Chapter 6 - Field Training
I can no longer remember how I stopped crying and managed to put up a fake smile after almost dying last week with that damn memory plane.
All I can ever remember was Chaos escaped the eyes of the crowd, making them believe that I survived that horror of aviation. Hindi sya nagpakita to claim na sya ang nagmaneho. He gave me the honor and left my dignity unstained. I feel guilty of receiving commendations that I did not work for. But I shouldn't feel this way. Robot lang naman sya, afterall.
Today, we are heading for a climb sa Mt. Cabuyao sa Baguio as part of our Field Training Exercise. Dalawang six-man squad lang ang kasama ngayon. Ang team ko kasama ang GAICS, at ang team ni Lieutenant Aranas. Kailangan kasi ikumpara ang range ng abilidad nang mga ito sa totoong tao in terms of field work. We have to see if Catherina's claims about them are true.
As we made our way to the mountain of Cabuyao, memories of my cadetship days came rushing back. Sa buhay kadete mo, aakyatin mo ito ng dalawang beses. Una, bilang plebo o first year. Parte ito nang tinatawag naming foot marches na kasama sa kurikulum ng rigorous training namin bilang mga bagong salta. Mula PMA ay lalakarin namin ang 21 kilometrong distansya patungo sa peak nitong Cabuyao habang may bitbit na rucksack at rifle. Kasama namin ang mga squadleaders namin at doon sa tuktok kami nagpalipas ng gabi habang minamasdan ang city lights na tanaw na tanaw mo sa itaas. Ang bawat isang squad din noon ay may rasyon na isang buong manok, at kayo ang hahayaang magluto ng kahit anong putahe para makain. Kami din ang gumawa ng sarili naming tent na tinulugan noon.
Ang pangalawang akyat mo dito, ay bilang squadleader na. Ikaw na iyong gumagabay sa plebo. Pinamumunuan mo na ang isang squad. Kumbaga, ikaw na muna ang tumatayong magulang nila sa akademya. Ituturo mo sa kanila ang mga gawi ng militar at papalakihin mo sila sa paraan ng sundalo. Gigibain mo ang lahat ng pinaniniwalaan nila bilang sibilyan at bubuuin mo ang pagkatao nila bilang miyembro ng Sandatahang Lakas.
Kung sa unang akyat ikaw iyong magluluto at mag-aayos ng tulugan, sa pangalawa, ikaw nalang iyong nag-uutos sa mga plebo. Minamando mo nalang ang dapat nilang gawin, at itatama kung nagkakamali.
Napakaraming mga alaala ang patuloy na bumabaha sa aking isipan. Mga alaala ng mga taong tumayo at nagsilbi kong pangalawang pamilya. Mga higit pa sa dugo, para sa akin. Sumungaw sa aking alaala ang mga tahimik at lihim na tawanan, kalokohan, katangahan at kamalasan na sama sama naming nilagpasan sa kabila ng dinanas naming hirap at sakit.
Napangiti ako habang naglalakad. Sakto namang long halt ang i-sinignal. Ibig sabihin ay hihinto muna sa paglalakad, at magkakaroon ng water break o pagkain sandali.
Wala pa kami sa paanan ng bundok. Malayo pa ang lalakarin namin bitbit ang aming mga M21 at rucksack. Given naman na matatarik ang slope ng Baguio, kaya kahit hindi pa umaakyat ng Cabuyao, halos lahat kaming tao ay hingal na.
Ibahin mo ang squad ko nang mga robot. Ni hindi ko man lang sila makitaan ng pagka-pagal, at effortless sa kanila ang paakyat panaog sa slopes. Ni hindi nga sila uminom ng tubig, o kumain ng skyflakes na baon namin. Tss, mga pasikat. Umirap ako sa kumpulan nila na nakabukod sa kumpulan ng mga totoong tao. Kahit sila ang ka-squad ko, doon ako nagtungo sa mga kagaya kong totoong tao.
"Snappy yang squad mo, ano ma'am?" Bungad ng isang batang korporal pagkalapit ko sa kanila. "No amount yung uphill downhill. Tapos parang hindi naninibago sa paghinga sa makapal na hangin ng Baguio na nakakahingal. Para bang mga sanay na sa bundok."
"Oo nga, bok. Daig talaga nila tayo kahit pa ang tagal na nating ginagawa ito." Sabat naman ng isang sarhento.
Nilingon namin ang mga GAICS na nagkukwentuhan ng kung ano. Hindi naman nila pansin na sila ang topic namin. Halatado sa boses at mukha ng batang korporal at ng kanyang squad ibang pagtingin sa mga GAICS.
