Chapter 12

2371 Words
Chapter 12 – What She Used to Be         I was scrolling past my files in my laptop out of extreme boredom. Limang araw na akong nandito sa ospital at hindi ko na kinakaya ang matinding pagkabagot. Ilang pelikula na ang natapos ko pati mga series. Nauubusan na ako ng pwedeng gawain. Pakiramdam ko rin ay dumoble o trumiple ang timbang ko dahil hindi ako nakakapag ehersisyo. Ang tanging nagagawa ko lang dito ay tumayo, umupo at humiga. Nakakapagod hindi ba?       I saw an old folder that seems ages when I last touched. Ang folder na ito ay naglalaman ng mga naisulat kong kwento, tula at liham. You see, I was a frustrated writer. Mahal na mahal ko ang pagsusulat at minsan kong pinangarap na maging tanyag na manunulat na maraming librong na publish. I was so full of dreams and I have several worlds inside my head that I wanted to share with the universe. Ang kaso ay inagaw ng military life lahat ng iyon. I gave them up because my love for the country is bigger than those childish dreams of mine.         I opened one of the files entitled: Wake up, Serene. I remember this is a story that I was never able to finish writing. Binasa ko ang nilalaman nito excitedly. It seemed that I was transported back to the days where I was silently putting all my imagination into words.   P R O L O G U E     Madaling tumakbo si Serene patungo sa puting mga hallway ng isang hospital sa Myeongdong sa Seoul. Pinagtitinginan na sya ng mga tao, hindi marahil sa kakaiba ang ma-tigyawat at morena nyang kutis sa makinis nilang mga balat, kundi dahil tumatangis sya habang kumakaripas.   Huminto sya nang makitang may lumabas na mga lalaking nurse at doctor mula sa kwartong pupuntahan nya. May tangan silang isang aparato na tinutulak na nila ngayon palabas ng room na iyon.   Naramdaman nya ang pagbigat ng kanyang mga paa pero kinumbinsi nya ang sariling kailangan nyang lumakad. Kahit pa sumisigaw na ang isang katotohanang ayaw nyang tanggapin, pinilit nyang magsinungaling sa sarili.   Habang papalapit nang papalapit ay naririnig nya ang hikbi ng paghihinagpis nang isang pamilyar na boses sa loob ng kwarto pero pinili nyang tapangan ang sarili.   Nakatayo na sya ngayon sa pinto, at pakiramdam ni Serene ay gumuho ang mundo nya. Huli na sya. Wala na ang pinakamamahal nyang Lola Chunsa — ang nag-iisang nagtyaga, kumupkop at nagpalaki sa kanya noong iwan sya ng sariling mga magulang. Sa kabila nang kanyang pagmamadali, hindi nya pa rin naabutan ang huli nitong sandali para man lang sana magpasalamat. O mag-paalam. O makausap man lang ito.   Ang daming pagsisi ang bumabaha sa kanya. Ang daming sana.   Sana hindi na ako umalis at bumalik ng Pilipinas. Sana nanatili ako. Sana kasama nya ako nang panahong sya naman ang nahihirapan.   Humakbang sya kahit nababasag na ang kanyang puso, lumapit sya kahit pa lumong lumo na sya habang minamasdan ang walang buhay na nitong katawan. Inilahad nya ang kamay upang hawakan ito at nang batiin sya nang lamig ng bangkay nito ay kumawala ang kanina pa nya pinipigilang emosyon.   "Halmeoni! (Lola!)" isang nakabibingi at makapunit lalamunang sigaw ang kumawala sa kanya.   Napakapit sya nang mahigpit sa kumot na nakabalot sa matanda habang ang isa pang kamay ay sinusuntok ang sariling dibdib sa sakit nito. Tumayo ang kanyang pinsan na si Yoona para yakapin sya at magkasama silang  dalawang tumangis.   