Chapter 10

2085 Words
Chapter 10 – Airborne     Ang Special Forces Regiment (Airborne) ay isang Special Forces unit ng National Army. The unit is based on and continually trains with its counterpart, the Army Special Forces called the Green Berets. Gaya ng mga Scout Rangers, members of the Special Forces Regiment of the National Army are also highly trained in counter-insurgency operations. Upon assignment to the Special Forces, soldiers are made to undergo the Basic Airborne Course. They, later-on, undergo the Special Forces Operations Course - an eight-month course that equips each SF soldier in the basics of Special Forces and unconventional warfare operations. Pero lahat ng iyon ay voluntary lamang nilang gagawin. Walang sapilitang nagaganap upang ienlist mo ang sarili mo sa programa. Tinuturing kasi itong prestige mo bilang sundalo, kaya nasa sa iyo if you want to earn it or not.      Ngayong araw magsisimula ang regimented training ng mga GAICS sa ilalim ng National Army Special Forces. Kagaya ng mga scout rangers, extensive rin ang pagsasanay ng mga airborne trainees. Kaya naman isa rin ito sa pinaka mahihirap na maicoconsider. Pinili ko ito kasunod ng SR training dahil pareho pa rin silang nasa ilalim ng National Army. And you don’t just earn those wings that easy. You will have to undergo multitudes of tests that will challenge you physically and emotionally. With Fort Magsaysay as the center of Special Forces unit, ito lang ang tanging kampo na nagcacater ng airborne training. This is considered as the home of the Special Forces. The GAICS alongside the other trainees have to undergo three extensive phases before they are qualified to be called as paratroopers.   First phase is the ground training. Ang purpose nito ay para maexecute ang proper parachute landing fall. Pinag-aaralan ang tamang postures at protocols upang maging maayos ang landing mo mula sa itaas. Next phase is the canopy management. Dito naman matututunan nila kung paano i-steer ang parachute at imainobra ito favorably to them. This is to ensure that the soldier falls on the correct landing zone after their exit to the aircraft.  And lastly, we have the towering phase which is where the trainees acquire knowledge on how they will exit the aircraft effectively. Dito itinuturo kung paano ang tamang pagtalon, kung kalian ka tatalon, and the likes. It is done to avoid dangers in the sky. Kapag natapos itong maayos at walang palya, saka pa lamang magkakaroon ng pagkakataon ang mga trainees para gawin ang kanilang “jumps” o pagtalon sa ere mula sa mga aircrafts. Iyon ang live simulation na kung saan nila i-aapply lahat ng kanilang natutunan mula day one.       It takes 45 days of intensive training before one is allowed to bear the wings in their uniforms and be called as a certified airborne trooper. Maraming hirap ang kailangan mong bunuuin at pagtagumpayan. Kailangan mo din matapos ang limang qualifying jumps o yung live application ng lahat ng naituro sayo during the period of training. Ang karaniwang ginagamit sa Airborne course ay T-10 and MC-1 parachutes, unlike sa advanced na military free fall course na MC-4 ang gamit.       Ngayon ay sisimulan ang first phase ng training nila which is the ground phase. Sinimulan nilang tumalon mula sa 2 ft. platform at pagtapos ay sa 4 ft. platform. Lahat ng trainees ay binibrief sa tamang postures at procedures. Iniinstill ang purpose ng BAC sa kanila na parachute as a means of combat deployment. Dito ay itinuturo sa kanila ang pamamaraan ng static way of paratrooping, kung saan palaging 100 percent ang posibilidad na bubukas ang parachutes.          Nakikinig ako sa bawat sinasabi ng instructors at pinagmamasdan ko kung paano tinetake in ng mga GAICS at regular trainees ng BAC ang sinasabi ng mga course instructors. Hindi ko maiwasang hindi maagaw ang pansin kung gaano ka stand out si Chaos sa lahat. Well actually, ang buong squad ng mga robot na ito ay talagang angat sa kahit anong grupong kabibilangan nila.       They went on with their trainings such as protocols and other body positions na kakailanganin sa tuwing lalapag o tatalon ka mula sa ere. Nakakatuwa dahil kahit mga babae ay pilit kinakaya ang ganito kahirap na course.        Natapos ang araw sa isang ihip lang ng hangin. Sa dami ng ginawa ngayong araw, kahit akong nanonood lang ay napagod ng husto sa mga isinagawa nila.        Naglalakad lakad ako para magpalipas ng oras bago bumalik sa aking designated barracks. Nagmumuni muni rin ako para naman maayos ang mailagay kong observation points sa aking notebook. Nasa liblib akong bahagi ng kampo nang mapamaang ako bigla dahil tumunog ang aking telepono. It was an unknown number. Sinagot ko naman ito kaagad dahil sa pagtataka. I barely give my personal details kaya nakakapagtaka kung sino ang tatawag sa akin.   “Hello?” I chimed through the phone.   “Oridala, any last words?”      Iyon agad ang bumungad sa akin pagkasagot ko. Ang boses na iyon. Kilalang kilala ko dahil hindi ko malilimutan ang naging pagtatalo namin sa Camp Tecson.   “Sgt. Barawel.” Utas kong malamig.       Alam kong may bahid ng pagbabanta ang mga binigkas nya sa akin pero hindi ako natakot ni kaunti.   “Hindi mo ba narinig ang tinanong ko, tinyente? Ang sabi ko, anong huling gusto mong sabihin?” matigas at madiin nyang tanong sa akin.   “Siguro nga hindi mo talaga ako kilala, sarhento.” Sagot ko. “Hindi mo alam na wala akong kinatatakutan at hindi ako basta basta maapektuhan ng mga walang laman na banta. Alam mo bang pwede mong ikatanggal sa serbisyo sa ginagawa mo ngayon?”   “Putangina! Pinahiya mo na ako sa buong kampo. Kulang pa ba yun sayo?!” tugon nya sa akin na halatang masidhi ang galit.   “Hindi kita pinahiya. Ikaw ang gumawa ng sarili mong kahihiyan dahil sa pagiging abusado mo. Wag mong isisi sa akin ang kapaimbabawan mo.” I told him frankly.   “Kung ganoon tinyente, wag mo rin sanang isisi sa akin ang kamatayan mo.” He said.       Magsasalita pa sana ako when I heard the dial tones. He dropped the call. Napakunot na lamang ang aking noo dahil sa napaka walang kwenta nyang agenda na bantaan ako. Hindi ko tuloy alam kung dapat ko pa syang ireport dahil sa kapalaluan nyang ito. After a few seconds of contemplating, a gunshot came into the air. I didn’t know where it came from or who fired it, but what I know is that it hit me. Madaling bumulwak mula sa aking braso ang dugo at bumaha sa uniporme ko. Palubog pa lamang ang araw kaya kitang kita ko kung gaano katingkad ang kulay ng sarili kong dugo sa aking mga kamay. Umaagos ito na parang nabutas na tubo. Sinapo ko ito gamit ang palad ng isa kong kamay para umpatin ito ngunit bigo ako.  Sinubukan kong lumakad ngunit nanlata agad ako sa sandaling panahon. Marahil ay malakas masyado ang pagdurugo ng sugat ko kaya ganoon na lamang ang aking nararamdamang pagkahilo.   “Hayop ka, Barawel.” Utas kong pabulong sa aking sarili na para bang maririnig nya pa ako.       Inilinga linga ko ang aking mata sa paligid upang humanap ng bakas ng perpetrator ngunit naapektuhan na rin ng pagkahilo ang aking paningin. Inihakbang kong muli ang aking mga paa nang may isa nanamang putok ang uimbabaw sa ere. Akala ko ay ako ulit ang pinatatamaan ngunit nag sunod sunod na iyon sa ibang direksyon. Malamang ay may nakahuli sa taong bumaril sa akin. Malamang nung umibabaw ang tunog sa ere, ay naalarma ang lahat at agarang rumesponde.        Gusto ko sanang sumigaw upang matunton nila ang kinaroroonan ko at matulungan ako ngunit nanghihina na ako masyado. Ang nagawa ko na lamang ay umupo sa isang tabi at maghintay kung may darating. Umiikot na ang aking paningin dahil sa mabilis na pagkawala ng dugo mula sa naging tama ko ng bala.       Walangyang Barawel iyon. Sinakto pa talaga nyang nasa liblib akong bahagi ng kampo. Talagang nais nya akong bawian ng buhay. Sumandal ako sa katawan ng maliit na puno habang iniinda ang tindi ng sakit na gumuguhit sa aking laman. Hindi ko akalaing dahil sa simpleng pagtatalo lamang ay kikitil ng buhay ang sarhentong iyon. Hindi man ako natatakot mamatay, nalulungkot ako dahil pinapatunayan nya lang kung gaano kabulok ang ugali nya. Ang mga kagaya nya ay hindi talaga dapat sa serbisyo. Malas nya kung mabubuhay ako ngayon dahil sisiguraduhin kong matatanggal sya sa organisasyon. Hindi namin kailangan ng mga saradong utak kagaya nya na kayang pumatay at manakit ng sariling kapatid sa pwersa.   “Ril!” nagulat ako nang makarinig ng mabibigat na mga hakbang na palapit sa aking kinaroroonan.       Nang sumilay ang mukha ng papalapit, ay naramdaman ko ang pagkapawi ng aking pangamba. It was the captain of the robot squad. It’s Chaos.   “f**k you’re bleeding! Sabi ko na nga ba ikaw ang pakay nya.” He exclaimed.      He immediately scooped me up and I did not fight back. Wala na akong lakas. I know I need help and he is the only help available right now.   “Tara na. Itatakbo na kita sa station hospital. He might have hit a soft spot on your clavicle that’s why you are having a massive bleeding.” Utas nya.       Itinatakbo ako ngayon ni Chaos. Parang wala lang sa kanya ang weight ko dahil hindi ko sya makitaan ng hirap.   “Barawel. You need to go after that asshole.” I said despite my weakness.   “Sssh, it’s okay. He’s already caught and put under the camp’s custody. All you have to worry about now is yourself.” Komento nya sa akin.   “Buti naman kung nahuli sya dahil hindi ko papalagpasin ang ginawa nya sa akin.” Matiim kong utas.   “Uunahan na kita. Hindi ko na maipapangakong magtitimpi ako sa kanya, Rilea. Pinalagpas ko na ang pananarantado nya sa amin ng mga kapatid ko. Pero ang pambabastos at p*******t nya sayo… f**k him. Because that’s a completely different story.” Halata sa boses ni Chaos ang diin at natakot ako sa kanya.   He is a completely different persona when he is mad. Hindi ko gusto ang nakikita ko sa mga mata nya. For the first time in my life, I found someone that makes me feel crept out. Sya ang tipong hindi ko gustong makabangga. Kung paano sya ginawang ganto ay hindi ko alam. Pero isa lang ang sigurado ko, walang preno ang galit ng mga kagaya nya. Dahil sa totoo lang, wala silang control at emotions. Nagdedesisyon sila sa kung paano nakikita ng rationale nila ang mga bagay. Hindi sila kagaya nating mga tao na mag dadalawang isip pa bago gawin ang isang desisyon dahil sa pagharang sa atin ng ating mga emosyon.   “Listen to me. Never touch him. Ako ang bahala sa kanya.” Paglilinaw ko.   Galit man ako sa ginawa ni Barawel, hindi ko pa din gugustuhing makitang patay sya kahit pa iyon ang pinlano nyang gawin sa akin. I am not an animal to wish him the same pain. Hindi ako ganoong klase ng tao.   “Hindi ko yan maipapangako sayo.” Chaos said in a deep voice.   “Please, captain.” Mahirap man sa akin ang sabihin yan, pinakiusapan ko pa rin sya para sa kapakanan ni Barawel.      Hindi sya umimik sa sinabi kong iyon.   “That’s the problem with you humans. I don’t understand why you consider other people’s welfare kahit pa alam nyong kalaban sila. Dyan kayo natatalo.” He told me straightly.       Natahimik ako. Tama sya. Most of the time, we consider the welfare of our enemies to the point that we forget our own. But that’s how we really are. Hindi kami mga makinang kagaya nya na walang nararamdaman na kahit ano.        The pain is growing more and more each second that passes by. I can also see the frustration in Chaos’ eyes to reach the station hospital as fast as he can. Sa tingin ko ay malala talaga ang kalagayan ko dahil kita ko ang effort nya upang mapadali an gaming pagdating sa ospital. Mas lalo akong nanlalata at nahihirapan akong manatiling gising.        Patuloy na umiikot ang paligid at mas lalo akong nahihilo. Ilang segundo pa ay nakarinig ako ng matining na tunog sa aking tenga bago ako nakipaglaban upang manatiling conscious. Nagsasalita si Chaos pero hindi ko na sya naririnig. Unti-unti na rin binabawian ng liwanag ang aking mga mata na kahit pilit kong ibukas ay kusang nagsasara.         --- sereingirl  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD