“LAGI mo bang hawak ang cellphone mo?” Napatigil ako sa pagnguya nang marinig ko ang tanong ni Rodel. Kasalukuyan kaming nag-aalmusal. Hindi ko alam kung ano pumasok sa kukote niya at tinanong niya iyon. “Hindi. Libro ang madalas kong hawak kapag wala akong ginagawa. Bakit?” “Give me your number so I can call you or send you a message.” Muntik na akong mabulunan sa sinabi niya. “Bakit mo naman ako tatawagan at imi-message?” Ano siya? Balak niyang maging textmate ko? Call mate? Napangisi siya. “Gusto kitang makausap kapag nasa labas ako. Pero hindi ko magagawa iyon dahil hindi ko alam ang number mo.” Ano na naman ba ang drama niya? “Kung may sasabihin ka, sabihin mo na sa akin ngayon. Hindi mo na ako kailangang tawagan pa.” Ilang segundo niya akong tinitigan. Naasiwa ako sa para

