Chapter 7 - Comfortability
Matapos ang matagumpay naming foot march patungong Mt. Cabuyao, agad kong inirekomenda na sumailalim sa pinaka-mahihirap na training ng iba't ibang branch of service ng AFP ang mga GAICS. Doon ay masinsin ko silang ikukumpara sa mga trainee na tao na kasabay nila.
Uunahin namin ang Scout Ranger Training ng Philippine Army. Ang training ng mga scout rangers o kung tawagin ay mga musang, ang considered as one of the hardest among the hardest to survive. Only the tough surpasses the training. Lalo na ang bantog nilang Echo Echo, kung saan ay mayroong simulated torture, at hostaging. Doon ipaparanas sa kanila ang isang situated scene kung saan sila ay mabibihag ng mga kalaban at susubukang paaminin sa kanilang mga nalalaman. Kaya naman ibang respeto at tingin sa mga ranger dahil sa distinct training na sinailaliman nila.
Pagpasok namin ng kampo ay dumiretso kami sa opisina ni Brigadier General Hilbay, ang Commanding Officer ng Scout Ranger Camp para mag courtesy call sa kanya.
Sumaludo kaming anim — ako at ang mga GAICS. Ibinalik naman nya sa amin iyon.
"Welcome to the Scout Ranger Camp, Lt. Oridala. I'm very honored to finally meet you." Pagbati sa akin ng Heneral sabay abot sa aking kamay para tapikin ito. "I have heard so much of your gallantry in Marawi."
"Thank you sir. It's a pleasure to be here, sir." Pagtugon ko.
"Ano ka ba. You look stiff. Come on, loosen up a bit. Cool na cool lang tayo dito. Everyone, please take a seat." Anyaya nya at saka kami iginiya sa receiving area nya. "Make yourselves comfortable before you start your ranger journey."
Umupo kami agad para magcomply sa order ng Heneral. Inutusan nya din ang mga aide nya para kami ay hainan ng pagkain. Katabi ko sana si Danger, pero tinapik sya ni Chaos sa hita at saka sinenyasang umalis.
"Bakit ka ba dikit ng dikit sakin?" Bulong ko dahil hindi talaga ako komportableng malapit sa kanya.
There's this weird feeling inside me whenever he's around. I feel uneasy and restless.
"Why?" Inosente nyang tanong. "He told us to feel comfortable."
"Exactly." Sagot ko. "Kaya nga ayokong malapit sayo kasi hindi ako komportable."
"Bakit? Kailan ka pa naging allergic sa akin?" Ngisi nya.
I shot him a deadly glare. Papatayin ko na talaga tong lalaking ito pag nainis ako. Pero saka na, kapag wala na ang Heneral dito sa kwarto.
The little meeting we had, lasted for a few hours bago kami idirekta sa aming designated barracks para magpahinga. I was given a specific room as an officer, while the GAICS are joined to the barracks of the new trainees. Their training, and my observation will start tomorrow.
I'm hell sure it is gonna be a long day here at Camp Tecson.
Ipinikit ko ang aking mga mata noong oras na mailapat ko na ang aking ulo sa unan. I have to recharge dahil nakakapagod ang byahe. Mabuti pa ang mga robot na iyon, hindi napapagod. Minsan gusto ko nalang sumigaw ng "Sana All!". Napaismid nalang ako bago sumuko sa kadiliman.
Tumatakbo ako at takot na takot. Mayroon bang humahabol sa akin? Hindi. May hinahabol ako.
Kagubatan. Puro puno. Madulas ang daan at maraming malalaking ugat na muntikan pa akong tisurin.
Bigla akong napahinto nang may makita akong grupo ng mga lalaki. Hindi ko maaninaw ang mga mukha pero naririnig ko sila. Nakapalibot sila sa isang bilog at may lalaki sa gitna. Nakakabingi ang tawanan na parang nangungutya. Parang mga demonyo.
"Ril, anak.." Sumikip ang dibdib ko nang tawagin ako ng kung sino. "...tulungan mo ako."
Ang lalaki sa gitna ng bilog... si Tatay. Duguan. Maga ang mukha. Puno ng sugat.
Nanghina ang mga tuhod ko.
"Tay!" Sinubukan kong tumakbo palapit sa kanya pero napako ako sa kinatatayuan ng lamunin ako ng isang kumunoy na wala naman kanina.
Pilit akong kumakawala. Pilit kong inaalis ang aking mga paa. Pero hindi ako makalaya.
