Chapter 9

2186 Words
Chapter 9 – End This War       We are now leaving Camp Tecson a day after the incident on the Echo Echo part. Hindi iyon nakaapekto sa track record ng GAICS dahil si General Hilbay mismo ang nag evaluate sa kanila. Ginawaran sila ng sertipikasyon na sila ay nakatapos with flying colors sa scout ranger course. Ganap na silang mga musang. They earned the tabak insignia to be pinned on their uniforms. Isa iyon sa mga simbolong kakaunti lang ang may kayang umabot dahil given naman kung gaano kahirap ang dinaranas na training ng mga nais pumasok sa makitid na daan patungong scout ranger.       Ngayon ay tutungo naman kami sa bantog na Fort Magsaysay upang doon ay isagawa ang kanilang airborne training. In there, they will earn their wings through difficult training once more. Ito ay dahil ang airborne training ay isa rin sa pinaka mahihirap na pagdadaanan ng mga nais makakuha ng bantog nitong wings.      Lulan kami ng ground vehicle for transport. Kasama ko ngayon ang mga GAICS dito sa likod ng military truck. Tahimik lang ang lahat at walang nagsasalita. Si Chaos ay wala pa ding imik sa akin mula nang magkaroon kami ng sagutan noong isang gabi. Hindi ko rin alam kung paano nya inayos ang sarili nya ng masugatan sya ng balisong ni Sgt. Barawel. Hindi ko na ipinilit pang tanungin dahil ayoko rin syang kausapin dahil pakiramdam nya pala ay wala akong ginawa. When in reality, I defied my own race just to help them and be fair. Minsan talaga hindi maappreciate ng iba ang ginagawa mo para sa kanila. And why should I even fret to explain myself to a piece of metal and technology? Para akong nakikipagtalo sa isang laptop o computer.      Fort Magsaysay is located in Nueva Ecija, the Rice Granary Capital of the Philippines. Laksa laksa ang bukirin dito at malawak ang mga palayan at taniman ng kung ano anong mga gulay. Kaya naman refreshing ang tanawin dito dahil bukod doon ay kita mo rin ang silhouette ng bantog na Mt. Arayat na nasa karatig bayan ng Pampanga. Halata mong sariwa ang hangin dahil nga hindi pa ito gaanong ka-urbanized ngunit iba ang hapdi ng sikat ng araw. It’s as if the sun is directly atop this place. Pakiramdam ko ilang minuto pa lamang ng pagkakabilad ay magkakaroon ka na directly ng sunburn. Kahit ang hangin na sariwa sa pakiramdam ay dala rin ang matinding singaw ng init nito ngayong summer season.      Palihim kong sinulyapan si Chaos na ngayon ay abala sa pag pindot ng kung ano sa isang device. May kaunting kunot sa gitna ng kanyang mga kilay na salubong habang pinagmamasdan nya ng masinsinan ang kung anong inaasikaso nya. Naiinggit ako sa paraan kung paano sya ginawa dahil wala akong makitang bakas ng kakulangan o kapintasan sa kanya – sa kanilang lahat. Mula sa kutis na mas makinis pa ata sa “glass skin” nilang tinatawag, sa buhok na kahit hipan ng hangin at gumulo ay hindi man lang makaapekto sa mga dating nila, sa matingkad na pulang labi at magandang mga mata… these robots are not just robots at all. I wonder kung mga crush ba ni Catherina ang ginawa nyang modelo para sa imaging nila dahil kung ganoon nga, that b***h sure has a good taste in men. At least bumawi sya doon kahit pa palpak ang reason nya kung bakit nya binuo ang mga bugok na ito.      I was brought back to senses when his hazel brown eyes met mine. It was a mere eye contact but it sent my whole body to chills. There really is something with his eyes and the way he looked at people. I don’t know what that is but it s intimidating. It gives me a strange sensation inside my stomach. I blinked and then looked away as if I never stared right into where he is. Nakakahiya ka, Rilea. Nahuli ka pang tumitingin sa kanya. Baka akalain ng hunghang na iyan ay kung anong dahilan ang pinapahiwatig mo.      I was saved by the bell when our vehicle came to a halt and our military driver signaled that we already arrived at our destination. Pinauna ko ang squad kong kasama. Isa isang bumaba ang mga GAICS and I was the last because I checked if they are all accounted for. When I was about to step down of the truck, Chaos was awaiting me with his hand laid out. Inaalok nya ako ng pag-alalay para makababa ako ng maayos at hindi mahirapan. Tinignan ko ang kamay nya, clueless of what I should do. Hindi ba galit kaming dalawa sa isa’t isa? Hindi ba may galit sya sa akin? Hindi nya nga ako kinakausap o pinapansin e! Hindi nya ako inaasar these past days. Don’t get me wrong. Pabor sa akin yun dahil hindi nya ako binubuliglig all the time. Pero what’s with this sudden offering of help?       Inirapan ko sya at tuluyang bumaba ng truck without grabbing his hand. I ignored his offer reluctantly. Kaya ko naman ang sarili ko kahit walang tulong ng kahit sino. I am used to living and surviving hell alone. Why would I even need a hand in going down a military truck? He sure thinks I am that weak. Napaka laking insulto nya talaga sa buhay ko!      We headed directly to the office of the commanding officer of the camp which is Brigadier General Marquez and we were warmly welcomed. General Marquez has been with me sa Marawi. At that time he is just a Colonel but he is really very focused on our goals. He always checks on everybody from time to time and makes sure that we carry out the plans into full execution. Naging mahirap man ang mga pinagawa nyang taktika, those contributed to our success against the terrorists.   “Nice to see my favorite lieutenant in the world!” he exclaimed in a wide grin as we rendered our salute and greetings. “How are you doing? It’s been long since we last saw eye to eye ha?”       He closed in the space between and gave me a pat on my shoulder.   “I’m good sir. Off with my new assignment.” Sagot ko at iginiya ang mga GAICS na nakatayo ng tahimik sa aking likuran.   “Yes I was informed.” He said. “Take a seat everyone. Let’s have a little conversation. Para na rin itong briefing of what you can expect for your airborne training.”   Naupo kami sa maliit nyang couch dito sa opisina. Chaos is again beside me so I feel a little uneasy. I am trying my best not to slide my skin against him because I feel like he is a bacteria or a virus that I need to avoid. Galit pa rin ako sa inaasal nya sa akin.   The general sat across us and sipped a coffee from his 6-inches tall mug with the logo of the NAF. I remembered he always loved coffee kahit during the exchange of fire between us and the terrorists. Hindi sya makagawa ng malinaw na plano without a coffee in his hand.   “Allow me to introduce myself to you. I am Brigadier General Fileo Marquez, commanding officer of the Fort Ramon Magsaysay.” He said. “I officially welcome you to our camp. Please feel at home. Lalo na at ang tinyenteng kasama ninyo ay para ko nang anak noong Marawi days. You remember our time together, Oridala?”   “Yes sir. You were the best sir.” Tugon ko sa kanya na sya nyang ikinangiti.       Those in the higher ranks always loved praise and exchange of healthy conversations. Dapat matutunan mo silang kausapin nang ganito dahil doon nagsisimula ang bond ng nakatataas sa mga subordinates nila.   “Anyway, I heard of what happened sa Camp Tecson.” He diverted into the topic. “Of course I was sad to hear of what happened because you saw a side of the NAF that wasn’t really needed at all. Kayabangan, panlalamang, pagiging abusado… that was not our thing at all. And as someone in the higher ranks, I apologize to you for seeing it.”      Natahimik ako at nabigla dahil sa paghingi nya ng tawad at pasensya sa mga GAICS. Ngunit hindi ko iyon kinontra. As a graduate of the PMA, nainstill sa kanya ang values ng pagiging gentleman. Hindi takot umamin ng kamalian at sanay ibaba ang sariling pride kung nakikitang may kasalanan. Nakakahanga talaga ang taong ito dahil kahit pa alam nyang mga bakal na gumagalaw lang ang kausap nya at hindi mga totoong tao, marunong syang maging tapat na nagkaroon nga ng pagiging unjust sa sistemang naranasan nila doon sa Camp Tecson sa Scout Ranger training nila.   “Rest assured sir, that I and my colleagues do not have any issues with that anymore.” Tugon naman ni Chaos.   “Good to hear that. I heard that your kind has a higher rationale than that of human beings so I already expected that you understand things better. Nonetheless, gusto ko pa din humingi ng dispensa sa nangyaring pang-aabuso sa inyo. Be at peace knowing that I will never allow such disrespect to happen inside my camp. Not within my leadership. Hindi ko hinahayaan ang pang-aabuso sa kampo ko.” He exclaimed. “Expect a fair treatment for all of you. Itatrato namin kayo na parang mga taong trainee. Para ito sa fair na paghusga rin ni Oridala in terms of comparisons na kanyang finoformulate for her report sa secretary.”   “Thank you, sir. That is enough assurance for me and my team to hear.” Tugon naman ni Chaos.        After a few more minutes of talk, we were directed to our barracks. Gaya ng sa Tecson, mayroon rin akong sarili at hiwalay na barracks mula sa mga GAICS. Nang inuunload na namin an gaming mga dala, kinuha ni Chaos ang gamit ko nang walang consent mula sa akin.   “Akin na nga yan.” Utas ko.      Kaming dalawa lang ang magkasama ngayon dahil nauna nang umalis ang iba.   “As an underclass I must do such things for my senior.” He said.   “Well as a senior, I order you not to help me.” Mataray kong sabi sa kanya. “Hindi pa ako baldado. Kaya ko pang buhatin ang mga gamit ko, kaya akin na.”      Iniumang nya ang mga gamit ko pero nang hawakan ko iyon ay hindi nya pa din binitawan. Hindi sya nagsalita at bagkus ay tinitigan ako. Natigilan ako sa ginawa nyang pagtitig sa akin kaya nag-iba ako ng tingin. Bumitaw ako sa pagkakahawak ko sa rucksack ko. s**t. What the hell am I feeling? Why do I feel so damn nervous with just a stare?   “Sinasabi mo lang yan dahil galit ka sa akin.” He said.      Tiningnan ko sya ng masama.   “Bakit? Hindi ba galit ka din sa akin? The feeling is just mutual.” Ganti kong sabi.        Ngumiti sya nang nakakaloko. Isang ngiti na kahit siguro sinong makakakita ay mababaliw at panghihinaan ng tuhod.   “Is it really mutual, Ril?” He asked me as if he meant something else.   Dug. Dug. Dug. f*****g abnormal heartbeat! Ano ba to? Bakit ganito ang epekto ng lalaking ito sa akin? Gusto ko na syang sapakin bigla sabay takbo paalis.   “J-just give me my things.” Sinubukan kong hilahin muli ang mga gamit ko mula sa pagkakahawak nya pero malakas ang pagkapit nya roon.       Sinubukan ko uling haltakin ng mas malakas na pwersa ngunit binawi nya iyon at nahila ako palapit sa kanya. He was quick to support my back – similar to being enclosed in a hug. Ang tanging distansya na mayroon kami ay ang rucksack ko na naipit sa gitna naming dalawa. He is dangerously close.       His eyes studied me slowly and I wanted to hide. Gusto kong magtago at iiwas ang sarili ko mula sa mga matang iyon, pero napako ako sa kinatatayuan ko. Nanigas ako at nawalan ng lakas upang panlabanan ang lalaking may hawak sa akin ngayon.   “I don’t hate you, Ril. That night, I was just afraid na galawin ka din ni Barawel.” Sabi nya sa akin.   “As if kayanin nya ako. Malakas ako. Wag mo akong alalahanin.” I replied.   “Alam ko. Alam kong malakas ka, and I feel so useless because of that. Because I see that you don’t need any help from me.” He told me.       He smiled.   “But that night, I was more afraid of doing something else. Dahil akala ko, papatayin ko na si Barawel noong binastos ka nya at tinaasan ng boses. Pero nagalit ako noon, kasi wala akong nagawa para sayo.” He said in a low voice.          My heart seemed to melt with his words. His eyes looked so sincere.     “Hindi kita kayang kalabanin, Ril. And even if you hate my kind down to the core, I will never hate you.” Saad nya. “Let’s end this war. Ako nalang ang magpapatalo.”   --- sereingirl
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD