Mickaella Vergara
"Salamat po ulit sa pagpapatuloy samin" tsaka ako nagmano sa kanila.
Ganon din naman ang ginawa ni Jaydee.
"Naku wala iyon iha, laging bukas ang pinto namin para sainyo. Wag kayong mahihiyang pumunta ulit dito" sabi samin ni ginang.
"Opo salamat po ulit" sagot naman ni Jaydee
"Oh sya, mauna na kayo. Baka gabihin pa kayo sa daan."
Nagpasalamat ulit kami staka kami umalis.
***•••***
(Habang naglalakad sa gitna nang gubat)
"Ahmm... pano na? D-diba hindi okay yung sasakyan?"
Sheteee! Naiilang akooo!
Pano ba naman kasi, hindi ko makalimutan yung nangyari kagabi!
Tapos sya parang wala lang?!
P*kyu sya!
"Susunduin tayo nila Ace" maikling sagot nya.
Oh talaga ba?! Shareee~~~
"Ahh. Osige" maikling sagot ko rin.
Nanatili ang katahimikan sa pagitan naming dalawa habang naglalakad sa gitna nang gubat.
Hanggang sa napanis na yung laway ko.
The heck! Ano?! Wala talaga syang balak magsalita?! Oh gusto nya hilain ko pa yang dila nya tutal wala namang ambag sa lipunan!---
"About the kiss..." napalunok ako.
Sa dinami dami nang pwede nyang sabihin yung kiss pa talaga?!
Well mas okay naman pala na hindi na sya nagsalita! Okay na sakin kahit mamutawi ang katahimikan sa pagitan namin. Okay lang talaga!
"A-ahh a-ano naku! Kaylangan na nating magmadali! B-baka inaantay na tayo n-nila A-ace don!--- B-bakit?" Napahinto ako nang bigla nya akong hinawakan sa wrist ko.
"Why Micka?" Seryoso nyang tanong.
Napalunok ako kasabay ng pagtibok ng puso ko nang sobrang bilis.
"A-ano?" Kinakabahang tanong ko.
Ano bang problema nya?
"Bakit nagpapanggap ka na parang di mo ko nakilala years ago. Bakit Ella?" Nanatili ang seryoso nyang tingin sakin.
What the...
So alam nya na? Pano?
Gusto kong tumakbo palayo sa kanya. Gustong gusto kong mawala nalang na parang bula.
I'm guilty! I'm f*cking guilty!
"A-ano bang sinasabi mo?" sige deny pa Ella.
"F*ck it Micka! Pinaimbestiga kita kay Razzel! At alam mo yung nakalap ko na info?! No wonder. I'm sure alam mo! Now speak Mickaella Vergara." Galit na sabi nya.
B-bakit ako kinakabahan? Bakit ako naiiyak?
Bakit parang pinamumukha nya pa sakin na kasalanan ko lahat?
Gusto kong magmukhang matapang pero nanlalambot na yung mga tuhod ko.
Hanggang sa diko na namalayan ang pagbagsak nang mga luha ko.
"A-ano bang alam mo?! Well tutal alam mo na rin naman kaya sige! Ako nga si Mickaella Vergara! Ang nang-iwan sayo years ago. Ano masaya kana?! Ha?! Satisfied Jaydee?! Ngayong alam mo na may napala kaba?! Wala naman diba?! So leave me alone" pagkasabi ko non agad akong tumalikod.
"B-bakit? Bakit mo ko iniwan? Bakit ang dali lang sayong iwanan ako? Let say bumalik kana, nandito kana... pero bakit dika manlang nagpakilala bilang si Mickaella na kilala ko?! Bakit pati yon pinagkait mo sakin?! Bakit napaka selfish mo---"
Bakit? Ano ba tayo? Meron bang tayo noon? Responsibilidad ko bang sabihin at ipaalam sayo lahat?
Takte nasasaktan na ko ha!
"I'm not! I'm not selfish! Nagpakita ako sayo kasi nangako ako sa sarili ko na babalikan kita. Pero ano?! Ano yung napala ko?! Wala! Kasi kahit mukha ko dimo manlang naalala! Dahil nga wala lang naman ako sayo... Eh bakit ka nga naman mag-e-effort na alalahanin ako?! Eh wala naman tayong romantic past diba? Isang araw lang tayong nakapag-usap at isang araw lang tayo naging close! Isang araw lang! Kaya wag kang umakto jan na akala mo big deal sayo lahat" Kasi para sakin big deal lahat. Sa isang araw nayon may naramdaman akong kakaiba. I love you. But sorry to say, I'm not fan of one sided love "Enough of this suffocating f*cking drama. Tapos na eh." tsaka ko pinunasan ang mga luha ko.
Nawala na rin ang galit sa mga mata ni Jaydee pero napalitan eto nang napakalamig na tingin. Walang mababakas na emosyon sa kanya.
Dahilan para lalo akong manghina.
Yang mga tingin na yan ang hindi ko ma-imagine na mangyayare sa buong buhay ko.
"Hindi mo alam kung pano ako nagmukhang tanga. Kung pano ako nagulo. Wala kang alam" pagkasabi nya non staka sya tumalikod. Pero bago sya umalis may sinabi muna syang nagpagimbal nang puso ko.
"And again about the kiss... that's nothing... you're nothing"
And with that parang pinukpok nang martilyo yung puso ko.
Ang sakit...
Sobrang sakit...
***•••***
Jaydee Avila
I thought after kong malaman ang totoo aagawin at kukunin ko na sya.
But I was wrong.
I can't.
Mas nangingibabaw yung galit ko.
Pinagmukha nya kong tanga!
Eversince kilala nya na pala ako! Everytime na nagkukwento ako sakanya about Ella which is sya naman pala, mukha akong tanga!
And now... I hate her.
I hate myself because I still love her...
But I'm done chasing her. And I'm now trying to let her go...
***•••***
Mickaella Vergara
Kanina pa ko nakadungaw dito sa bintana nang kotse nila Ace.
Feel kong manahimik ngayon at alam kong ramdam nila yon kaya nanatili nalang din silang tahimik.
Actually gusto kong itanong sa kanila kung alam nila kung nasan si Jaydee kasi pagsundo nila sakin wala na si Jaydee.
Kaso ayoko. Mataas yung pride ko. Nasaktan nya ko.
Akala nya ba sya lang ang nasaktan saming dalawa?!
P-pano ako hindi masasaktan?! I love him! Kaya ang sakit sakit!
Lalo na sa sinabi nya kanina.
I'm nothing... for him.
"Ahmm. Ella we're here" napatingin ako sa katabi kong si Vixen.
Tumango lang ako tsaka ako lumabas.
Pero bago yon narinig ko pa yung mga bulungan nila.
"I think she's not fine" -Vixen
"Obviously" -Razzel
"Ano bang nangyari sa kanila ni Jaydee sa gubat?" -Ace
"Tsk..." -Reinz
"Omygosh! Micka girl! Anyare?!" bungad sakin ni Mae.
"Ingay ha!" Suway ko sa kanya tsaka ako umakap sa kanya.
"Ay sunget!" -Mae
And after that nagdire-diretso na ko sa pagpasok sa loob.
"Hey princess" napatingin ako sa pinanggalingan ng boses which is sa kusina galing.
Agad nanlaki ang mata ko.
"K-kuya? Waaaah! Kuya ikaw nga!" Agad akong nagtatatakbo papunta sa kanya sabay yakap ko rito.
"Hindi halatang na miss moko ha" huwaaah naiiyak ako.
"Kuya naman! Bat dimo sinabi sakin na ngayon pala ang dating mo dito?" Sabi ko habang yakap padin sya.
"Actually kahapon pa kami nakauwi dito kaso nag-stay muna kami sa isang hotel" sabi nya kaya napahiwalay ako sakanya.
"Sila Mama?" Tanong ko sa kanya.
"Andon sa taas nagpapahinga na. Umuwi kami ngayon kasi diba next week na yung graduation nyo?" napatanga ako sa sinabi ni kuya
Hala! I forgot! Graduation ko na pala next week! Ambilis!
Nakakalokaaa!
"Huwaaah! Tenkyuuu! Namiss ko talaga sila Mama!"
"Eh ako?" tanong ni kuya.
"Slight" sabi ko sabay takbo papunta sa taas.
Sumalampak agad ako sa kama.
Nakakapagod.
Ang daming nangyare ngayong araw.
Nakauwi na sila Mama at sobrang saya ko dahil don.
About kay Jaydee naman...
Teka... kamusta na kaya sya? Nakauwi na ba sya? Galit pa rin ba sya sakin? Haysst.
Nabalisa ako nang mag ring yung phone ko.
Sya kaya to?
Pero pano? Diba galit sya sakin?
O baka naman magso-sorry sya at babawiin nya yung sinabi nya sakin kanina!
Agad tumibok ng sobrang bilis ang puso ko.
Agad kong kinuha yung phone ko dahil sa pagka-excite.
Reinz calling...
Napabagsak balikat ako nang mabasa ko yung caller.
Disappointed?
Ano pa nga ba? Malamang galit sya sakin.
Teka bat naman napatawag sakin si Reinz? Okay na kaya tong lalakeng to?
"Reinz..."
Nanatiling tahimik ang kabilang linya.
"Huy singkit!"
(Ahmm Ella)
Humiga muna ako sa kama habang nakadikit padin ang phone ko sa tenga ko.
"Hmm?" Tanong ko
(Okay ka lang?) bakas sa boses nya ang paga-alala.
"Oo naman" ata? "Teka bat kapa tumawag? Eh nasa iisang bahay lang naman tayo"
(Gabi na need mo na rin magpahinga)
"Gabi na pero tumawag kapa. Tsaka pano ako makakapagpahinga eh bigla kang tumawag" tumayo ako tsaka ako patakbong umakyat ng rooftop.
Gotcha!
(Oww I'm sorry)
"Bat ba ang hilig mong mag-sorry? Alam mo kung pano ka makakabawi sakin?"
Bigla syang umayos nang upo.
Pano ko nalaman? Well nandito lang naman ako sa pinto nang rooftop at tama ang hinala ko nandito rin sya hawak ang gitara nya.
(Tell me... kahit ano)
"Haranahin mo ko" nagulat ako nang bigla syang namula at nanigas sa kinau-upuan nya.
(W-what?)
Oww shocks! Na misinterpret nya ata.
Ang gaga ko naman kasi.
"O-oww I mean is kantahan mo ko. I mean lets have a duet" pagko-correct ko.
Nakita ko naman ang pagka-dissapoint sa mukha nya.
(Oww it's okay. When? And where?)
Napaayos ako nang tayo tsaka unti-unting lumapit sa kanya.
"Now. Here in your rooftop, please?" napaayos sya nang upo sabay lingon sakin.
Agad nanlaki ang mata nya nang makita nya ako.
Binaba nya yung phone nya kaya binaba ko na rin yung phone ko.
"E-ella..."
"Hi. Ano? Game?"
"H-ha?"
"What the... yung duet nga sira! Ano dali na! Ayaw mo non ikaw ang pinaka unang makakarinig nang boses ko! Ano ayaw mo ba?! Bahala ka sige na alis nako!---" pero agad nyang nahawakan ang kamay ko.
"Please stay..." napalunok ako.
Hinampas ko nalang sya sa braso nya.
"Oh g?" tumango tango naman sya.