Hindi ako nakulong.
Yon yung unang pumasok sa isip ko pagmulat ko.
Akala ko selda. Akala ko posas. Akala ko madilim na kwarto na may isang ilaw lang sa taas.
Pero hindi.
Nasa infirmary ako ng Blackwood. Sa puting kama. May kumot at may guard sa labas — pero hindi para bantayan akong parang kriminal. Para protektahan daw ako.
"Bakit ako nandito?" Tanong ko sa nurse. "Dinala ako ng mga guard kanina. Akala ko... ikukulong nila ako."
Umiling yung nurse. "Order daw mula sa taas, hija. Hindi ka pwedeng ikulong. Dito ka lang dito for observation. 24 hours."
"Kaninong order?"
Ngumiti lang siya. "Pahinga ka muna."
Pumikit ako. Inalala ko yung nangyari kanina.
Yung pagsabog. Yung kotse ni Audry. Yung sigaw niya "Siya! Si Ixcey yung nagpabomba!"
Tapos yung video.
Nakita ko. Sa cellphone nung alalay niya. Gabi. Parking lot. Babaeng naka-hoodie na itim, naka-mask na kalahati. Tapos tinanggal yung mask...
Mukha ko.
Yung peklat-peklatan ko sa kilay na hindi ko na nilalagay. Yung buhok ko nakapusod, gaya nung dati. Yung galaw ko. Pati yung pag-kamot ko sa ilong pag kinakabahan.
Ako ‘yon. Kamukhang-kamukha ko.
Pero hindi ako ‘yon.
Hindi ako lumabas kagabi. Hindi ako marunong mag-bomba. Hindi ko alam kung saan yung parking lot ng limusine ni Audry.
Pero bakit... bakit mukha ko?
1:00 PM. Infirmary.
Tok. Tok. Tok.
Bukas yung pinto.
Si Knox.
Naka-itim na shirt lang at cargo pants. May dugo sa gilid ng labi niya. May pasa sa panga. Galing sa away kanina sinapak niya kasi yung guard na kumakaladkad sa akin.
"Gising ka na pala, Princess," sabi niya. Umupo siya sa tabi ng kama ko. "Kamusta?"
"Ikaw, kamusta?" Turo ko yung pasa niya. "Sinong sumuntok sayo?"
"Yung mga guard," ngisi niya. "Talo sila. Apat sila, ako isa. Pero syempre, Reaper ako."
Hindi ako natawa. "Bakit ako nandito, Knox? Bakit hindi ako sa kulungan? Kitang-kita sa video yung mukha ko."
Tumingin siya sa akin. Nawala yung ngisi niya. "Kasi hindi ikaw ‘yon, Ixcey. At alam ng nag-utos na ilagay ka dito na hindi ikaw ‘yon."
"Sino nag-utos?"
Hindi siya sumagot. Kinuha niya yung mansanas sa mesa. Binalatan. "Hindi ko pwedeng sabihin. Pero hindi ka nila pwedeng ikulong. Kasi pag kinulong ka..." Inabot niya yung mansanas. "Mas lalong gugulo."
Kinain ko. Tahimik.
"Bakit ang ganda mo ngayon?" Biglang tanong niya.
Naubo ako. "Ano?"
"Ang ganda mo," ulit niya. Nakatingin siya sa mukha ko. Diretso. "Lagi ka naman maganda simula nung tinanggal mo yung salamin mo. Pero ngayon... iba."
Napatingin ako sa salamin sa gilid.
Tama siya.
Ewan ko ba. Baka dahil sa gamot. Baka dahil sa stress. Baka dahil sa puyat.
Yung buhok ko, bagsak na bagsak, makintab. Yung balat ko, mamula-mula kahit wala akong blush on. Yung mata ko — kahit brown contacts lang ‘to — kumikislap.
At yung labi ko...
Sobrang pula. Parang kagat-kagat. Parang bagong tint. Pero wala. Natural lang.
"Pulang-pula yung labi mo," sabi ni Knox. Paos na yung boses niya. "Parang... ang sarap."
Napaangat yung tingin ko sa kanya. "Knox—"
"Hindi ko sinasadya," putol niya agad. Umiwas siya ng tingin. Kamot-ulo. "Bastos na kung bastos, pero totoo. Kanina pa ako nagpipigil. Simula nung pumasok ako, ‘yan lang tinititigan ko."
Namula ako. Tinakpan ko yung bibig ko gamit yung kumot. "Tumigil ka nga. Naka-confine ako."
Tumayo siya. Lumapit sa kama ko. "Ixcey."
"Ba't?"
"Pwede ba?"
"Ang alin?"
Hindi siya sumagot. Yumuko siya.
At bago pa ako maka-atras, bago pa ako makapagsalita, bago pa ako makaisip na dapat ko siyang itulak...
Hinalikan niya ako.
Sa labi.
Dahan-dahan nung una. Parang nagtatanong. Parang nag-aalangan. Yung kamay niya, nasa gilid ng mukha ko. Magaan lang, parang natatakot siyang mabasag ako.
Nanigas ako.
Kasi ito yung first kiss ko.
17 years. Puro libro. Puro tago. Wala akong naging boyfriend. Wala akong hinayaang lumapit nang ganito.
Tapos ngayon, si Knox Valtherion. Yung Reaper. Yung pumatay ng tatlong estudyante gamit lang yung kamay niya.
Siya yung unang humalik sa akin.
At ang malala... hindi ko siya tinulak.
Hindi ko alam kung bakit. Baka dahil nagulat ako. Baka dahil... ang lambot ng labi niya. Ang init. Ang bango niya — amoy usok at mint.
Ilang segundo lang. O baka minuto. Hindi ko alam.
Pagbitaw niya, hingal siya. Hingal din ako.
Magkadikit pa rin yung noo namin.
"Sorry," bulong niya. Paos.
Umatras siya. Tumayo nang tuwid. "Kasalanan ko. Ginusto ko."
Hawak ko yung labi ko. Nanginginig. Mainit.
First kiss ko. Kay Knox.
"Knox..." Simula ko.
"Wag mo na isipin," putol niya. Ngumiti siya, pero pilit. "Kalimutan mo na. Hindi na mauulit. Promise."
Pero bago pa siya makapagsalita ulit
Kaluskos.
Sabay kaming napalingon sa pinto.
Nakaawang yung pinto. At sa awang na ‘yon...
Si Vance.
Nakatayo. Nakatingin. Sa amin. Sa labi ko. Sa labi ni Knox.
Nakita niya.
Nakita niya yung halik.
Nagkatinginan kami ni Vance. Isang segundo. Dalawang segundo.
Yung mata niya — walang emosyon. Walang galit. Walang sakit. Blangko.
Tapos... tumalikod siya.
Umalis. Hindi nagsalita. Hindi sumigaw. Hindi sumuntok.
Umalis lang. Tahimik.
Parang walang nakita.
"Vance!" Tawag ko. Tatayo sana ako, pero hinawakan ni Knox yung balikat ko.
"Wag," sabi niya. Seryoso yung boses. "Hayaan mo siya."
"B-bakit? Nakita niya tayo. Kailangan ko"
"Kailangan mong magpahinga," putol ni Knox. Hiniga niya ako ulit. "Hindi mo siya kailangan habulin, Ixcey. Kung gusto ka niya, siya yung babalik."
Binitawan niya ako. Tumayo siya. "Alis na ako. Kailangan mo magpahinga. At... sorry ulit. Sa halik."
Lumabas siya.
Naiwan ako. Mag-isa.
Hawak ko pa rin yung labi ko.
Yung labi na hinahalik ni Knox.
Yung labi na nakita ni Vance na hinahalikan ni Knox.
At si Vance... umalis lang. Hindi man lang nagsalita. Hindi man lang nagalit.
Bakit?
5:00 PM. Wala pa rin si Vance.*
Hindi siya bumalik.
Sabi ni Kira nung dumalaw siya, umalis daw si Vance ng Blackwood. Sumakay ng kotse. Mag-isa. Hindi nagsabi kung saan pupunta.
"Hinahanap ka niya kanina," sabi ni Kira. "Tapos nakita ka raw niya sa infirmary. May kasama. Paglabas niya ng infirmary, diretso siya sa kotse niya. Umalis."
Kinagat ko yung labi ko. May kasama._ Si Knox. At naghahalikan kami.
"Galit ba siya?" Tanong ko.
Umiling si Kira. "Hindi ko alam. Walang expression eh. Pero... kilala ko si Pres. Pag ganyan siya katahimik, mas delikado."
Tumango ako.
Kasi tama si Kira. Mas nakakatakot si Vance pag tahimik. Kasi pag tahimik siya, nag-iisip siya. At pag nag-iisip si Vance, may gagawin siya.
At kadalasan, madugo.
"Yung video," sabi ko. "Yung nagpabomba daw ako. Sino gumawa nun?"
"Hindi pa namin alam," sagot ni Kira. "Pero si Knox, iniimbestigahan na. Siya lang yung naniwala na hindi ikaw ‘yon. Lahat ng Archons, nagdududa. Lahat ng teacher, nagdududa. Si Audry, sigaw nang sigaw na ikulong ka."
"Audry," bulong ko.
"Oo," tumango si Kira. "Siya yung blonde. Yung galing sa limusine. Childhood ni Vance. Ex ni Knox. At ngayon... kaaway mo."
Napapikit ako.
Kaya pala galit na galit sa akin. Kasi ex siya ni Knox. Kasi childhood siya ni Vance. At ako, wala. Scholar lang.
Pero bakit ako yung pinag-iinitan? Bakit ako yung fina-frame?
"Kira," sabi ko. "Pwede mo ba akong tulungan?"
"Ano ‘yon?"
"Gusto kong makita yung full video," sabi ko. "Yung walang cut. Yung raw. Kasi alam ko sa sarili ko, hindi ako ‘yon. Pero kailangan ko ng ebidensya. Kailangan kong malaman kung sino yung gumaya sa mukha ko."
Tumango si Kira. "Sige. Kukunin ko. Pero Ixcey..." Hinawakan niya yung kamay ko. "Mag-ingat ka. Kasi kung sino man yung gumawa nun, kaya niyang gayahin yung mukha mo. Ibig sabihin, kaya ka niyang sirain. Kaya ka niyang patayin nang hindi man lang madudumihan yung kamay niya."
Tumango ako.
Kasi alam ko.
At alam ko rin... nagsisimula pa lang yung gulo.
Lalo na ngayon na nakita ni Vance yung halik.
Lalo na ngayon na umalis siya nang walang salita.