“HEY! Mommy, bakit mo naman ako tinulugan? Bakit hindi ka man lang sumilip sa birthday party ko? Galit ka ba sa akin, ha?” nakangising usisa ko. Napakamot siya ng kanyang ulo. “Puwede bang, bukas na lang tayo mag-usap? Magpahinga ka na, Rodel. Babalik na rin ako sa pagtulog.” Isasara na sana niya ang pinto ngunit mabilis na iniharang ko ang aking katawan. Hindi niya maisasara ang pinto nang hindi niya ako naiipit. “Mag-uusap muna tayo, mommy. Hindi pa ako inaantok. Saka kanina ka pa natutulog kaya okay lang na gisingin na kita.” “Huwag ka ngang makulit, Rodel.” Pilit niyang isinasara ang pinto. Ngunit hindi ako papaya na hindi ko siya makasama man lang kahit ilang minuto lang. “Grabe ka, mommy. Gusto mo pa akong saktan. Hindi ka na naawa sa akin. Birthday ko pa man din ngayon. Ka

