TWO YEARS LATER “Hello, ‘Ma! Kumusta na po kayo ni papa? Napatawag po kayo, ah.” Dalawang araw pa lang ang nakalipas nang makausap ko ang mga magulang ni Rodel. Sa mga nakalipas na taon, madalas silang tumawag sa akin para kumustahin ako at ang mga bata. Siguro dalawa o tatlong beses sa isang buwan kung tawagan nila ako. Pero nakapagtatakang wala pang isang linggo magmula nang huli kaming magkausap, tumawag na naman sila ngayon. “Ayos lang kami ng papa mo. Nasaan ka, iha? Kasama mo ba ang mga bata?” “Ah, nasa bahay pa po ako. Mamayang hapon pa kasi ang duty ko sa ospital. Pero nasa school po ang dalawang bata. Mamayang hapon na po sila uuwi. Kung gusto po ninyo silang makausap, ibibigay ko po ang number ng yaya nila.” “Hindi na kailangan, iha. Ikaw talaga ang gusto kong makausap. May i

