Hindi kaagad nakasagot si Athena sa hiling na iyon ni Marcus. Naipangako niya na kay Kaira na pupunta ito sa Paris at naayos nang lahat ang papeles nito. She would betray her best friend. Siguradong magagalit ito sa kanya dahil sabik na sabik na itong umalis sa San Fabian. Pero hindi niya rin ito puwedeng suwayin. Mas alam nito ang nakabubuti sa kapatid. Sa ngayon ay hindi pa tapos sa pag-aaral si Kaira. Dadaan pa ito sa maraming training kung gusto nitong maging regular na modelo. Mas mabuti pa rin na magtapos muna ito sa pag-aaral. Sila ni Tiffany at iba pang pinsan niya ay matagal hindi naman talaga ramp model. Nagkataon lang na may sariling advertising agency ang Uncle Brandon niya, at silang angkan din ang mukha at modelo sa iba't ibang negosyo ng pamilya nila. May perfumer

