Chapter 11

2139 Words
Chapter 11 -  First Mission           As suspected matindi ang tinamo kong pinsala mula sa tama ng bala na pinawalan ni Barawel. He was very keen and he managed to get through what will really be hard for me. Hindi man sya nagtagumpay na patayin ako, matagumpay naman sya sa nais nyang masaktan ako. He instilled a damage straight to my collarbone and shoulder sockets. Doon nya naipasok ang bala kaya instant fractured ang aking mga buto. Nahihirapa akong igalaw ang aking braso pababa dahil sa natamo kong pinsala. Nonetheless, I don’t consider it as fatal as it is deemed to be. Masakit lang pero hindi ko naman kailangang indahin. I am stronger than what he thinks. I may be a girl, but I am more than my femininity.       I remembered how I was also in the same situation back in Marawi. An IED exploded and my left leg was exposed to the explosion.  That was very hard for me to recover from because of the degree of the burn that I received pero I defied the possibilities. A day after that, I was back on track – leading the troops and securing the safety of the people. I was up against those terrorists like nothing ever happened. I guess that’s what adrenaline do to people. And if it’s not adrenaline, maybe that is my extreme desire and goal to serve and protect my people. Hindi ako pwedeng nakaratay lang sa malamig na kwarto upang ipahinga ang sarili ko habang ang mga kapwa kong sundalo ay nasa labas at isinusugal ang lahat nila. I can’t be that useless turd. I am more than that because I was raised to fight with all that I am.       Tumayo ako mula sa pagkakahimlay sa hospital bed. Inayos ko ang dextrose stand upang hilahin ito kasama ko kung saan ako pupunta. Mag-isa lamang ako sa kwarto at walang kasamang ibang pasyente. Kalalabas lamang ng nurse na ang sabi ay baka dalawang linggo pa raw ang abutin bago ako payagang ilabas ng doctor mula rito. Nakakasuka ang amoy ng gamot at nang disinfectant ng ospital. Ito ang pinaka ayoko rito bukod sa injections. Ang sabi nya ay kakatapos lamang ng operasyon ko at ilang oras pa lamang ang nakakalipas kaya bawal pa ako gumalaw galaw dahil baka ikahilo ko to ngunit hindi ako nakinig.  The room feels so lonely and depressing. Para s aakin, ang ospital ay para lamang sa mga hindi na talaga kaya. Malakas naman ako at maayos ang pakiramdam kaya inutusan ko ang nurse na mag raise ng dispute sa doctor dahil nais ko nang mabago ang disposition ko. Ayokong mag cause ng delay lalo na at sobrang importante ng role ko para madetermine kung ano ang magiging final verdict sa mga GAICS.        Tumunog ang pinto at buong akala ko ay doctor ang papasok pero mali ako. I was welcomed by a cross-browed Chaos Stanton. Tinignan nya ako mula ulo hanggang paa bago batuhan muli ng masamang tingin.   “Hindi ka ba nasabihan na bawal ka pang tumayo dahil kakatapos lang ng operasyon mo at pagsalin sa iyo ng dugo?” May diin nyang sabi.   “Ayos naman ang pakiramdam ko. Hindi ko na kailangang mahiga.” Tugon ko na medyo naiilang sa masama nyang titig.   I looked away when he stepped closer and closed the gap of the door that he was peeking on to before.   “Ano bang p-problema mo? Nagsisimula ka ba ng away, ha? Kahit pa kakaopera ko lang ay papatulan kita gamit ang isang kamay ko.” Utas kong kunwari ay hindi naiilang sa presensya nya dito.      The room was large and spacious but his presence makes me feel like I am suffocating. Pinapanipis ng presensya nya ang hangin at nahihirapan akong gumalaw o huminga kapag nandyan sya. Hindi ko alam kung dahil ito sa inis na meron ako para sa uri nya, o talagang ganito lang talaga sila ginawa ni Catherina.   “Nakiusap ka sa akin kanina na wag ko gagalawin si Barawel, di ba?” Tanong nya.      Damn that voice. How was it both so calm and dangerous at the same time?   “Oh, t-tapos?” sinusubukan kong wag ipahalata ang kaba ko pero traydor ang sarili kong dila.   “Papakiusapan din kita. Wag mong tigasan ang ulo mo. Stop defying the doctor’s orders kasi iyon ang makabubuti para sa iyo.” He exclaimed.   “Pero-“      Hindi ko na naituloy ang idadahilan ko dahil pinutol na nya ako agad sa pag sasalita.   “Kung hindi mo ako kayang pagbigyan, Ril… hindi rin kita pagbibigyan sa hiling mong wag kong kakantiin yung walangyang sarhento na iyon.” Matigas nyang sabi.       Bakas sa tono ng pananalita nya ang pag babanta, ngunit hindi ito walang laman na banta. Sya ang tipong pag nagsalita, alam mong gagawin. Siguro alam ko iyon dahil ganoon din ako.   “Sandaling panahon lang naman ang hihintayin mo.” He added.       Napapikit ako sa pagsuko. Hindi ko kailanman naisip na papayag ako sa hihilingin ng isang robot lalo na sa pinaka kinaiinisan ko pa sa kanilang lahat.   “Sige, payag ako.” Labag sa loob kong sabi.   “Good.” Ngumiti sya ng sinsero dahil nanalo sya.        Umupo ako sa dulo ng hospital bed at sya naman ay umupo sa katapat kong sofa.   “Nacancel ang activities para ngayong gabi dahil sa naging insidente ng shoot out.” Utas nya.   “Abala nanaman ang dulot ko. Nakakahiya.” I replied.   “Ish. Ano k aba. Hindi mo naman kasalanan. Kasalanan to nung Barawel na iyon. A part of me feels regret that I did not kill him the night he raised his voice on you.” Komento ni Chaos.        I glared at him.   “Nasaan ang mga kasama mo? Bakit mo sila hinahayaang sila lang? ngayong wala ako, mas lalo nilang kailangan ng supervision mo.” Saad ko.   “My brothers aren’t six year olds, Ril. Ano bang akala mo sa amin?” Tugon nya.   “Of course, I’m just making sure that you will no longer be exploited kagaya sa Camp Tecson. Mamaya ako nanaman ang sisihin mo.” Pairap kong sabi sa kanya.        Natawa sya sa pagtataray ko.   “Alam mo wag mo kong tawanan dyan ha. Pasalamat ka may hinihingi akong pabor sa iyo ngayon kaya hinahayaan kitang masunod sa gusto mong mangyari.” Kumunot ang noo ko. “Pero teka nga, di kaya kinukuha mo lang ito as an advantage para hindi ko kayo mabantayan?”        Tinuro turo ko pa sya habang sinasabi ko iyon. Mabilis nyang hinuli ang daliri ko at hinawakan iyon kaya natigilan na lang ako sa sinasabi.   “You really are that paranoid, aren’t you?” Nginitian nya ako habang hawak hawak pa rin ang hintuturo kong hinuli nya.        Nagkunwari akong hindi apektado ng hawak nya at tinaasan sya ng aking kilay.   “It’s hard to trust, Captain.” Tugon ko.       His eyes darted into mine at akala ko ay iyon na nag katapusan ng mundo. Akala ko ay malulunod na ako doon at hindi na makakaahon pang muli.   “Alam ko.” Sabi nya saka binitiwan ang daliri ko at umayos ng upo.       I blinked repeatedly, losing contact with those hypnotic orbs of his.   “Huwag kang mag-alala. Habang wala ka, irerecord ko lahat ng ginagawa naming lahat sa training para ipanood sa iyo by the time na makakalabas ka na ng tuluyan rito.” He gave me a small smile. “Ayos ba yun sayo?”       I crossed my arms and thought of it.   “Pwede na rin kesa wala. Pero mas gusto ko sana na andoon pa rin ako.” Malungkot kong sabi.       Sa totoo lang ay nahihiya akong mapunta rito sa ospital. Ayokong ayoko na kinakakitaan ako ng kahinaan ninuman. Pakiramdam ko ay bahid iyon sa pagkatao ko. Kung kaya nga siguro ay galit ako kay Chaos. Dahil sya palagi ang nakaka witness ng mga moment na bumibigay na ako. Sya palagi ang nandoon upang saluhin ako mula sa pagkakadapa, sa pagkabitag ng mga bangungot, o kaya sa oras na mabaril ako sa liblib na lugar at oras. Hindi ako sigurado kung paano nya iyon nagagawa pero may maliit na porsyento sa loob ko ang masaya dahil may nagging karamay ako sa mga oras na hindi ko talaga kaya ang bagsak ng mundo. Ngunit may malaking bahagi sa akin ang hindi komportableng makitaan ng ganung klaseng side, dahil hindi iyon ang personalidad na nais kong matandaan ng lahat. Hindi iyon ang klase ng Oridala na ipinangangalandakan ko sa mundo. Dahil takot akong  malaman nila ang mga kinatatakutan at ikinahihina ko, pinipilit kong ipakita ang isang babaeng may puso ng bato.   “Hey.” Chaos snapped me out of my thopughts. “ Wag kang mag-alala. I will do everything para maramdaman mong andoon ka pa din.”         Tumango nalang ako bilang tugon.          Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pintuan at iniluwa ang mga GAICS.   “Oh, ayan na yung mga hinahanap mong bata.” Biro ni Chaos kaya natawa ako.         May dala dalang supot ng Jollibee si Danger na sya nyang iniabot sa akin.   “Lieutenant, narinig ko na kapag may sakit daw ang mga tao ay kakain lang sila dyan sa Jollibee at mawawala na daw iyong sakit nila. Gusto kong makita kung totoo o scam lang iyon.” Seryoso nyang sabi.       Binatukan sya ni Chaos habang ako ay nagpipigil naman ng tawa sa sinabi nya. Halatang halata kasi sa mukha nya na kumbinsido sya sa mga narinig nyang iyon. The rest of the GAICS are also trying their best not to laugh as they sat down on the couch beside their squad leader.   “Oh! Bakit mo ko binatukan?” Alma nya kay Chaos.   “Mas lalo mo kasing pinapakita sa kanya na kailangan talaga kayong bantayan!” Chaos glared at him. “Seriously, Danger?! You are a hundred times more intelligent than human beings, but you believe that a fried chicken with gravy and fries, will heal a fractured bone and a surgery wound? Who believes such nonsense?”   “Humans believe that nonsense, Captain.” Tugon naman ni Azure.   Tinignan ko sya ng masama kahit pa nasa kalagitnaan ako nang pag-uunbox ng humahalimuyak na chickenjoy.   “Baka nakakalimutan mong tao ako, Azure.” Utas ko.   “Ah, eh, uhm you are an exemption, ma’am.” Nabubulol nyang sabi.       We all broke into laughter of how he reacted. Halata sa kanya ang takot sa akin.   “I’m just joking, Azure.” Saad ko.         I had fun watching them and hearing them exchange conversations. There was not a single hint of being genomgineered cyborgs in them. They all act casually like human beings. I enjoy their company weirdly at hindi ko alam kung bakit. I enjoyed my meal with the comfort of their presence inside my room. Sinong mag aakalang marunong tumawa at mag biro ang mga robot? Sobrang layo nila sa mga napapanood ko noong bata pa ako sa mga pelikula. Ganito na pala talaga kalawak ang kaalaman ng tao. Ganito na pal aka-advance ang teknolohiya. Hindi koi to maappreciate nung mga unang araw na magkakasama kami, pero looking closely at my subjects now, I can see how intricately made they are.        Chaos even volunteered to help me debone the chicken, given that I only have one functioning hand as of the moment. Hinayaan ko lamang sya habang masinsin kong pinapanood at pinapakinngan ang mga nangyayari sa paligid. Pinapakinggan ko ang kanilang mag experience habang nag tetraining, at kung kagaya ba ito ng mag sentimentong naririnig ko sa normal na mga tao. Humahanap ako ng mga bagay na kakaiba sa kanila. Mga bagay na masasabi kong “hindi sila tao.” Pero sa tuwing mahahagip ng mga mata ko si Chaos na tahimik akong tinutulungang kumain, iba ang sinasabi ng loob ko.           When they left me, I got my observation notebook at the pocket of my folded BDA. At dahil ambidextrous naman ako, ay sumulat pa din ako nang mga bagay na napagtanto ko ngayong araw.   Observation Notebook Points:         The GAICS are more than what Catherina claims them to be. They are more than this ruthless killing machines where emotions cannot interfere. They have a rationale that is higher than humans. They are unpredictable and seems to be loaded with infinite mysteries. That’s a good point because the enemies won’t be able to foresee what they have in mind. Hindi sila madaling mabasa. Hindi mo alam kung ano ang tumatakbo sa isip nila.  And I think that in same way of seeing it as advantage, this can also be seen as a threat. Because we will never know what they can be and what they are capable of becoming.   --- sereingirl       
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD