Chapter 8 - Real talk

1709 Words
KINABUKASAN maaga akong gumising at humarap sa hapag-kainan. Ayoko nang maulit pa iyong nangyari kagabi na pinuntahan ako ni Rodel sa kuwarto ko. Kapag nalalasing pala siya ay lalong nagiging masama ang pagkatao niya. Hindi ako naniniwalang gusto lang niyang makipag-usap sa akin kagabi kaya niya ako kinukulit. Baka higit pa roon ang gusto niyang mangyari. Natatakot ako sa kanya. Pero kailangan kong paglabanan ang takot na nararamdaman ko. Kaya nga pinilit kong humarap sa kanya ngayong umaga. Hindi naman ako galit sa kanya. Hindi iyon ang nararamdaman ko. Takot at pag-aalala ang bumabalot sa akin kapag nakikita ko siya. Pero kailangan kong paglabanan iyon. Kung magpapadaig kasi ako sa takot na nararamdaman, baka lalo akong pag-trip-an ni Rodel. Kaya kahit nangangatog ang mga tuhod ko, pinilit kong kumilos ng normal habang kaharap ko siya. “Hi! Good morning! Mabuti naman at nandito ka ngayon. I’m sorry sa nangyari kagabi. Nakainom kasi ako kaya ko nagawa iyon. Hindi ko na uulitin pa. I’m really sorry.” Ayoko nang pahabain pa ang usapan kaya hindi na ako umimik. Tumango na lang ako. Bago pa man ako makapaglagay ng pagkain sa plato ko, inunahan na niya ako. “Here kumain kang mabuti. Wala dito ang papa ko kaya ako muna ang bahala sa iyo.” Pinandilatan ko siya sa sinabi niyang iyon. “Ano ang ibig mong sabihin? Aalagaan mo ako? Ano ako? Batang maliit?” Ayoko sana siyang kausapin pero hindi ko mapigilan ang sarili kong mag-react sa sinabi niya. “Nah! Hindi ka na bata. Dalaga ka na kahit na parang bata pa iyang mukha mo. Hindi ko nga lubos maisip kung anong pumasok sa utak ng papa ko at nagpakasal siya ulit. Tapos sa isang katulad mo pa. Ang bata mong tingnan kahit na dalagang-dalaga na iyang katawan mo.” Nagawa pa niya akong pasadahan ng tingin mula sa mukha ko at pababa pa gayong nakaupo lang kami. “Eighteen na ako kaya hindi na ako minor. Dalaga na talaga ako.” Hindi ko maiwasang sabihin iyon. Nagpapalatak si Rodel. “You don’t look like eighteen to me. Mas mukha kang fifteen o sixteen lang.” Sinimangutan ko siya. Hindi na bago sa akin ang sinabi niya. Marami nang nagsabi sa akin na mas bata ang itsura ko kaysa sa totoong edad ko. Wala naman akong magawa dahil baby face talaga ako. Nakakairita lang minsan dahil madalas walang naniniwalang nasa tamang edad na ako at hindi na bata. Kaya iyong sabihin sa akin ni Rodel na mukha akong bata, naiinsulto ako. Balewala lang sa akin kung ibang tao ang magsabi ng gano’n. Pero pagdating sa lalaking ito, ayoko talagang marinig sa kanya na mukha pa akong bata. Mas gusto kong isipin niya na dalaga na ako. Hindi na menor de edad. Ewan ko ba kung bakit gusto kong tingnan niya ako at tratuhing dalaga na. Siguro dahil ayokong isipin niyang para anak lang ako ng papa niya. Magmumukha kasi kaming magkapatid kapag nagkataon. Ayokong maging kapatid si Rodel. Ayoko siyang maging kuya. Mas gusto ko siyang maging… “Hey! Galit ka ba sa akin?” Biglang naputol ang daloy ng isip ko dahil sa tanong ni Rodel. “Hindi. Baka ikaw ang galit sa akin,” mabilis kong sagot. Napangiti siya nang makahulugan. “May dahilan ba para magalit ako sa iyo?” Nagulat ako sa tanong ni Rodel. Hindi ko alam kung paano siya sasagutin. “I’m sure may dahilan ka naman siguro para pumayag na magpakasal kay papa. Ang hindi ko lang maintindihan kung ano ang dahilan ni papa nang pakasalan ka. Never in my wildest did I ever imagine that he would marry someone like you.” Hindi na ako nagulat na ganoon ang sasabihin ni Rodel. Inihanda ko na ang sarili ko sa ganitong pagkakataon. Pero masakit pa rin pala na marinig ang katotohanan. “Iniisip mo na masyado akong bata para sa papa mo at pera lang ang dahilan kung bakit ako nagpakasal sa kanya.” Dineretsa ko na siya. Ayoko nang magpasakalye pa. Pero hindi ko inaasahan ang magiging reaksyon ni Rodel. “Kumain na tayo. Mamaya lalamig na itong pagkain natin.” Bahagya akong napailing. Umiiwas siya na pag-usapan ang tungkol sa amin ng papa niya. Pero hindi ako mapakali. Gusto kong malaman kung ano ang totoong reaksyon niya sa pagpapakasal namin ng kanyang ama. Baka sakaling maintindihan ko rin kung bakit niya ako pinakikisamahan ng ganito. Ang ini-expect ko kasi noong una ay magagalit siya sa akin. Tapos ipagtatabuyan niya ako palabas ng bahay nila dahil wala naman ang papa niya rito. “Gusto mo bang malaman kung bakit ako pumayag na mapagpakasal sa papa mo?” Napatigil sa pagsubo si Rodel. “I don’t want to talk about it,” saad niya bago ipinagpatuloy ang kanyang kinakain. Hindi na talaga ako mapakali. Gusto ko talagang sabihin sa kanya ang totoo. Ayoko kasi na pag-isipan niya ako ng masama. “Pinilit ako ng papa mo na magpakasal sa kanya bilang kabayaran sa utang ng mga magulang ko sa bangko na pagmamay-ari ng pamilya ninyo,” dire-diretsong sabi ko. Tumalim ang mga mata ni Rodel. Ibinaba niya ang hawak na kutsara at tinidor. Pagkatapos tumingin siya sa akin habang nagngunguya. “Maniwala ka sa akin. Hindi ko gusto ang pananatili ko rito. Napilitan lang ako dahil sa utang ng mga magulang ko. Nakasanla ang bahay at lupa naming sa bangko ninyo. Wala kaming pambayad ni ate sa utang ng mga magulang namin.” Sinamantala ko na ang pagkakataon para maipaliwanag ko ang aking panig. Baka kasi hindi na ako mabigyan pa ng pagkakataon sa mga susunod na araw. “Are you telling me that my father blackmail you?” magkasalubong ang kilay na usisa ni Rodel. “Puwede mong tanungin ang papa mo tungkol diyan kung hindi ka naniniwala sa akin.” Hindi siya umimik. Pero narinig ko ang marahas na buntunghiningang pinakawalan niya. Tumahimik na rin ako. Bahala na siyang magproseso sa narinig niya. Hindi ko na gustong malaman kung naniniwala siya o hindi sa sinabi ko. At least nasabi ko na ang totoo. Bahala na kung ano ang mangyayari sa amin sa mga susunod na araw. Hindi na siya muling nagsalita kaya naging tahimik ang aming almusal. Walang umiimik hanggang matapos kaming kumain. Magmula nang oras na iyon, hindi na ako kinibo ni Rodel. Hindi na niya ako kinakausap o nilalapitan man lang. Wala nang nangungulit sa akin at nagtatawag ng mommy. Bigla siyang naging aloof, seryoso, at tahimik na dati ay hindi naman. Nanibago tuloy ako. Napaisip ko kung alin ba talaga ang tunay niyang pagkatao. Masayahin, madaldal, at mapagbiro o seryoso, tahimik, aloof at cold? Alin kaya siya roon? Ayokong ako ang lumapit o maunang pumansin at makipag-usap kaya hinayaan ko na lang siya. Kahit sabay kaming kumakain sa hapag-kainan. Hindi kami nag-uusap na para bang hindi namin kilala ang isa’t isa. Lumipas pa ang mga araw at nagpatuloy ang malamig niyang pakikitungo sa akin. Pero minsan mapagbiro rin ang pagkakataon. Isang hapon, naiinip ako sa aking kuwarto kaya naisipan kong lumabas. Bitbit ko ang isang makapal na librong binabasa ko at nagtungo ako sa likod ng bahay kung saan naroon ang garden. Naisip kong doon muna ako mag-iistambay para maiba naman ang tanawin at hindi na alng ako nagkukulong sa kuwarto ko. Naglalakad na ako papunta roon nanag madaanan ko ang swimming pool. Lalagpasan ko na sana ito nang maagaw ng atensyon ko ang taong lumalangoy sa ilalim ng tubig. Napahinto akong bigla nang makilala ko kung sino iyon. Si Rodel pala iyon. Nakasuot siya ng navy blue na swimming trunks. Hindi ako swimmer pero mahilig ako sa tubig. Kaya balak kong kumuha ng PE na swimming sa susunod na semester para matuto pa. He was doing the different strokes in swimming. Naging interesado tuloy akong panoorin siya. Hindi nagtagal umahon na siya. Aalis na sana ako ngunit napako ako sa aking kinatatayuan nang makita ko ang kabuuan ng halos hubad niyang katawan. His broad shoulders, eight-pack abs, small waist, and firm muscles at the right places made me drool. Pinasadahan ko ng tingin ang buo niyang katawan habang nagpupunas siya ng kanyang sarili. Para akong nakakita ng buhay na sculpture dahil sa perpekto niyang katawan. Pagkatapos niyang magpunas ay basta na lang niya inihagis ang tuwalyang ginamit niya. Bumagsak ito sa lounge chair. Nahigit ko ang aking hininga nang hawakan niya ang waistband ng kanyang swimming trunks. Shit! Maghuhubad ba siya rito? Nasa isip ko pa lang ang bagay na iyon nang biglang magkatotoo ang hinala ko. Hinubad nga niya ang suot na swimming trunks. Tumambad sa aking harapan ang alaga niya. Hindi iyon naka-erect. Kumbaga, tulog pa iyon. Pero putragis! Ang laki at ang haba. Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Ngayon lang din ako nakakita ng totoong ari ng isang lalaki. Pero dahil nursing student ako kaya hindi masyadong inosente sa katawan ng isang tao. Hindi maalis-alis ang tingin ko sa kanyang alaga na hindi pangkaraniwan ang sukat. “Damn it! Stella, what are you doing there?” singhal ni Rodel nang mapansin niya ako. Agad niyang tinakpan ng sarili niyang kamay ang kanyang alaga. Pagkatapos dinampot niya ang tuwalya sa lounge chair. Pilit niya itong itinatakip sa pang-ibabang bahagi ng kanyang katawan. Napakurap ako ng ilang beses. Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko magawang umalis sa kinatatayuan ko. Para akong naestatwa. “Get out of my sight, Stella!” Nanag marinig ko ang bulyaw niya saka pa lang ako nakakilos. Umatras ako ng ilang hakbang. Ngunit bago ako umalis tumingin muna ako sa kanya. Pulang-pula ang mukha niya hanggang leeg. Ang talim din ng mga mata niya. Nagagalit ba siya dahil nahuli niya akong nakatitig sa alaga niya? O nagagalit siya dahil inaakala niyang binobosohan ko siya? Napaismid na lang ako. Tinalikuran ko siya at humakbang palayo. Kung painter lang ako, gusto kong ipinta ang katawan niya. Pero nursing student lang ako kaya hanggang tingin lang ang kaya kong gawin. Grabe iyon, ah. Ang laki ng alaga niya. Tulog pa iyon nang makita ko. Paano na lang kaya kapag nagising iyon? Gaano kaya iyon kalaki kapag tumigas? Napalunok ako nang wala sa oras. Gusto ko ring paypayan ang sarili ko dahil parang biglang uminit ang pakiramdam ko. Ano bang nangyayari sa akin?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD