"Thank you, Chad, I really appreciate your efforts to take care of my Lolo while I was away. I am giving you the permission to come to our house anytime you want." Naningkit ang mga mata ni Kent nang marinig ang huling sinabi ni Athena sa assistant ng Lolo nito. Ngumiti pa sa kanya ang binata saka magalang na nagpaalam. Pero ni hindi niya ito nginitian. "Kanina pa ba si Chad dito?" tanong niya kay Athena na tinalikuran lang siya pagkatapos umalis ni Chad. Pumasok siya sa bahay kasunod nito dahil kailangan niyang magpaliwanag. "What are you doing here? Baka makita ka ng girlfriend mo magalit sa 'yo. Bakit hindi kayo tumuloy sa Dagupan? Maraming motel doon---" "Mamimili lang sana ako ng mga gamit sa bukid. Makikisabay lang siya sa 'kin dahil nasa ospital ang Nanay niya." Tuloy-t

