“MANANG Jovie, bakit ang daming tao sa labas ng bahay?” nagtatakang tanong ko sa maid na lumapit sa akin habang sumisilip ako sa bintana. “Ah, birthday ni Sir Rodel ngayon. May celebration mamayang gabi.” Tumaas ang kilay ko sa sagot na narinig ko. “Ibig sabihin…” “Maraming bisitang darating mamaya. Iyong nakikita mong nagkakagulo sa labas ay smga tauhan sa catering services na binayaran ni sir.” “Gano’n po ba? Kapag nagbi-birthday po ba si Rodel, marami siyang bisita?” curious kong tanong. Kung maraming tao mamaya dito, saan kaya ako puwedeng magtago? Ayokong humarap sa mga bisita niya. Mamaya kung ano pa ang isipin nila lalo na kapag nalaman nilang stepmother ako ni Rodel. Ang awkward ng sitwasyon naming dalawa. Nakatira kami sa iisang bahay tapos wala rito ang taong nag-uugnay sa a

