bc

The Mafia Boss' Virgin Stepmother (R-18)

book_age18+
2.5K
FOLLOW
14.6K
READ
billionaire
forbidden
HE
powerful
heir/heiress
drama
bxg
like
intro-logo
Blurb

-#Tagalog Writing Contest-My Dangerous Lovers

#SummerUpdateProgram

Para hindi tuluyang mawala ang iniwang bahay at lupa ng kanyang mga magulang, napilitang pumayag si Stella na magpakasal kay Mr. Ramil Callanta na presidente ng United Bank kung saan nakasanla ang mga ari-arian na minana nila ng Ate Lyla niya. Halos tatlong dekada ang agawat nila ng matandang biyudo. Forty-eight na ito samantalang eighteen lang siya.

Wala naman siyang gaanong naging problema sa piling ng napangasawa niya dahil mabait naman si Ramil. Ibinibigay din nito ang lahat ng pangangailangan niya mula sa pera, alahas, damit, at lahat ng luho. Hindi rin siya nito pinipilit na makipagtalik dahil bata pa raw siya. Kaya hanggang halik sa noo, ulo, at kamay lang ang ginagawa nito sa kanya.

Akala niya ay wala na siyang magiging problema pa. Ngunit makalipas lang ang mahigit isang buwan, biglang dumating si Rodel, ang kaisa-isang anak ni Ramil.

Nakapagtatakang hindi naman galit si Rodel sa kanya. Magiliw pa nga ito sa kanya at tinatawag pa siyang mommy. Pero sa paglipas ng mga araw, wala itong ginawa kung hindi ang akitin siya sa disimuladong paraan. Kahit anong iwas ang gawin niya tukso naman laging lumalapit sa kanya ang binata na mas matanda pa sa kanya ng pitong taon.

Pilit niyang pinipigilan ang sarili ngunit sadya yatang makapangyarihan ang laman. Minsan nalasing siya nang mag-birthday si Ramil, nagising na lang siyang hubo't hubad sa ibang kama at kasama pa si Rodel.

Wala pa namang nangyayari sa kanila maliban sa halik ngunit nang yakapin sa ni Rodel ay nag-init ang buo niyang katawan dahil sa pagkakadikit ng kanilang mga hubad na katawan. Nang damhin nito ang kanyang buong katawan ay bumagsak lahat ng depensa niya sa katawan. Kusa niyang ipinagkaloob ang kanyang puri na iniingatan. Dito na nagsimula ang lihim nilang relasyon.

Habang tumatagal unti-unti nang nahuhulog ang loob ni Stella kay Rodel. Pero natatakot siya kung saan hahantong ang kanilang bawal na relasyon. Paano kapag nalaman iyon ni Ramil? Ipagtatanggol kaya siya ni Rodel? O hahayaan lang na mag-isang magdusa? Saan siya pupulutin kapag nabunyag ang lihim nilang relasyon?

chap-preview
Free preview
Prologue
“OOOH! Faster, Rodel! Faster!” hiyaw nang babaeng nasa ibabaw ng kama habang binabayo ko ito mula sa likuran. Humigpit ang hawak ko sa kanyang baywang. Tulad ng sinabi niya, binilisan ko ang pagbayo sa kanya. Malapit na akong labasan. Kaya lalong tumindi ang pagnanasang nararamdaman ko. Habang bibabayo ko siya, ilang beses ko rin na sinapak ang pisngi ng pang-upo niya. Kaya magkahalong daing at ungol ang lumalabas sa bibig niya. Wala akong pakialam kung nasasaktan siya. Ang importante sa akin ay mailabas ang init sa katawan ko. Pasalamat nga siya at hindi ko siya itinali. Kadalasan kapag inaangkin ko ang isang babae, nakatali o nakaposas ito. Bukod pa roon, may piring din sa mata at busal ang bibig. Oo, isa akong dom. Pero may isang taon na mula nang pakawalan ko ang pinakahuling sub na nakasama ko. Nagsawa na ako sa iba’t ibang babae na dumaan sa buhay ko. Lahat sila ay masunurin, tahimik, at walang reklamo. Bagay na pinagsawaan ko na sa isang babae. Nakakaumay din pala kapag ang mga babaeng nakakasama mo ay gano’n ang ipinapakita sa panahon ng pagsasama ninyo. Naghahanap ako ng iba. Iyong makapagbibigay ng thrill sa akin. Iyong tipong kayang palabasin ang lahat ng emosyon na mayroon sa akin. Akala ko matatagpuan ko iyon kay Honey. Pero akala ko lang pala. Wala rin pala siyang ipinag-iba sa mga naunang babae na nakasama ko. Malakas ang personalidad na ipinapakita niya kaya akala ko ay ganoon din siya sa kama. Ngunit katulad din siya ng mga naunang naging babae ko, submissive pagdating sa ibabaw ng kama. “Aaaah! I’m c*****g, Rodel!” Ang hiyaw na iyon ni Honey ang pumutol sa pagmumuni-muni ko. Hindi ako makapaniwalang nasa kalagitnaan ako ng pagkikipag-s*x ay nagagawa ko pang mag-isip nang malalim. Shit! Malala na talaga ako! Naramdaman kong lalong dumulas ang lagusan ng kapareha ko, mas mabilis na naman ang pag-ulos ko. Tinalo ko pa ang hineteng nagpapatakbo ng kabayo. Dumiin ang hawak ko sa baywang niya. Ilang ulos pa ang pinakawalan ko bago ko naramdaman lalabasan na ako. “Oooh! s**t!” Bumulwak ang katas mula sa loob ko. Mabuti na lang at lagi akong gumagamit ng condom. Kung nagkataong wala akong suot na condom, baka mabuntis ko si Honey. Dalawang linggo na magmula noong huli akong makipagtalik. Ibang babae iyon at hindi si Honey. Noong ako ay dom pa, inaabot ng ilang buwan bago ako magpalit ng sub. Pero mula noong tigilan ko ang nakasanayan kong b**m, linggo-linggo iba’t ibang babae ang nakasama ko. Kadalasan pagkatapos ng dalawa o tatlong beses na angkinin ko ang isang babae ay hindi ko na siya binabalikan. Si Honey lang naman ang makailang beses kong nakasama. Pang-apat o panglima na yata nating engkuwentro ito sa kama. Pero ito na ang huli. Ayoko na. Ayoko na sa kanya. Nagsawa na ako. May hinahanap ako sa isang babae na hindi ko alam kung ano. Ngunit sigurado akong wala iyon sa kanya. Hinugot ko ang aking alaga habang pareho kaming hinihingal. Agad siyang bumagsak sa kama. Pero wala akong pakialam kahit mahulog pa siya. Basta ang importante sa akin, nakaraos na ako. Hinugot ko ang condom at basta na lang inihagis sa waste basket. Saka ako humiga sa kama, sa mismong tabi ni Honey na nakadapa. “That was so intense!” Hinawakan ni Honey ang aking panga. Akma niya akong hahalikan ngunit inilayo ko ang aking mukha at inalis ang kamay niyang nakahawak sa akin. “Enough, Honey,” babala ko. “No, let me just get some rest. After a few minutes, we can have another round.” Napangiwi ako. Napabangon ako dahil sa sinabi niya. Pinulot ko ang aking boxer shorts na nakakalat sa sahig. Pagkatapos ko itong isuot ito. Dinampot ko ang aking pantalon at polo saka ako nagbihis. Nagbubutones na ako ng aking polo nang magsalita si Honey. “Where are you going?” Hindi ko siya sinagot. Tinapos ko ang pagbibihis at hinagilap ang aking sapatos at medyas. “Hey! Aren’t you going to talk to me?” untag ni Honey. Hindi ko pa rin siya pinansin. Nang maisuot ko ang aking sapatos, tumayo na ako. Hinugot ko ang aking wallet at inilabas ang lahat ng pera na naroon. Hindi ko alam kung ilang libong dolyar ang laman nito. Inilapag ko iyon lahat sa tabi ni Honey na parang modelo ng nude painting sa pagkakaupo sa kama. Wala itong kiyeme na ipangalandakan sa harap ko ang hubad nitong katawan. May kinuha rin ako mula sa bulsa ng aking pantalon. Ibinaba ko iyon sa tabi ng pera. “Thank you for the good times. But were done, Honey. I’m not going to see you again.” Pagkasabi ko ito ay tinalikuran ko na siya. Ngunit bago ko mabuksan ang pinto, naramdaman kong tumayo siya. Niyakap niya ako mula sa likuran. “Please don’t leave me. I’m going to do whatever you want. You can chain me, blindfold or whaever. But please don’t leave me.” Napangiwi ako. Binaklas ko ang mga kamay niyang nakapulupot sa akin. Walang imik akong lumabas ng kuwarto. Ngunit bago tuluyang sumara ang pinto, narinig ko pa ang pag-iyak niya. Napailing na lang ako. Isang babae na naman ang nadispatsa ko. “Boss, kailangan na po nating umalis. Tumawag po ang inyong papa. Kakausapin daw po niya kayo tungkol sa pagpapasa niya ng kanyang posisyon sa inyo. Naghihinaty po siya sa mansion.” Tumango lang ako. Ako si Rodel Erickson Callanta, dalawamput’tatlong taong gulang at nagngarap na maging Mafia boss. Ito ang aking kuwento.     PAANO mo ba malalaman na ang lalaking kaharap mo ay si Mr. Right? May makapagsasabi ba na siya na nga lalaking nakalaan sa iyo? May senyales bang ibibigay ang langit para malaman mo na siya na nga ang lalaking pinapangarap mong makasama habang buhay? Puwede bang si Mr. Right sa paningin ko ay mag-anyong Mr. Wrong sa totoong buhay?Akala ko ay imposibleng mangyari iyon. Pero minsan kung ano ang alam mong tama, iyon pala ang mali. Katatapos ko lang mag-debut nang mamatay ang mga magulang ko. Kasabay nang pamamaalam nila sa mundong ibabaw, ang paglabas ng napakarami nilang utang. Mga utang na kami mismo ng ate ko ang kailangang magbayad. Nakahanda naman kaming magbayad ni ate pero may mga taong hindi yata makapaghintay. Pinipilit nila kaming magbayad. Wala kaming pambayad kaya isa sa kanila ang pilit akong kinuha sa ate ko bilang pambayad sa utang ng aming mga magulang. Ayaw pumayag ni ate pero wala rin naman kaming magagawa kaya sinabi ko na hayaan na lang niya ako. Bakit pa kami lalaban at tatanggi kung wala naman kaming magagawa para matakasan ang mga utang ng magulang namin? Kaya naging asawa ako ng isang lalaking kasingtanda ng mismong papa ko. Ikinasal ako kay Ramil na wala man lang ni isang kamag-anak ko ang nakadalo kahit pa ang ate ko. Isinumpa ko ang araw na iyon, ang araw na pagsisimula ng kalabaryo ko. Ramil was cold and ruthless. He is cold as an ice. He is ruthless as a beast. Hindi asawa ang turing niya sa akin. Hindi rin naman trophy na pang-display. Pero ibinibigay niya ang lahat ng luho at karangyaan na hindi ko natikman sa piling ng mga magulang ko. Kaya lang para akong prinsesa sa loob ng kastilyo. Lahat ng kailangan at gusto ko ay nakukuha ko maliban sa isa. Wala akong kalayaan. Nakakulong ako sa apat na sulok ng mala-palasyong bahay. Hindi man niya ako pinagbubuhatan ng kamay, nakakatakot naman siya. Hindi siya mangingiming kitlin ang buhay ng sinumang susuway sa utos at kagustuhan niya. Kaya kahit ako takot sa kanya. Akala ko ay mananatili na ako sa ganitong klaseng buhay hanggang malagutan ako ng hininga. Pero mapagbiro ang kapalaran dahil pinadalhan niya ako ng isang taong guguluhin ang nakakaumay kong buhay. Siya si Rodel. Guwapo siya, matangkad, at mestizo. Mukha siyang anghel na walang pakpak. Ang katawan niya ay parang nililok ng pinakamagaling na iskultor. Kakulay ng dagat ang kanyang mga mata na nagtatago ng napakaraming lihim. Ang mga labi niya ay kasimpula ng makopa at para bang kaysarap humalik. Shit! Bakit ko ba siya pinagnanasaan kahit unang beses ko pa lang siyang makita? Hindi maaari ito. Hindi maaari ito. Kailangan ko siyang iwasan. May asawa na ako. Hindi na ako malaya. Isa pa’y anak siya ng asawa ko sa una niyang asawa. Kahit mas matanda siya sa akin ng ilang taon, ako pa rin ang madrasta niya. Pinilit ko siyang iwasan sa lahat ng pagkakataon. Pero para siyang tukso na lagi na lang akong sinusundan. Kahit saan ako magtago, nahahanap niya ako. Kaya kahit anong iwas ang gawin ko, hindi ko siya matakasan. Nang minsang malasing ako, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nagising na lang ako na walang kahit anumang saplot sa katawan. Ang malala nito kasama ko siya sa higaan at kapareho ko rin na hubo’t hubad. “Rodel! Walang hiya ka! Anong ginawa mo sa akin?” Pinagbabayo ko siya hanggang sa kusa siyang magising. “Ano ba? Puwede mo naman akong gisingin nang maayos, ah. Bakit kailangan mo pang manakit?” Hindi ko alintana ang reklamo niya. Muli ko na naman siyang sinapak sa dibdib. “Anong ginawa mo sa akin? Bakit pareho tayong walang damit?” “Pareho nating ginusto ang nangyari kagabi kaya wala kang dapat sisihin.” Umusok yata ang ilong ko sa sinabi niya. Sasapakin ko na naman sana siya ngunit hinwakan niya ang dalawa kong kamay. Dumausdos tuloy ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Napangisi siya nang masilayan ang hubad kong katawan. “Gusto mong ulitin natin ang nangyari kagabi? Tamang-tama mas maliwanag ngayon.” Bago pa ako makapagprotesta, siniil niya ako halik. Mainit, mapusok at may isa pang damdamin na binubuhay ang halik niya. Natunaw ang lahat ng protesta ko. Nadarang ako. Tinutupok niya ang katawang lupa ko. Kusa na akong bumigay at nagpatangay sa init ng aking katawan. Akala ko titigilan na niya ako dahil nakuha na niya ang kanyang gusto. Nakuha na niya ang pagka-birhen ko. Pero ayaw niya akong tigilan. Kaya hindi lang minsan kung hindi marami beses akong nakalimot. Nakalimutan kong may asawa pala ako at hindi siya iyon. Ngunit hindi ko siya kayang iwasan. Ayaw ko man siyang lapitan, kusa naman niya akong hinahabol. Daig pa niya ang magnanakaw na nanghahabol ng mabibiktima. Ninakaw na nga niya ang puri ko, ginawa pa niyang alipin ang katawang lupa ko. Naging alipin ako ng kanyang makamundong pagnanasa. Ngunit hindi lang iyon ang ikinakatakot ko dahil may balak pa yata siyang nakawin pati ang puso ko. Kahit gaano pa katibay ang yelong ibinalot ko sa aking puso, natunaw pa rin iyon ng karisma niya. Kahit anong pagpipigil ko sa aking sarili, hindi ko na nagawang rendahan ang aking puso. Kusa itong tumibok kahit sa maling tao. Hindi sinasadyang natutuhan ko siyang mahalin. Nagmahal ako ng taong hindi dapat. Bakit ba hindi ko napigilan ang aking sarili? Sa anak pa talaga ng napangasawa ko, nahulog ang loob ko? Hindi dapat nangyari ito. Paano na lang kung mahuli kami ng asawa ko? Mapaparusahan kaming dalawa. Natatakot ako. Hindi lamang para sa sarili ko, pati na rin kay Rodel. Baka may dugong dumanak. Baka mapatay ni Ramil si Rodel. Kahit pa magkadugo sila, alam kong hindi patatawarin ni Ramil kahit ang sarili niyang anak. Siguradong parurusahan din niya ko. Pero ayokong mamatay sa kamay ng asawa ko. Gusto ko pang mabuhay. Gusto ko pang makasama si Rodel kahit bawal ang relasyon namin. Kung mamamatay siya, gusto ko na ring mamatay. Mas nanaisin ko pang makasama siya kaysa sa asawa ko na mamamatay-tao. Ngunit minsan kailangan ko rin pala na imulat ang nabubulagan kong mga mata. Hindi lang pala ako ang babae sa buhay ni Rodel. May iba pa tulad ni Honey. Nangongolekta pala siya ng babae. Isa pala ako sa naloko niya. Paano na ako kapag tuluyan na siyang nagsawa sa akin? Iiwan na lang ba niya akong luhaan? Matatanggap pa kaya ako ni Ramil gayong pinagsawaan na ako ng anak niya? Huwag mo akong taasan ng kilay o panlakihan ng mata. Wala ka ring karapatan na pag-isipan ako nang masama. Hindi ka santo. Makasalanan ka rin tulad ko. Huwag kang magmalinis, baka mas masahol ka pa sa akin. Huwag mo akong husgahan na para bang napakabuti mong tao. Bago mo ako sabihan na maruming babae, tingnan mo muna ang iyong sarili. Wala ka bang itinatagong bulok sa iyong pagkatao. Malinis ba ang iyong konsensiya? Kung sinuman ang walang pagkakamali, siya ang unang bumato. Ikaw? Malinis ba ang iyong pagkatao? Kung katulad din kitang gumagawa ng kasalanan, manahimik ka na lang. Pareho lang tayo na makasalanan. Ako si Maria Stella Tembreza at ito ang aking kuwento.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook