NAGPAGIYA lang si Ara kay Zeph patungo sa isang Japanese restaurant. Sa tingin niya ay doon nito naisip mag-lunch. “Okay lang sa ‘yo na dito tayo mag-lunch?” “Okay naman sa akin kahit saan, eh.” “Ano’ng gusto mong kainin?” “Okay rin sa akin kahit ano. Bahala ka na.” Tumango si Zeph at pumili na ng pagkain nila mula sa menu. Patuloy parin sila sa palitan ng kuwento. Hindi na niya napansin na kung anu-ano na lang ang pinagkukuwentuhan nila sa gitna ng pagkain pero hindi pa rin maubos-ubos ang palitan nila ng pangungusap. Hindi na namalayan ni Ara na masyado na siyang naaliw sa pakikipagkuwentuhan kay Zeph. Pareho pa silang nagulat na lampas isang oras na pala ang lumipas bago sila natapos pareho sa pagkain. “Uuwi na ba tayo?” usisa niya pagkalabas nila ng restaurant. Dum

