Duet Mickaella Vergara "Anong trip mong kantahin?" Tanong sakin ni Renz. Magkatabi kami ngayon at hawak nya yung gitara. Sa totoo lang nahihiya akong may makarinig sa king kumanta. Ewan ko ba. Tingin ko kasi ang panget ng voice ko. But now kakanta ako. For myself. "My favorite. 10,000 Hours" maikling sagot ko. Ngumiti muna sya sakin sabay strum nya. Nakatingin lang sya sa kamay nyang nags-strum habang ako nakatitig sa kanya. Bakit kaya hindi na lang sya? Bakit hindi na lang si Reinz yung nagustuhan ko? Gwapo naman sya. Mabait, gentle man, sweet, thoughtful. Kumbaga ideal man na ang peg. Kaya bakit hindi na lang sa kanya? Masasaktan din ba ako gaya ngayon kung sya yung nagustuhan ko? Hayst. Tumngin sya sakin sabay ngiti. I ordered him na sya muna ang mauna. Mas feel ko yung