Hindi nya alam kung gaano katagal ang lumipas at kung paano sya tumigil umiyak. Namalayan  na lang nyang nasa isa siyang kapehan, nakatulala sa kamay na hawak ang bagay na ipinabibigay ng kanyang Lola sa kanya — isang jade na kwintas.   Sa likuran nito ay may naka-engrave na statement sa Hangul. Binasa nya ito sa sarili.   네가 할 수 있다면, 너는 무엇을 원 하겠니?   Kahit pinalaki syang Tagalog ang wika, at kahit matagal na syang wala sa Korea ay nakakaintindi pa rin naman sya kahit kaunti. Lalo na at ito ang isa sa mga katagang lagi nyang nakikita na sinusulat ng Lola. It meant, "if you could, what would you wish?"   Napangiti si Serene ng mapait.   She knew what she wanted without thinking twice. Umalpas ang mga luha sa mata nya kaya pumikit sya at inilapit ang kwintas sa dibdib na ngayo'y hirap na hirap nang huminga.     "I wish I could go back in time." Utas nya nang tahimik sa sarili.   And maybe she has forgotten for that moment the things her grandmother used to say: be careful what you wish for.        I found myself smiling after reading the prologue of the story. I remembered that I write this because I wanted to feel consoled. Gusto kong isipin na hindi lang ako ang nag-iisang humihiling na sana ay pwede kong ibalik ang panahon. Gusto kong paniwalain ang sarili ako na hindi lang ako ang nag-iisang humihiling n asana ay pwede nating mabalikan ang mga panahon na kasama natin ang mga taong mahal natin. Na sana pwede pa nating itama at mas galingan maging tayo sa mga panahong nandyan pa sila. Itinuloy ko ang pagbabasa ko sa sumunod na kabanata.   Chapter 1   Nang idilat muli ni Serene ang mata nya, para syang binuhusan ng malamig na tubig. Hindi nya alam kung dala ng paghihinagpis at lungkot ito, pero nag-iba bigla ang kapaligiran nya.   Nawala sya sa kapehan. Nawala ang maingay na mga kotse, mga nagku-kwentuhang tao, ang mainit nyang kape at maging ang table at inuupuan nya. Ngayon ay nakaupo sya sa ilalim ng isang mayabong na puno, hawak hawak pa rin ang kwintas.   Tumayo sya at iginala ang tingin. Pinunas nya ang luhang lumandas sa pisngi nya at pagkaraan ay lumakad ng ilang hakbang. Pakiwari nya ay nasa gitna sya ng isang gubat.   Nasaan ba ako?  Tanong nya sa sarili.   Tinuloy nya ang paglakad pero isinuot muna nya ang kwintas sa kanyang leeg at ipinasok ang pendant nito sa damit.        Ramdam nyang mainit at mataas ang sikat ng araw pero hindi nya ito nararanasan dahil sa lilim na dulot ng nagta-taasan at makakapal na dahunan at sangahan ng mga puno. Umihip ang malamig na hangin at napangiti sya sa sarili. Namiss nya ang ganito ka-fresh na ihip, parang walang polusyon. Nakaka-relax ng isipan at kaluluwa.   "Jung-ji! (Stop!)" Isang nakabibinging sigaw mula sa likuran ang nag-pahinto kay Serene sa paglalakad.         Napahawak sya sa dibdib at halos napatalon sa gulat. Humarap sya sa likuran kung saan nagmula ang sigaw at nakita nya ang isang lalaking naka-makalumang suot. Nakalugay ang buhok nitong kasing-haba ng buhok nyang hanggang  balikat at may tali halfway. Nakaumang ang espada nito sa kanya kaya sa pagkabigla ay nanlaki ang mga mata nya at napataas ng kamay.   "Kuya, easy ka lang! Mukhang matulis yan." Sambit ni Serene sa kaba.        Napakunot ang noo ng lalaki.   "Neo nugu ni? (Who are you?)" Untag nito sa kanya na hindi natitinag ang pagkatutok ng espada.   "A-ano? Di kita naiintindihan, sorry." sa tagal nyang nawala sa Korea ay kaunting-kaunti nalang ang knowledge nya sa lengwahe nila.        