DALAWANG araw na lang at magsi-celebrate na pala ako ng aking birthday. Twenty-five na pala ako sa birthday ko. Ang bata ko pa pero sa pakiwari ko ay matanda na ako. Sa dami ba naman ng responsibilidad ko bilang boss ng organisasyong ipinamana sa akin ni papa at ng kompanyang hawak niya dati, daig ko pa ang may edad na. Kahit sabihin pa na marami akong tauhan na handang sumunod sa mga ipag-uutos ko, hindi pa rin biro ang maging boss at presidente ng kompanya. Ako pa rin naman ang kailangang magdesisyon sa halos lahat ng bagay. Masakit sa ulo kung tutuusin. Napapagod na ako at naiinis minsan lalo na kapag nabulilyaso ang mga operasyon na sinusuong namin para sa organisasyon. Minsan tuloy naiisip ko na sana naging ordinaryong tao na lang ako. Iyong tipong anak lang ako ng simpleng mamama

