Breakfast Mickaella Vergara "Fu*k! Ella anyare sa mukha mo?!" bungad sakin ni kuya. "Hoy lalake bibig mo" napatingin ako sa nagsalita galing sa kusina. Si Mama! May dala syang pagkain. Hmm I think my favorite! Adobo! "I'm sorry Mama! Kasi naman eh look! Mukhang zombie si Ella" sinamaan ko nang tingin si kuya. Agad akong tumakbo papunta kay Mama. "Mama!" Nginitian ako ni Mama sabay lapag nya nang pagkain sa mesa. "Hey princess. Minimize your voice" agad akong napatingin sa upuan sa dining area. "Papa!" Agad akong lumapit sa kanya sabay yakap ko. "Tito! Tita!" bungad din ni Mae nang pababa na sya. "Iha" sabay na bati nila Mama at Papa "Oh sya maupo na kayo. Tawagin ko lang yung boys" sabay tayo ni Mama. "Ay wag na po Tita. Pababa na rin po yung mga yon" awat ni Mae. Umupo na k