Lalong lumapit ang lalaki na nanggagalaiti. Gigil na gigil na ito at sa tingin ni Serene ay sinto sinto sya. Parang hihiwain sya nito nang walang pakundangan sa talim ng titig sa kanya. Shooting kaya ito? Baka shooting ito. Sabi nya sa sarili.   "Neo nugu ni?! Jigeum malhaejwo! (Who are you?! Tell me right now!)" Bakas ang galit at diin sa tono ng lalaki at ngayo'y nasa leeg na ni Serene ang dulo ng espada nito.            Ramdam nya ang lamig ng bakal. Totoo ang espada nya! Lalo syang kinabahan sa loob loob niya. "Yah, jinjeonghae. (Hey, calm down.)" Isang kalmanteng boses ang umusbong mula kung saan.        Sa likuran ng isang malaking puno ay lumabas ang isang lalaking naka-panlumang suot rin. Mas malakas ang dating nito sa kanyang kulay itim na hanbok at mas gwapo kaysa dito sa kaharap nya. Lumapit ito sa kanya, mas kalmante pero seryoso.   "Neo isanghae boyeo. (You look weird.)" Utas nito at pinagmasdan ang kasuotan nya.        Pakiramdam ni Serene ay hinuhubaran sya ng lalaki sa isipan kaya napalunok sya. Hindi pa naman nya maintindihan ang sinasabi nito, baka r**e-in nalang sya ng mga ito.   "Dangsin-ui ileum-eun mueos-ibnikka? (What is your name?)" Tanong nito sa kanya.        Napapalo si Serene sa ulo nya.   "Hindi ko kayo maintindihan, okay? English? You know English? Speak in english!" untag nya out of frustration. "Where am I? Shooting? Who are you guys?"       Nagkatinginan ang dalawang lalaki. Hindi nila maintindihan si Serene at hindi rin sila maintindihan ni Serene.   "Sana lang talaga naiintindihan nyo ko e. Hay, ang hirap nito." Nanlulumong sabi ni Serene. "Mamamatay ako ng di ko alam ang dahilan."        Napailing-iling sya sa sarili.   "Min Gon-yah, yeogiso. (Min Gon, over here.)" tawag nang lalaking kalmante doon sa may espada.        Lumayo sila nang ilang hakbang kay Serene at tahimik na nag-usap.        Napabalikwas si Serene nang makitang umiilaw ang pendant na nakapaloob sa damit nya. Inilabas nya ito at nakita ang pagkinang ng pendant. Umiilaw nga talaga ito. Pero bakit?        Tinitigan nya lang ito hanggang tuluyang nawala ang liwanag.       Ano 'yun? Tanong nya sa sarili.   "Yah," tawag pansin sa kanya ng isa sa mga lalaki, yung lalaking tinutukan sya ng espada. "Sumama ka sa amin sa palasyo."         Nahulog ang panga ni Serene at nanlaki ang mga mata nya.   "Nakakapag-tagalog kayo?" Untag nya.        Nagtinginan ang dalawang lalaki.   "Kamahalan, nakakapag-salita pala sya ng ating lenggwahe. Maaaring dibersyon lamang ang pagsasalita nya ng ibang wika kanina." Nakayukong utas ng lalaking sinto-sinto ika ni Serene, sa kasama nya.   "Teka anong nakakapag-salita ako ng lenggwahe nyo? Kayo ang nagsasalita ng lenggwahe ko! Tagalog!" Nakangiting wika ni Serene na manghang-mangha sa tatas ng dalawa sa wika nya.         Narinig na nya kasi ang ibang Koreano na magsalita ng Tagalog. Kahit matagal na silang nasa Pilipinas, iba ang diksyon at pronounciation. Itong dalawa, matatas at hindi nabubuhol ang mga dila.     "Ano ang Tagalog? Anong sinasabi mo?" Utas ng lalaking naka-itim na hanbok. "Matatas ka naman pala sa aming wika, pinahirapan mo pa kaming intindihin ka."       Natahimik si Serene sa pagtataka. Sinasabi nilang nagsasalita sya sa wika nila, pero sila naman talaga ang nagta-tagalog. Bakit ganoon?   "Tayo na. Tutungo tayo sa palasyo at ipapa-alam ito sa hari." Usal ng lalaking may espada at saka sya hinila sa braso.         Inilaban nya ang sarili kaya nakawala sya sa hawak nito.   "Teka, teka nga. Anong hari? Anong palasyo? Shooting ba 'to? Nasaan ba kasi ko? Nasa TV show ba tayo? Wow Mali? Ano ba?" Desperada nyang tanong.       "Lapastangan! Sino ka para hindi kilalanin ang hari ng Joseon?!" Bubunutin nanaman ni sinto-sinto ang espada nito pero itinaas ng mas kalmanteng lalaki ang kanyang kamay na syang ikinatigil nito.            Nanlaki ang mata ni Serene at tumawa pagkaraan ng ilang segundo na syang pinagtaka ng dalawa.      "Joseon. Joseon daw." Tawa sya ng tawa pero nang makitang walang bakas ng biro ang mukha ng dalawa ay natigilan sya.            Bumilis ang pintig ng puso nya.   "Joseon?" Untag nya.       Tumango ang kalmanteng lalaki sa kanya.   "Joseon." Ulit  nito.         Napasapo sya sa noo nya at saka nagpabalik-balik sa lakad. Umiiling. Bumubulong.   "Hindi. Hindi.." sabi ni Serene. "Biro lang 'to di ba?"     "Hindi kami ang tipo ng taong nagbibiro." Mariing untag ng lalaking may espada. "Kaya kapag sinabi ko ngayong pupugutin ko ang ulo mo gagawin ko iyon."        Natahimik sya. Nagtataka. Kinakabahan.      "Bago mo pugutin ang ulo ko, lalaking sinto-sinto, gusto kong sabihin mo sakin kung anong taon ngayon." Tinuro nya ang lalaki sa pagka-pika nya.        Nagtatakang nagtinginan muli ang dalawang lalaki.   "Isang libo, tatlong daan at syamnapu't dalawa." Untag ng lalaking naka-itim na hanbok.      1392. Isang libo, tatlong daan at syamnapu't dalawa. 1392---- 1392?! Bakit ako nasa 1392?!         Napaatras si Serene sa naiiisip nya. Posible bang nakabalik sya sa panahon? At sa taong 1392 pa, sa Joseon?   "Hindi." Untag nya at napasabunot sa sarili.        Pakiramdam nya naghuhurumentado ang puso nya. Nababaliw na ata sya, pakiwari nya. Dala ata ito ng lungkot sa pagluluksa.         Kinurot nya ang sarili at sinampal. Nasaktan sya. Ipinikit nya ang mata at minulat muli. Hindi. Totoo ito.     "Tayo na. Magsimula ka nang lumakad kung hindi ay sapilitan ka naming kakaladkarin." Tumalikod na upang maglakad ang dalawang lalaki.          Nanatiling nakapako si Serene sa kinatatayuan. Pinagmasdan nya ang mga hakbang ng dalawa na halatang hinihintay sya. Rinig nya ang mga dahong natatapakan nila.     "Sana panaginip lang 'to." Wala sa sarili nyang nasabi at bigla muling umilaw ang pendant.          Napatingin sya dito at nang mawala ang liwanag, binalot sya ng isang kadiliman.          Napangiti nalang ako nang isarado ko ang file. Sana nga ay pwedeng bumalik sa nakaraan kahit sa panaginip lang. Sana pwede ko pa ring makita si Tatay kahit sandali lang. Kahit sa pagtulog lang, at hindi na ako gigising araw araw sa katotohanang wala na sya.          Inexit ko lahat ng tabs at tinignan ang wallpaper ng laptop ko. Kaming dalawa ito noong binilhan nya ako ng boquet ng sunflowers para sa akin. Galling sya ng misyon at sinorpresa nya kami sa pag uwi nya. Tuwang tuwa ako nang bigyan nya ako ng paborito kong bulaklak. Kusang tumulo ang mga luha ko nang maalala ito. Miss na miss ko na sya. Pinunasan ko ang mga bumagsak na luha at humiga yakap ang laptop ko.          I miss who I was before because I see no traces of her now. Hindi naman siguro masamang umiyak kahit sandali lang ang kagaya kong sundalo, sa nakalipas nyang mga alaala at sa sarili nyang binago ng  mapait na tadhana.   --- sereingirl
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD