Chapter 8 - Echo Echo
As expected, my GAICS squad excelled in their Scout Ranger training. The training that is for 6 months, they managed to do within one month. That is not a surprise because the limits that normal people have, they do not possess. Their abilities are unbounded. Catherina really created living machines. Kayang kaya nilang tumumba nang isang platoon o kaya ay isang company nang silang lima lang. I know that because I observe closely and pay attention. If it weren’t for their notable strength and extra abilities, I would see them as real humans. They really can surpass any hardship that a soldier faces because they lack emotions.
But that was something I see as a hindrance for them to join in the field. Kung wala kang emosyon, hindi magiging makatao ang mga operasyon. Para kang magpapakawala ng mga makamandag na ahas. You are sending wild animals that will create inhumane acts. And that's where the problem arises. Dahil kahit pa sabihin mong terorista, tao pa din ang mga kalaban. Sakop pa rin sila ng mga batas ng konstitusyon. We cannot send men who do not feel emotions because that’s when we create more chaos in the field. We send soldiers to war to create peace and not to create further battles.
Tonight is the last day of our stay here in Camp Tecson. And tonight will be the peak of their scout ranger training. Dahil ngayong gabi magaganap ang kanilang Echo Echo.
Isinama sila sa iba pang mga trainees. Itinali ang mga kamay nilang lahat gamit ang iisang lubid lang. Ibig sabihin, kung gagalaw ang nasa unahan ay mahihila rin ang mga nasa likod. Pagkatapos maitali nang lahat, sila ay pinagapang nang nakapabilog, habang may piring ang mga mata. Kasama ako ng mga tagapangasiwa ng Echo Echo at masinsin kong pinagtutuunan ng pansin ang bawat detalye ng seremonyas.
"Ahh!" Nagsimula na ang pag-inda ng ilang mga trainee nang nag umpisa na ang pag hagupit sa kanila.
Habang nagpapaikot ikot sila pabilog ay halinhinan silang hinahataw ng tubo, dos por dos at latigo sa iba't ibang parte ng katawan. Rinig mo ang lutong ng palo sa kanilang balat at laman. Kita ko rin ang pamumula at pagdurugo ng ilan. Samantalang alam kong mas malakas na palo ang binibitawan para sa mga GAICS, hinayaan ko lamang iyon dahil hindi naman sila tao. Nagtagal ito nang mahigit kalahating oras at ang iba ay halos umiyak na sa sakit na ramdam. Rinig mo ang sakit sa bawat indang binibitawan ng trainees. Hindi ko man narinig na uminda ang mga GAICS, bakas sa katawan nila ang ebidensya ng malalakas na palo at hataw. May nakita akong dugo sa likuran ni Chaos, pero parang wala lang ito sa kanya. Kung sa normal na tao ito, malamang ay ininda na ito ng sobra.
Sunod silang dinala sa isang man-made pond. Doon ay sabay sabay silang nilulubog sa tubig. Gaya nang naunang pagsusulit, iba nanaman ang paraan para sa mga GAICS ngunit hindi ako umimik. Nilulunod na sila na para bang intensyon nang patayin o sirain. Pero isa ito sa mga kakayahan nila. Ang lagpasan ang ordinaryo. Kaya hindi kagaya ng normal na tao, kinaya nilang lima na magtagal sa ilalim ng tubig nang hindi man lang umaalpas sa hawak ng mga instructor.
Pag-ahon nila sa malamig na tubig, igrinupo sila sa lima. Isa itong hostage situation role play. Simulation ng torture, kung paano sila paaminin ng kalaban sa oras na mahuli sila. Magkakasama na ngayon ang limang robot bilang isang grupo. Nanatiling nakapiring ang lahat, at saka sila itinali sa isa't isa bilang isang bungkos. Pinaluhod sila sa lupa. Bawat isang grupo ay may tatlong instructor, pero sa GAICS ay lima din. Nagsimula silang bugbugin habang nakatali. Umingay ang tahimik na gubat sa mga daing at sigaw ng sakit at mga bulyaw mga instructor. Pero ni isa sa mga sigaw na iyon ay wala ang mga GAICS. Wala silang emosyon. Walang bakas ng sakit. Walang buka ang bibig. Walang ngiwi ang mukha.
"Ano?! Di ka pa magsasalita?!" Halata na ang pagkapikon ng isa sa mga walang habas na bumubugbog sa mga GAICS. Si Chaos ang pinagiinitan nya dahil alam nyang ito ang kapitan ng squad.
Bakas sa mukha nya ang galit at inis dahil pagod na silang bumugbog sa tila pader at walang emosyong mga robot. Ang mga taong gaya nya, gustong marinig na nahihirapan ang trainees at nasasaktan. At kung hindi nya makuha ang satisfaction na hinahanap nya ay ipagpapatuloy nya ang pagpapahirap sa kanila.
Bumwelo sya at pagdaka'y humugot ng balisong sa isa sa mga bulsa ng kanyang uniporme.
Aalma pa sana ako ngunit mabilis nya itong itinarak sa hita ng nakaluhod na si Chaos. Bumulwak ang dugo roon at ang tanging nagawa ko nalang ay manlaki ang mga mata.
"Tama na yan!" Bulyaw ko.
Agad akong nilingon ng sarhentong may apelyidong Barawel. Nilapitan ko ang kinaroroonan nila at galit na tinitigan sya.
“Ma’am, hindi ka pwedeng makialam dito. Tradisyon ito! Parte ito ng echo echo.” Pabalang nyang tugon sa akin.
“Wala akong pakialam sa tradisyon na sinasabi mo. Kanina ko pa kayo hinahayaan kahit pa nakikita kong sobra sobra na ang ginagawa nyo sa kanila.” Alma ko.
Nilingon ko ang nakaluhod na mga GAICS.
“Tumayo kayo dyan!” utos ko sa kanilang lima.
Agad silang tumalima at tinanggal nila ng mabilis ang kanilang mga piring sa mata.
“Putangina! Sinong nagsabi sa inyong pwede kayong tumayo?” Bulyaw ni Barawel. “Walang ibang masusunod ditto kung hindi ako kahit ano pa ang ranggo mo!”
Nag-init ang dugo ko sa sinabi nya dahil para na rin nyang binastos ang chain of command na pinatutupad n gaming organisasyon. Tiim bagang ko syang binalingan habang nagaapoy ang aking mata sa inis dala ng kanyang pambabastos.
“Pag sinabi kong tama na, tama na. Ako ang inatasan ng DND secretary sa misyong ito, at kung ano ang sinabi ko, iyon ang susundin nyo!” Nagtaas na ako ng boses dahil sa sumisidhing inis sa kayabangan nitong Barawel na ito.
“Sino ba talagang kakampi mo, tinyente? Suportado mo na ba yang mga yan ngayon? Akala ko ba ekstraordinaryo ang mga iyan at mas higit sa ating mga tao? Bakit kailangan mo silang ipagtanggol pa sa amin? Akala ko ba sabi nila kakampi ka namin patungkol sa usapin nila?” utas nya sa akin. “Isa ka din pala sa mga taksil sa samahan!”
Sinampal ko sya sa sinabi nya. You can question me on anything but never on my love for the service and my country. Hinding hindi ko papalagpasin ang pag kwestyon nya sa pagiging tapat ko sa aming organisasyon.
“Mataas ang respeto ko sa NAF. Mahal ko ang bayan higit pa sa buhay ko. At kung hindi pa sapat na pruweba sayo ang pinakita ko noong Marawi Siege, hindi kita kailangan kumbinsihin dahil mas maraming tao ang alam kong nakakaalam ng totoo.” Panimula ko. “Kung kinakampihan ko ang GAICS, sana nung una pa lang hindi ko na sila ipinagalaw sa inyo. Bilang nakakataas dito, responsibilidad kong tignan kung patas pa ba ang ginagawa nyo sa kanila. At hindi ko kailanman hahayaan ang kawalanghiyaan na gaganapin sa harapan ko mismo!”
Natahimik sya sa mga sinabi ko at tila ba natauhan.
“Hinding hindi ko papalampasin ang pambabastos mo sa ranggo ko, Barawel. Ipaparating ko ito sa nakatataas. Magdasal ka na isalba ka ng kayabangan mo.” Mariin kong sabi. “Squad let’s move out.”
Inutusan ko ang buong GAICS squad na sundan ako palabas ng kagubatan pabalik sa barracks. Tinapos ko na ang gabi ng kanilang echo echo dahil hindi na tama ang nangyayari.
Sa totoo lang, hindi ko alam kung kinakampihan ko ba sila. Oo, galit ako sa uri nila. Pero nangako ako ng tapat sa tungkulin ko na hindi ako magiging biased sa mga desisyon na involved ang welfare at development ng bayan. At kahit masama sa loob ko, kung ang pagtanggap sa kanila sa NAF bilang parte ng active force ang syang makatutulong ng lubos sa bayan, buong puso akong magpapaubaya. Dahil ang emosyon ay hiwalay sa tungkulin. At iyon ang leksyon na dapat matutunan ng Barawel na iyon.
Pagdating ng barracks ay umupo agad si Chaos sa dulo ng kanyang bunks. Patuloy pa rin sa pagbulwak ang dugo mula sa tinarakan ng balisong sa kanyang hita.
“Anong dapat gawin kapag nasugatan kayo at nag-bleed? Hindi ako na-orient ni Catherina kung paano kayong dapat i-repair.” Matimtim kong tanong kay Chaos.
“No need to fret, Lieutenant. I can handle myself.” Malamig nyang tugon.
Hindi man lang nya ako tinitigan ng sabihin nya iyon. Ramdam ko ang pagkawala ng interes at gana sa tono nya na para bang napilitan lang syang sumagot sa tanong ko.
“Bakit ganyan ang tono mo sa akin?” Hindi ko maiwasang itanong.
Tinignan nya ako pero nanibago ako sa dating ng mga mata nya.
“Because I didn’t like how you allowed all that to happen.” He responded shortly.
“Anong ibig mong sabihin? I actually helped you out of that scenario!” hindi makapaniwalang utas ko.
“It was already ending, Lieutenant.” Sagot nya. “Mula simula, hinayaan mo nang abusuhin kami. Nagtiwala ako sa rationale mo dahil alam kong magaling kang sundalo. I trusted you when you said that we will undergo the same trainings as the humans and you will just compare. Why did you allow so much abuse? Dahil ba hindi kami tao? Is it because we are not human so you have the license to treat us inhumanely?”
Natahimik ako. Tama sya. Pinangako kong parehas lang ang pagdadaanan nila sa mga taong trainee at doon ko lang ikukumpara ang standards. pero dahil GAICS sila, hinayaan kong lumagpas ang ginagawa sa kanila sa normal na tinatamasa ng tao dahil buong akala ko, ay ayos lang iyon. Pero hindi ako pwedeng magpakita ng pagkatalo. Hindi ako papayag.
“Anong gusto mong gawin ko? Baby-hin ko kayo?” Tugon ko. “For pete’s sake, Chaos! Hindi nyo na nga tinapos ang echo echo tapos rereklamahuhan mo pa ako!”
“Reklamo?” He asked. “I’m not complaining, Lieutenant. I am stating facts.”
There was something with the way that he calls me lieutenant that I hate so much. Kung anong comfort ang binibigay sa akin ng pagsasabi nya ng pangalan kong Rilea o Ril, sya naming kaibahan pag bibigkasin nya ang ranggo ko.
Sya namang pagpasok ng isang sarhento sa eksena.
“Ma’am pinapatawag ho kayo ni General Hilbay sa opisina nya.” Utas nito.
Napapikit ako. Malamang ay umakyat na ang balita sa kanya. Binalingan ko si Chaos.
“Whine all you can. Bahala kayo sa mga buhay nyo. Ungrateful turds!” Bulyaw ko.
After saying that, I stormed out of their barracks and went straight to the office of the commanding officer na nagpasundo sa akin.
Pag pasok ko ay naghihintay na agad ang Heneral sa kanyang desk. It’s already late and he probably just came here to hear my report. Sumaludo ako at iginiya nya akong umupo sa harapan nya.
.
“I heard what happened during the simulation.” He said.
“I’m sorry for the inconvenience that I caused sir. It was just too much. Sergeant Barawel is too much.” I exclaimed.
“In your opinion, mali ba yung ginawa mo?” He asked.
“No sir. I did what I know is right. I did what is just and fair in accordance to our rules.” Honest kong tugon.
“So, bakit ka humihingi ng sorry?” He questioned me.
Hindi na ako umimik sa sinabi nya.
“You see, Oridala. To make such brave decisions is full of risks. Pero kung tama naman iyon at sa ikakabuti ng lahat, hindi tayo dapat magsisisi. We should never apologize for the things we did right even if other people sees it wrong. You only did what is fair like you said, and that is the characteristic of a true leader.” Paliwanag nya sa akin. “Don’t feel bad between your encounter kay Barawel, hija. Tuturuan ko sya ng leksyon sa ginawa nyang pambabastos sa iyo. Ako pa nga ang dapat humingi ng pasensya sayo at sa GAICS dahil sa lubusang pananamantala ng sarili kong mga tao.”
“That’s nothing sir. Wala po kayong kinalaman doon. Sometimes, no matter how great a leader is, there really are subordinates that go astray. It’s not your fault sir.” I reassured the General who is clearly disappointed.
Our conversation lasted for a few minutes more before he set me free to rest. As the night crept in, I drifted to sleep with the thought of an angry Chaos bugging my head.
---
sereingirl