"Gusto mong sirain ang relasyon namin ni Athena kasi galit ka sa kanya?" Hindi niya mapaniwalaan ang kapatid sa pakikipagsabwatan kay Lilibeth para maabutan sila ni Athena sa ganoong ayos kagabi. "Papayag naman na akong sumama ka kay Athena kung babalik siya sa Maynila para maging modelo, pero pagkatapos na ng pag-aaral mo. Bakit ka ba nagmamadali?" "Kasi kung hindi pa ako nakasama ngayon, kailan pa? Ikukulong mo lang si Athena dito sa San Fabian, kuya. Kilala kita. Kapag nagtagal na kayo, hindi mo na din siya papayagang umalis dahil takot kang hindi ka niya balikan." Totoo naman ang sinabi ng kapatid niya. Pero ngayon ay malaki ang tiwala niya kay Athena na hindi ito magiging katulad ng Inay niya at ng dating kasintahan. Isa pa, si Athena mismo ang gustong dito tumira. Napag-

