Chapter 24 - More Than You Ever Know

2605 Words

ALAS-DOSE na ng hatinggabi nang humiga ako. Mas late kaysa sa normal o karaniwang oras ng pagtulog ko. Alas-onse kasi talaga ako natutulog. Pero nawili kasi ako sa panonood doon sa theatre room kaya ayon late akong nakaalis. Pagkatapos ng tanghalian kanina ay nagpasama ako kay Manang Jovie tulad nang sinabi ni Rodel. Inabot na ako roon hanggang gabi. Dinalhan na nga ako ni manang ng pagkain ko dahil mag-isa lang naman daw akong kakain sa dining room. Hindi pa raw kasi umuuwi si Rodel. Huh? Ngayon lang yata ginabi ng uwi ang lalaking iyon. Kaninang umalis ako sa theatre room, alas-onse pasado na. Nadaanan ko pa ang kuwarto ni Rodel dahil malapit ito sa may hagdan. Hindi ko alam kung nakauwi na siya dahil ang tahimik ng paligid at wala ring liwanag na tumatagos sa siwang na nasa baba ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD