PAGKATAPOS ma-shock ni Ara sa pasabog ni Zeph ay namayani sa loob ng sasakyan ang mahabang katahimikan. Pareho silang nakatutok lang sa harapan ang tingin. Hindi na rin umimik ang lalaki na para bang hinihintay siyang magsalita. Mayamaya ay bumuga ito ng hangin. “I know it’s too much to ask—” “Hindi tamang magsinungaling ka sa Mommy mo, Zeph,” agap ni Ara. “Bakit hindi mo na lang sabihin sa kanya na sinusubukan mo nang mag-move on? Na hindi ka na nakikipag-usap kay Tiffany? Hindi natin kailangang magpanggap…” “Hindi siya maniniwala.” “Bakit?” “I broke my promise once. Sa ginawa ko, hindi na siya maniniwala sa salita ko. Ganoon si Mommy pagdating sa promises. Sa maraming taon na nagsama sila ni Dad, wala pang ipinangako si Dad

