“I NEED to talk to you.” Tumango ako sa sinabing iyon ni Rodel. Niluwangan ko ang pagkakabukas ng pinto sa aking kuwarto. Himalang dito siya dumaan ngayong gabi gayong dati-rati naman ay sa bintana siya pumapasok kapag ganito pupuntahan niya ako. “Not here. Doon tayo sa office ko.” Tumaas ang kilay ko sa kanyang sagot. “Bakit doon pa? Puwede naman ditto sa kuwarto ko.” Marahas siyang umiling. “Importante ang sasabihin ko.” Hindi na niya hinintay ang sasabihin ko, basta na lang niya akong tinalikuran. Isinara ko muna ang kuwarto ko at tahimik siyang sinundan. Naabutan ko siyang nakaupo sa single sofa. “Sit down,” utos niya sa akin nang makapasok ako. Itinuro niya ang mahabang sofa. Umupo naman ako. Ngayon lang niya ako inimbitahan pumunta ditto sa opisina niya. Last time na napunt

