HINDI ko alam kung paano ko pakikisamahan si Stella. Aaminin kong attracted ako sa kanya mula pa noong una ko siyang makita. Pero hindi rin maalis-alis sa isip ko na asawa siya ng papa ko. Sanay naman akong hinahabol at pinapantasya ng mga kababihan. Iba’t ibang babae na ang dumaan sa buhay ko. Lahat sila ay iisa ang motibo. s*x at pera lang ang habol nila sa akin. Pinagbibigyan ko naman kung ano ang gusto nila. Masaya rin naman ako dahil marami na akong naikamang babae kaya walang problema ang s*x life ko. Hindi ko rin kailangang maghabol ng babae dahil kusa silang lumalapit sa akin. Pero ibang usapan ang lovelife ko. Wala pa akong nakilalang babae na gugustuhin kong makasama nang matagal. Iyong tipo ng babaeng gusto kong suyuin, ligawan, at habulin. Hindi ko pa nakikita iyong babaeng

