Chapter 25 - Can't Fight This Feeling

2748 Words

SINUBUKAN kong itulak si Rodel. Pero lalong humigpit ang pagkakayakap niya sa akin. “Rodel, binitiwan mo ako! Ano ba?” Hinahampas ko na ang likod niya para lang pakawalan niya ako. Pero hindi siya natitinag. “No, mommy. Hindi kita pakakawalan. Hindi ko kaya. Sa akin ka na lang. Hindi na kita ibabalik kay papa. Ilalayo kita sa kanya.” Halos malaglag ang puso ko sa huling sinabi ni Rodel. Nababaliw na talaga siya! Hindi na niya alam ang pinagsasabi niya. “Huwag mong sabihin iyan! Nasisiraan ka na ba ng bait?” Lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin. Ngunit hindi niya ako tuluyang binitiwan. Nakahawak pa rin ang dalawa niyang kamay sa balikat ko. “Nababaliw na nga siguro ako, mommy. Pero nagsasabi ako ng totoo. Mahal na kita kahit hindi ka man maniwala. Ako rin naman hindi makapaniwalang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD