PROFESSOR KIAN’S POV I thought our marriage would be fine. Nagkaayos pa kami kagabi dahil lang sa matinding selos na aking nararamdaman. Pinadalhan ko pa nga siya ng bouquet of flowers para makabawi sa mga nasabi ko sa kanya kagabi. Pinagsisisihan kong muntik ko na siyang mapagbuhatan ng kamay dala ng matinding selos. I’d never had this kind of love since then, sa kanya ko lang naranasan ang parang mabaliw sa pag- ibig. Umalis ako sandali ng unibersidad na maayos pa kami, nakita ko pa kung paano ito napangiti nang matanggap ang bulaklak na ibinigay ko sa kanya pero hindi ko inaasahan na sa pagbalik ko ay may maririnig akong mga kwento tungkol kay Gwen at sa lalaking pinagseselosan ko. “Sir Kian, are you okay?” tanong sa akin ni Ms. Desiree ang bagong teacher. “I’m fine. Pumunta ka

