Sixteen

1293 Words

PINANOOD ni Ara ang sabik na pagsalubong ng yakap kay Zeph ng babaeng nahuhulaan na niyang ang ina nito. Sa hula niya ay mahigit singkuwenta na ang edad ng ginang, maputi at maganda pa rin sa kabila ng edad at simpleng bihis. Nasa loob parin ng sasakyan si Ara, hindi kumikilos. Kinakabahan siya sa plano ni Zeph.             Tinugon ni Zeph ang yakap ng ina. Hinaplos ng huli ang buhok at mukha ng lalaki na para bang bata lang ito na hinahanapan ng pinsala matapos ang ilang linggong pagkawala sa bahay. Napangiti si Ara. Naalala niya ang pamilya. Ganoon rin mag-aalala sa kanilang magkakapatid ang mga magulang niya. Natatandaan ng dalaga na hindi payag ang mga ito sa pagluwas niya ng Maynila, lalo na ang ama pero walang nagawa dahil pinanindigan niya ang desisyon. Noong mga gabing nasa Neon n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD