“PAPASUKIN ninyo ako! Please lang!” paulit-ulit kong pakiusap sa mga nurse na nagtutulak sa stretcher na kinahihigaan ni Rodel habang patungo sila ng operating room. Ngunit humarang ang iba pang nurse para pigilan ako. Sa labas na lang daw ako maghintay. Alam ko namang bawal pumasok sa operating room pero kapag ganito palang nasa bingit ng kamatayan ang taong mahal mo, makalilimutan mo rin ang sumunod sa tama. Nanghihinang napaupo na lang ako sa pinakamalapit na lounge chair. Hindi pa man nag-iinit ang puwet ko ay humahangos na ang papa ni Rodel. May kasunod itong magandang babae na halos hindi naglalayo ang edad nila. Malamang ito ang mama ng asawa ko. Hindi pa kami nagkikita ng mga magulang ni Rodel magmula nang umalis kami sa isla. Nasa London kasi ang mga ito. Kahapon lang yata s