Tinignan ako ng isang lalaki, nginitian, bago nya isubo ang dalang baril sa bibig ni Tatay at kalabitin ang gatilyo.
"Taaaaayyyy! Wag!" Sigaw kong may halong pait sa lalamunan
Tumawa ang grupo. Pagkatapos sipain ang walang buhay kong ama, ay nilapitan nila ako sa kumunoy.
"Ang dami mong iniligtas sa Marawi, pero sarili mong Ama hindi mo nailigtas. Pinatay mo sya. Kasalanan mo! Anong silbi mo, Rilea?" Pinatindi ng mga salita nya ang dalamhati ko habang tanaw ang Tatay kong kinitil nya.
Tumatangis kong minasdan ang paglapit nya ng baril sa aking ulo bago umalingawngaw ang putok mula rito.
"TATAY!" Napabalikwas ako mula sa higaan.
Alas dos ng madaling araw, ayon sa nakasabit na relo sa dingding.
Tagaktak ang pawis kong bumangon mula sa pagkakahiga. Panaginip. Bangungot nanaman. Paiba iba ang tema, pero pareho ang biktima. Pareho lang ang laman. Laging sya. Sya na ata ang pinakamasaklap kong bangungot sa buhay na ito.
Umiyak ako. Humikbi ng tahimik. Pilit kong nilalabanan ang mga luhang walang awat sa pag-agos.
Kailangan ko ng hangin.
Lumabas ako ng barracks ko at nag-desisyong tumakbo.
Oo. Takbo nanaman. Ito ang palaging solusyon kapag inatake ako ng bangungot. Tatakbo para mapalitan ng pagod at sakit ng katawan ang sakit ng puso. Tatakbo nang walang tigil, iniisip na baka sakali, pag tumakbo ako ng ilang milya ay matakasan ko lahat ng alaalang bumabara sa utak ko. Sana pwede kong takbuhan ang lahat at iwanan. Sana pwede kong kalimutan ang sakit nang iwanan nya kami nila Nanay. Sana pwede kong takbuhan ang pagsisisi na mailigtas ko sana sya.
Pero kahit anong takbo ko, hindi ako umuusad. Hindi ako makaalis. Naroon pa din ako sa kumunoy dito sa totoong mundo --- nakapako.
Totoo ang sinabi nung lalaki. Anong silbi ko? Anong silbi ng lahat ng ito kung hindi ko din kayang bitawan ang pinakamalaki kong kapalpakan sa buhay?
Nililigtas ko ang iba, para pagtakpan ang hindi ko nagawang pagliligtas sana sa kanya.
Hindi ko namalayang umiiyak nanaman ako habang tumatakbo. Hinihilam ng luha ang mga mata ko kaya hindi ko na napansin ang nakaharang na kung ano sa dilim. Natisod ako nito, at sa bilis ng aking takbo ay tumilapon ako ng ilang metro dahil sa kawalang balanse.
Ramdam ko ang pag-lagpak ng katawan ko sa matigas na lupa at mga bato.
Napainda ako sa sakit na naramdaman kaya nanatili akong nakasadlak. My head hurts like hell and it makes me dizzy.
"Ril!" May sumigaw na kung sino at narinig ko ang pagkaripas niya palapit sa akin.
Chaos.
Nakayukod sya sa tabi ko at saka ako inalalayang makaupo. His arms are around me as he secured me to support my weight.
"Are you alright?" He scanned me. He touched my forehead. "f**k, you're bleeding."
The moon is the only thing that gives me enough light to see his face right now. His eyes...
Gusto ko syang itulak palayo at gusto ko syang bulyawan. Gusto ko syang tarayan, malditahan. Pero umiyak ako. Umiyak ako ng walang alinlangan, hanggang manginig ang buo kong katawan.
Dala lahat ng pagod. Nang sakit. Nang takot. Nang pighati.
Bumigay ako.
"Ano ba?! Tangina." His voice sounded worried. "Tinatakot mo ko."
Robot ka. Bakit ka matatakot? Gusto ko sanang sabihin sa kanya yan pero hikbi lang ang naisasagot ko.
"A-ayoko na." Utal kong tugon sa mahinang boses. Tinignan ko sya mga mata at kumapit sa braso nya habang humahagulgol. "Ayoko n-na. P-pagod na a-ako."
Lalong umagos ang mga luha kaya yumuko ako, pero mas humigpit ang kapit sa kanya.
Hindi na sya nagsalita. Sa gitna ng daan, niyakap nya ako nang tahimik at walang alinlangan. Hinaplos ang likod ko at pilit akong inaalo at pinapatahan.
"Sssshhh." Marahan nyang bulong habang sinusuklay ang buhok ko.
Hinayaan ko lang ang sarili kong malunod sa init ng yakap na bigay nya. I feel safe. I feel secured. It seems as if the world cannot hurt me when I am in his arms.
He scooped me up to carry me with all tenderness and caution. I feel fragile but I didn't care.
"Let's get you to your quarters. You need to rest." He said.
Tumango nalang ako at saka isinandal ang ulo ko sa dibdib nya.
Ihinatid nya ako sa aking tinutuluyang kwarto at saka inilapag sa kama kong malinis na nakaligpit. Iniupo nya ako na nakasandal sa headboard bunks at saka sya umupo sa gilid.
"Where's your first aid kit? I need to disinfect you." Sabi nya na pinapatukuyan ang mga natamo kong sugat.
"Mababaw lang 'to. Matagal lang ako mag clot." Sabi ko na walang lakas habang pinupunasan ang dugong umaagos sa mata ko.
He leaned over to touch my forehead and I winced in pain.
"You had cut yourself pretty deep and long. That is actually in need for a stitch." Saad nya.
"Andun sa drawer ko inilagay ang kit." Usal ko. "And no, I'm not getting stitched."
I hate hospitals. Nakakatrauma ang surgery. I'm more afraid of injections than bullets, honestly. I had two scars from obtaining serious injuries from training and they're not cool to look at. Kelloidal scars on both elbow and knee — the one on the elbow about half a ruler long.
"Well, then I guess we just have to dress it." Ngisi nya habang inilalapag ang mini box sa pagitan naming dalawa.
"What's so funny? Nasira na ba lalo ang mukha ko kaya mo ko pinagtatawanan?" Kunot-noo kong tanong.
"I just find it funny that the iron woman of this force who faced bullets and skilled warriors, is scared of needles." He answered as he segregated the things inside my kit.
"Everyone has something that they're afraid of. That's what makes us human." Utas ko habang mabilis na pinipikit ang mata para mawala sa isipan ang memorya ng bangungot ko kanina.
"Well, I will not understand that because I was programmed not to feel fear." He commented.
"Hindi ka naman kasi tao." Utas ko.
Sinimulan nyang basain ng alkohol ang bulak at akma akong pupunasasan noon sa noo pero inawat ko ang kamay nya.
"Ako na." Utas ko.
"Hindi mo naman makikita. You'll just make a mess of yourself." He said sternly. "Let me do it for now."
He looked at me directly as if he knew that his eyes are my weakness too.
"Please, Lieutenant." He said in a low voice.
That's it. Binitiwan ko ang kamay nya dahan dahan at hinayaan syang gawin ang gusto nya.
He caressed the cotton on my skin gently. It stung, but it was manageable because of the sight of this guy from Olympus. He looked so perfect from this distance. His jawline, his serious face as he focused on what he was doing, his nose, his pink lips... he was designed to perfection.
"You'd melt me." He said as he flashed a playful grin.
I averted my gaze. Goodness, gracious. Naramdaman kong uminit ang pisngi ko.
Iniligpit nya ang kit at isinara ito matapos malagyan ng gasa ang malalim kong sugat sa noo at dampian ng betadine at alcohol ang iba pang natamong galos.
"There. You're all good." Saad nya. "I have to go. I have to get myself squared up because training starts today. You'll be okay, right?"
Tumango lang ako ng marahan habang minasdan syang tumayo. Akala ko ay tuluyan na syang lalabas but he turned his heel and walked over to me.
I was stupefied when he leaned over, and landed a kiss on my forehead, on the spot near my cut. It was gentle but it sent tingles to my whole system.
I couldn't move or budge. I was frozen. Pakiramdam ko ay tumigil ang mundo at t***k lang ng puso ko ang tuloy tuloy.
"I'm not human, but I heard it makes wounds heal faster when you kiss them." He said. "I'll see you later, Lieutenant."
Wala na akong naging reaksyon. Before I knew it, he was out of my room. I don't know but I suddenly felt okay.
Now I know why I hate being near him. It's a lie that I am not comfortable. I hate having him around, because it was the opposite. I am comfortable when he is around. And that's the problem. Because I get scared with feeling comfortable. Because being comfortable today, might cost me so much someday. And I don't know if I could pay the price again.
-----
sereingirl