HINDI alam ni Ara kung ano ang iniisip ni Zeph nang tawirin na lang nito basta ang isang hakbang nilang pagitan. Napasandal naman siya sa nakasara pang pinto ng silid kanyang silid. Malakas na malakas ang pintig ng puso niya at lalo siyang natuliro nang ibaba ni Zeph ang mukha. Umangat sa dibdib nito ang mga kamay ni Ara pero hindi niya kayang itulak ang lalaki. Mas masidhi ang pagnanais niyang maulit ang halik na pinagsaluhan nila kanina lang—hindi niya maintindihan ang ganoong pakiramdam. Ni minsan sa buhay niya ay hindi pa siya nanabik sa halik ng isang lalaki. Hindi pa. Ngayon lang… Magkalapat na ang mga labi nila nang mga sumunod na sandali. At nagtapos silang mahigpit siyang yakap ni Zeph habang nakabaon sa dibdib nito ang pisngi niya. Puwede