"Hoy, ano ba kayo." Sinubukan kong ngumiti. "Huwag kayong matakot sa mga yan. Hindi kayo papatalo, hindi ba? Mga bakal lang yan na gumagalaw."
Tumawa sila sa biro ko at kahit paano ay gumaan ang tensyonadong hangin. Mabuti naman at hindi ako binigo ng aking funny side.
"Oo nga naman!" Pag-sang ayon ng korporal sa akin. "Naku, ma'am. Sisiguraduhin naming kakalawangin yang mga bakal mong squadmate sa amin."
"Be sure ka ah!" Utas ko at tinapik sya sa balikat.
Maya-maya pa ay sumenyas na si Lt. Aranas ng go at nagsimula na kami muling umusad.
After several hours of our foot march, we reached the peak of Cabuyao at about 1800H. Sakto kami sa paglubog ng araw nang matapos i-set up ang aming magsisilbing overnight camp. Everyone was busy changing clothes, settling their things and cleaning their guns.
Madali kong naiayos ang mga dapat kong ayusin kaya naman nagdesisyon akong pumunta sa isang sulok na walang kasama. Lumakad lakad ako ng bahagya at nakakita ako ng good spot. Makipot at padausdos ang daanan at libot nang matatayog na puno at talahib na hinihipan ng banayad na hangin. Umupo ako sa ridge dahil dito maganda ang view. Ito ay kahit pa alam kong sa isang maling galaw, ay mag didire-direcho ako pababa sa bangin.
Sobrang ganda talaga ng Baguio. Tanaw na tanaw ko ang papalubog na araw. Pakiramdam ko ang lapit lapit ko doon. Para akong may VIP pass para sa sunset. Apat na taon ko itong naging tahanan noon nang mag-kadete ako, at ngayon ko lang ulit nabalikan matapos ang tatlong taon dahil sa pagkakadestino ko sa Mindanao. Ang tagal na rin pala mula nang huli akong kinandili ng Baguio. Pakiramdam ko ay kahapon lang ang lahat. Ang bilis talaga lumipas ng oras. Parang hinihipan lang ang orasan at sa isang kisapmata ay lilipas ang lahat na para bang dumaan lamang sa harapan mo.
Baguio always made me feel like I'm close to heaven. Lalo na kapag umiihip ang hangin at tatangayin ang mga ulap papalapit sayo, pakiramdam mo kahit ano pwede mong abutin. Walang imposible, walang limitasyon. Dahil maging ang langit, ang mga ulap, kaya mong pantayan. Pakiramdam mo kapantay mo ang limitasyon ng lahat. If sky is the limit, then you can be beyond the limit. That’s what this place made me feel all these years. Baguio is my safe place, my haven.
Kung papipiliin ako ng lugar kung saan ako mamamatay, sa Baguio ko pipiliin. I know it sounds ridiculous, but I feel like it’s the best place to leave Earth. It feels like all souls that die in Baguio, will ascend to heaven directly. And I hope that maybe I can be one of those souls.
I pulled the mini observation notebook from my pocket. I purposely acquired one dahil gusto kong detalyado ang pag-oobserve ko sa mga robot na ito. Ipinangako ko din na hindi ako magiging bias. Kung sila talaga ang magiging pag-asa nang AFP upang magawang makipagsabayan sa ibang mga bansa, hindi ko iyon tutulan. Pero kailangan masusi ko silang husgahan.
Nagsimula akong magsulat nang mga napansin kong importanteng punto. I always like to keep my observations written because it seems more organized for me. Point #1, strength capacity. Point #2, memory ability. Point #3....
"Nice view." I jerked in shock when someone spoke from behind. It felt as if my heart jumped out of my rib cage – that’s too exaggerated but you get the point.
Muntik kong mabitawan ang notebook at bolpen ko. Kung magkakataon ay sa ibaba ito ng bangin pupulutin. Malamang kung minalas malas ay kasama pa ako dahil napabalikwas ako sa gulat na naramdaman.
Nilingon ko ang nagsalita, only to see Chaos. The light of the setting sun caressed his face. It's the golden hour, and this guy looked better than gold. His face was pure flawless and without a pore. Daig na daig ang teksturado kong balat. His hair was blown into a mess, but just as always, he looked perfect. Kalian ba ang oras na hindi sya perpekto? So far, wala pa akong maalalang moment.
Napatulala ako sa kanya sandali bago taliman syang muli ng tingin. Something is really wrong with me. Ibinaling ko ulit ang tingin ko sa syudad sa ibaba, nagkukunwari na wala sya dito. Isinara ko rin ang notebook at inipit doon ang bolpen.
I thought he'd back off, pero imbis umalis ay umupo sya sa tabi ko at gaya ko ay pinanood ang magandang tanawin. I want to tell him to leave but decided against it. I don't know why though. It’s probably because I don’t want to ruin such beautiful moment with being annoyed at this guy.
We didn't utter any word. We just sat there — our feet hanging on the deadly cliff. Masinsin syang nakatingin sa araw na unti-unting nawawala. Ako naman ay nabihag sa hipnotismo ng mga mata nyang noon pa man ay nakakaagaw na talaga ng atensyon ko sa dahilang hindi ko alam.
Sunsets are simply beautiful. I always loved how the sun takes a nap. But I never knew that it was ineffably wonderful to witness the sunset reflected upon someone's brown eyes. Sobrang ganda nang repleksyon ng palubog na araw sa mga mata nya. Lalo nitong napatingkad ang kagandahan ng takipsilim. It felt like you could watch the sun in his eyes without any worry of the dark that is to come. Parang sa mga mata nya, hindi tumatakas ang liwanag. Parang hindi naaapektuhan iyon ng dilim. It seems as if it’s his eyes that could get you through a dark tunnel, because they carry with them the same golden rays of the setting sun.
Tanging ang malamig na hangin lang ang nagpabalik sakin sa ulirat na nakatulala pala ako sa kanya. The hell. What am I even doing?
The icy wind gave me chills. It signifies that the dark is about to come. In a few moments, the wonderful setting sun laid on these soft pastel skies will be replaced by the bright moon accompanied by his twinkling stars. Ang busy na syudad, ay magmimistulang laksa laksang alitaptap na magpapakita ng bantog na city lights view.
"Your God is awesome." Biglang sambit ni Chaos sa katahimikan.
"Paano mo nasabi e hindi naman ang Dyos ang gumawa sayo." Inirapan ko sya sabay bulong ng pahabol na salita. "Demonyita ang may gawa sayo."
He smiled, still not looking at me.
"Well, He programmed all that perfectly. He orchestrated every little detail intricately." Sabi nya habang itinuturo ang kalangitan, pagkatapos ay bumaling sa akin. "And He made you."
Hindi ko alam pero parang biglang lumaktaw ng t***k ang puso ko bago ito kumabog ng malakas. Damn Rilea. He might be referring to the whole human race and not just you. Don’t be silly!
"You seem like the sunset. You carry the misery of the leaving light, and excitement of the coming darkness. You are a mystery, Ril. And you know what? I like unraveling mysteries." He said everything with a smile plastered on his damn handsome face.
He said everything so casually that I wanted to punch him straight on his perfect jawline. Teka... Ano ba itong nangyayari sa akin? Ano namang paki ko sa mga sinasabi nya? Bakit ganito? Bakit may kung ano sa aking nagiging kabado? Nagiging balisa ako bigla at natutuliro.
"U-uy gabi na. Balik na ako sa c-campsite." Nauutal pa ako?! Great, Rilea. Just great!
Aligaga akong tumayo at aksidente akong natapilok dahil sa madulas at hindi pantay na tinatapakan. Mabuti at nahila ako ni Chaos payakap sa kanya, kung hindi ay nahulog ako sa bangin.
Sobrang bilis ng pangyayari, na hindi ko namalayan na sobrang lapit namin sa isa't isa. He held my waist as support for my weight while his other hand grabbed hold of my wrist when he pulled me in. His eyes pierced into mine and I am again, lost into their hypnotic powers.
When I look into your eyes
I see an angel in disguise
Sent from God above
For me to love
To hold and idolize
And as I hold your body near
I see this month through a year
And then forever on
'Til life is gone
I'd keep your loving near
And now my life is blessed with a love of an angel,
How can it be true?
Somebody to keep the dream alive
The dream I found in you.
I always thought that love would be the strangest thing to me...
But when we touched
I realized that
I found my place in heaven by your side.
Napalunok nalang ako sa kakaibang kaba na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan. Wala akong maintindihan.
I always believed that Baguio is the closest to heaven. And now, staring right into his eyes, I know it’s true. That’s because here, right beside me, is an angel gracing the earth – and I could no longer decipher if this is heaven or not.
Observation Notebook Point #3
Their eyes are deadly. They'd show you the most wonderful reflections, but they will trap you into hypnotism. And once you're caught, it's hard to figure out an escape.
report by,
the currently trapped lieutenant
-----
sereingirl©