“WHAT? Mag-aasawa ka ulit? Seryoso ka, papa?” “Yes, it’s true. I took home my woman last week,” walang-kangiti-ngiting sagot ni papa. Napangiti naman ako nang malapad. “That’s nice. When do I get to meet my stepmother?” Twelve years nang biyudo si papa. Namatay ang mama ko noong eleven years old pa lang ako. Hindi na muling tumingin sa ibang babae si papa mula noon. Kaya nagulat ako nang sabihin niya sa akin na may inuwi siyang babae sa bahay. Ni hindi ko nga alam na may nagugustuhan pala siyang ibang babae maliban sa mama ko. Wala kasi siyang ikinukuwento o ipinapakilala sa akin sa mga nakalipas na taon. Buong akala ko ay hindi na siya muling mag-aasawa pa. But seriously speaking, I’m happy for him. Excited akong makita at makilala ang babaeng bumihag sa puso niya. Deserve din niya a

