MALI ang naisip ni Ara na mahihirapan siyang sabayan ang pagpapanggap ni Zeph sa harap ng ina nito. Tama nga ang lalaki—na maging kalmado lang siya at magpaubaya lang sa bawat gagawin nito ay okay na sila. Sa unang dalawang araw ng dalaga sa Pulosa ay ginugol nila ang maghapon sa labas. Una, sinamahan nila ni Zeph ang ina nito na maglibot sa bayan at mamili ng mga handmade crafts na produkto sa lugar. Tsinelas, bags at baskets ang binili ni Mrs. De Villar—na Tita Freda na lang daw ang itawag niya. Sa kuwento ni Zeph ay ipamimigay lang daw ng Mommy nito ang mga iyon sa mga kasambahay at mga paboritong trabahante. Nagmasid lang siya sa usapan ng mag-ina at paminsan-minsang argumento na nagtatapos naman sa lambingan. Kapansin-pansin na malapit sa isa’t-isa ang dalawa. Na-miss n

