa sasakyan kaya agad akong napatingin sa kanya. Pfft. Tinatakpan nya yung mukha nya gamit ang kamay nya. Napangiti naman ako. Tsaka ulit ako napatingin sa harap ko. Weee!
Streetfoods!
Take note! Etong tindahan ng streetfoods may sariling foodcourt. Waaah! Nakakamiss to!
"Tara" aya ko kay Reinz.
Agad naman syang sumunod sakin sa loob.
"Teka. Anong gagawin natin dito?" nag- aalalang tanong ni Reinz.
"Malamang kakain. Wag ka ngang mag-alala. Saglit lang tayo" pagsisigurado ko sa kanya.
"Ella. Alam mo namang hindi ako pwedeng magtagal dito sa labas"
"Eto naman. Di ka naman bampira diba? Saglit lang tayo. Wag kang mag-alala and swear you will enjoy their food here" pagkasabi ko non humarap naman ako sa tindero "Ahm kuya tag 20 nga pong fishball, tas kwek-kwek po sampung piraso tas kikiam po 20 pesos din po" tumingin ako sa katabi ko "May gusto ka pang idagdag?" tanong ko kay Reinz.
"Wala na. Ang dami na nga nyan ih" sabi nya. Napatawa nalang ako.
Pag tas kong umorder inaya ko naman si Reinz na umupo kami sa dulo para hindi kami masyadong kita.
"Bat ka nga pala na late ng lumabas?" biglang tanong sakin ni Reinz nang maka-upo na kami.
"Naka-usap ko yung kaibigan kong isa. Nalaman ko yung one of reasons nila why they left me. Alam mo ba? This place madalas kami dito non. We're so happy, before. Wait naka-kain ka na ba nang streetfoods?"
"Ofcourse. I'm not born in rich family. Ngayon lang naman ako yumaman ih. But you. Buti di ka pinapagalitan ng parent mo dahil sa pagkain mo ng mga yan" sagot nya
Napangiti naman ako.
"Yah. Maybe pinanganak nga ako ng medyo maykaya. Pero hindi dahilan yon para mawalan na ko ng karapatan na kumain ng streetfoods. Actually si Dad nga ang nagturo sakin na kumain ng ganito. Hindi daw kasi maganda ang pagiging picky. Dapat daw kung ano ang nandyan tanggapin at i-treasure mo. In short makuntento ka. Tsaka masarap din naman ang streetfoods ih, right?" napangiti naman sya.
"I like your family" sabi pa nya.
"Edi ligawan mo" asar ko sa kanya. Namutawi ang tawa ko sa pwesto namin.
"Hey girl. May kamukha sya diba?"
Napatingin ako sa likod ko. Tinuturo nya si Reinz.
"Yah! Sino nga ba yon? Shocks! Ang gwapo nya!"
Back off girls! Ako yung ka-date nya ngayon.
Tumingin ako kay Reinz. Napapayuko nalang sya habang tinatakpan nya ang mukha nya.
Tinanggal ko ang suot kong cap at isinuot ko yun sa ulo ni Reinz na ikinagulat nya.
"Ayokong dumugin tayo dito. Sayang date." biro ko sakanya sabay ngiti ko.
Nakatulala pa din sya kaya hinampas ko na sya sa balikat nya.
"Thanks" sabay ngiti nya.
Reinz Gunner
It's a strange feeling. Ano tong feeling na to?
Besides sya din. Iba sya. Kakaiba sya. The reason why my attention stick to her that fast.
Yah she's so beautiful but I have many fans out there na baka mas maganda pa sa kanya. Pero hindi ih. Kahapon lang kami nagkakilala pero nagawa nya ng kunin ang atensyon ko. Napatawa nya na agad ako.
She's different
***•••***
Mikaella Vergara
"Ah dito nalang Reinz. Magba-bus pa ko ih"
Nakalimutan ko bigla yung lakad ko papunta sa bahay ni Rusty. Baka magtampo sila tita. Dapat pala sumabay na lang ako kay Rusty kanina ih.
Pero okay lang. Nakapag streetfood naman ako with Reinz ih. At nakaka enjoy talaga syang kasama.
"San ka ba pupunta? Makakapunta ka sa con--- I mean sa gig namin?" tanong nya habang inihihinto yung sasakyan.
"May pupuntahan pa ko. Pero promise, pupunta ako sa gig nyo. Salamat sa pagsama sakin. Babush!"
"Be safe" bulong nya.
Bat sya bumubulong?
"Ikaw din. Ingat sa pagda-drive"
***•••***
"Iha, ang aga mong nakarating! Na-missed kita. Kamusta kayo sa states?" bungad sakin ni Tita Miyu, mom ni Rusty. Yung father naman ni Rusty ka business meeting ni Dad sa states kaya wala rin dito.
"Ah opo. Okay naman po" napatingin ako sa sofa. Nakatingin samin si Cassy pero agad din syang umiwas ng tingin.
"Oh Micka andyan ka na pala. How I missed you" masayang sabi ni Tita Tori, mom ni Cassy.
"Hello po Tita. Na-missed ko rin po kayo" bawi ko sa kanya sabay yakap. Napansin kong andito narin si Tito Andrew, dad ni Cassy kaya nag-mano rin ako sa kanya.
"Ang laki mo na ah. And like your Mom, ang ganda mo rin"
"Thankyou po"
"Micka" napatingin ako sa stairs side. Si Rusty.
"Sabi sayo pupunta ako ih"
"Tsk. Grand entrance" narinig kong bulong ni Cassy sabay akyat nya.
Bat ba ang hilig bumulong ng mga tao ngayon?
"Hayaan mo na lang muna sya" sabi ni Rusty sabay g**o sa buhok ko.
"Sanay na ko"
"Oh sya. Ihahanda lang muna namin yung mga pagkain. Dito na muna kayo" paalam samin nila Tita.
***•••***
"Hey Micka. Pahingi naman yang half cake dali na" pang-gugulo sakin ni Rusty habang nanonood kaming tatlo ng movie.
Inilayo ko naman sa kanya yung cake ko.
"Ayoko nga kumuha ka don ng iyo. May kamay ka diba?"
"Tss! Ang damot naman nito"
"Can you please minimized your voice? Can't you see? I'm reading" saway samin ni Cassy.
"May study table don sa taas, pwede ka naman don" sagot ni Rusty kaya agad ko syang siniko "Aray ano ba?"
"Sorry" sabi ko naman. Hindi para kay Rusty kung di para kay Cassy.
Umirap lang sya sabay akyat nya sa taas.
"Ayan tuloy. Ikaw kasi ih" sisi ko kay Rusty.
"Why? You know what Micka. Hindi sa lahat ng oras ikaw ang kaylangan mag-adjust"
Napa-yuko nalang ako.
***•••***
"So how's states?" tanong sakin ni Tita Miyu.
States pa rin po tita.
"So good Tita. Mama really miss you and Tita Tori"
Yah! Eversince magkaibigan na sila Mama, Tita Miyu and Tita Tori. Bago pa nila kami ipanganak nila Rusty at Cassy.
"Wah! Nami-miss ko na si Stela. Bat ba kasi ang tagal umuwi ng Mama mo. Hindi tuloy kami makapag-bonding" mangiyak-ngiyak na sabi ni Tita Tori.
"Mom. Wag kang oa. Kala mo naman di na kayo magkikita nila tita. Tsk." Cassy said.
"Maganda siguro kung dito ka muna matulog Micka" napatingin ako kay Tita Miyu.
"Yah pati narin ikaw Cassandra" sabi naman ni Tita Tori
"Mom. I'm bussy, marami akong aasikasuhin about school" sagot naman ni Cassy. And I know that's not the real reason.
"First day of the class pa lang naman Cassandra. Maybe its better for you to have time with your friends, right?" pagpupumilit naman ni Tito Andrew.
"Dad---" inunahan ko na si Cassy.
"Hindi na po. Maybe next time na lang po. May kaylangan din po kasi akong puntahan after nito" sagot ko.
"Ganon ba? Edi magpasama ka na lang kila Rusty" sabi ni Tita Miyu.
"No need na po Tita" sagot ko.
"Hatid na lang kita" pagpupumilit ni Rusty.
"Hindi na nga" humarap naman ako kila Tito at Tita "Salamat po sa dinner. Sa susunod nalang po. Mauna na po ako. Babye" sabay halik ko sa pisnge nila Tita at Tito.
Agad nakong umalis dahil baka magpumilit pa silang ihatid ako ni Rusty