PINAGMAMASDAN ng palihim ng mag-asawang Freda at Mattheas De Villar ang nag-iisang anak nilang si Zeph na nakikipagpaligsahan sa mga trabahante sa pagbuo ng mga bagong furnitures na ilalabas sa susunod na buwan—koleksiyon iyon ng mga bagong designs ni Zeph, ang mga designs na inabot ng ilang buwan bago nito natapos. “Pagmasdan mo ang anak mo, Freda,” anang asawa niyang nakaakbay sa kanya. “Hindi ko maintindihan kung ano ang nasa loveseat na ‘yan at hindi niya maipaubaya sa mga trabahante.” “Hayaan mo ang anak mong maging abala,” sagot ni Freda at buong pagmamahal na tinitigan ang anak na pawis na pawis na pero hindi alintana ang pagod. Ilang trabahador na rin ang nag-alok rito ng maiinom pero hindi pinansin ni Zeph. Tila ba ang upuan na iyon lamang ang mahalaga pa

