MAHINANG siniko ni Ara si Zeph sa tagiliran. “Itigil mo ‘yan,” aniyang nakatingin pa rin sa isang direksiyon kung saan pareho silang nakatanaw. Papalubog na ang araw nang sandaling iyon. Magkatabi silang nakaupo sa pantay-pantay na d**o sa garden. “Kinakabahan na ako sa ginagawa mo, Zeph, ha?” Kanina pa kasi niya nararamdamang panay ang titig nito sa kanya. Mas gusto niyang nagsasalita si Zeph at nag-uusap sila kaysa ganoong tahimik ito at paulit-ulit na bumabalik sa kanya ang mga mata. Nahuli niya ang pagngiti nito. “Hinuhulaan ko lang ang iniisip mo.” “Kanina ka pa, eh.” “Kanina ko pa nga hinuhulaan ang iniisip mo.” Naramdaman ni Ara na ginagap nito ang kamay niya. “Gusto mong sumayaw?” “Ha?” “Si Mommy, nasa terrace ng room niya.” Pasimple niyang sinulyapan ang tinutukoy nito—na

