Chapter 7 - Fear

1518 Words
NANG mga sumunod na araw, pinilit kong iwasan si Rodel. Hangga’t maari ay hindi ako nakikisabay sa kanya na kumain. Nagkukunwari akong tulog pa sa umaga. Bumabangon na lang ako at lumalabas ng kuwarto kapag alam kong tapos na siyang kumain o kaya naman lumabas na siya ng bahay. Madalas sa tanghali ay wala naman siya kaya malaya akong nakakain nang tama sa oras. Pagdating naman sa gabi, sinisiguro kong nakakain na ako ng hapunan pagsapit ng alas-sais. Gabi na kung dumarating si Rodel kaya hindi na rin niya ako naaabutan. Pero mahigit isang linggo ko lang pala siyang maiiwasan dahil isang gabi, hindi ko inaasahan ang gagawin ni Rodel. Matutulog na ako dapat ng oras na iyon. Pasado alas-diyes na, eh. Kaya lang may kumakatok pa sa pintuan. Wala sana akong balak na buksan pa iyon. Ngunit ayaw tumigil ng kumakatok. Parang may balak siyang gibain ang pinto. Napilitan akong buksan iyon na laking pagsisisi ko. “R-Rodel? A-anong g-ginagawa mo rito?” Pinanlakihan ko siya ng mata. Tumaas-bumaba ang mga kilay niya habang nakasandal ang isang kamay niya sa hamba ng pinto. “Natutulog ka na ba, mommy?” Medyo hindi maayos ang pananalita niya. Namumula rin ang kanyang mga mata. Naamoy ko pati ang alak sa hininga niya. Hindi magandang pangitain ito. Napahagod ako sa aking ilong. “Oo kaya nakakaabala ka. Bumalik ka na sa kuwarto mo at magpahinga na rin,” malumanay kong sagot. Nag-aalala kasi akong kapag sinagot ko siya nang pabalang ay baka mag-init ang ulo niya at mapag-trip-an ako. Isa pa man din sa kinatatakutan kong kausapin ay ang mga lasing na tao. Nadala na ako sa manliligaw ko noong nasa junior high school ako na naglasing para lang makalapit sa akin. Ang kulit rin kasi niya kaya iniiwasan ko. Nang lapitan niya ako ay nagtangka pa siyang halikan ako. Mabuti na lang at naroon ang mga kaibigan ko kaya napigilan siya. Kaya magmula noon natatakot na akong makipag-usap sa mga lasing. Tinangka kong isara ang pinto ngunit bago ko magawa iyon, mabilis na itinulak ni Rodel ang dahoon ng pinto. Sa lakas ng impact, nakabitaw ako sa door handle. Akala ko matutumba ako ngunit nahawakan niya ang baywang ko. Nakapasok na siya sa loob ng kuwarto ko habang nakahawak sa akin. “Bitiwan mo ako.” Pinandilatan ko siya at akmang itutulak. Pero mabilis niyang nahawakan ang kamay ko. Saka niya itinulak pasara ang pinto gamit ang kanyang paa. “Let’s talk, mommy. Huwag mo akong iwasan na para bang may nakahahawa akong sakit. Malinis ako mula bumbunan hanggang talampakan.” “Oo na! Mag-uusap na tayo! Basta bitiwan mo muna ako!” Napakuyom ang mga palad ko habang sinisigawan ko siya. Bilib na ako sa kakulitan niya, to the highest level talaga! Akala ko naman bibitiwan niya talaga ako. Pero iba naman pala ang gagawin niya. Bigla niya akong pinangko at ibinaba sa gilid ng kama ko. Pinaningkitan ko siya ng mata nang makaupo na ako sa kama. Ngumisi lang siya sa akin nang tabihan niya ako. Magkahalong kaba, takot, at hindi maipaliwanag na damdamin ang nararamdaman ko nang oras na iyon. Walang espasyo sa pagitan naming dalawa kaya napausod. Ngunit ang pesteng lalaki lumilipat din at sinasadyang dumikit sa akin. Sa kauusod ko, nakarating ako sa dulo ng kama. Muntik na akong malaglag ngunit maagap siyang napahawak sa baywang ko. “Hey! Mag-ingat ka sa ikinikilos mo. Muntik ka nang mahulog. Mabuti na lang nandito ako.” “Tse! Kasalanan mo ito, eh. Kung hindi ka ba naman dikit nang dikit sa akin, hindi sana ako aatras. Lumayo ka nga! Ang sama ng amoy mo!” Binitiwan ako ni Rodel. Inamoy niya ang magkabilang kili-kili niya. Pagkatapos sininghot niya ang kanyang kuwelyo bago siya napatingin sa akin. “Hindi naman ako mabaho, ah!” Pinaikot ko ang aking mga mata. “Hindi nga siguro mabaho iyang katawan mo, pero nahihilo ako sa hininga mo!” Napakamot siya ng kanyang ulo. “Okay, magto-toothbrush lang ako. Huwag ka munang matutulog. Mag-uusap pa tayo. Babalik din ako agad.” Tumayo na si Rodel at tinungo ang pintuan. Nakahawak na siya sa door handle nang muli niya akong nilingon. “Huwag mo nang i-lock ito. Sandali lang ako.” Hindi ako umimik. Nakatingin lang ako sa mukha niya. Nang masiguro kong nakalayo na siya, tumayo ako at mabilis na ini-lock ang pinto. Bahala siya sa buhay niya. Basta matutulog na ako. Ayokong makipag-usap sa mga lasing. Humiga na ako. Itinaas ko ang comforter hanggang sa leeg ko saka ako pumikit. Ilang pa lang ang lumipas, nakarinig na ako ng kalampag sa pintuan. Kasunod nito ang malakas na boses ni Rodel. “Stella, buksan mo itong pinto! Papasukin mo ako!” paulit-ulit niyang sigaw. Kinuha ko ang isang unan sa tabi ko at itinakip sa aking mukha. Bahala siyang mag-ingay hanggang gusto niya. Basta hindi ko bubuksan ang pinto. Nagbingi-bingihan na lang ako. Umaasa akong magsasawa rin siya at aalis. Ilang minuto pa siyang sumisigaw sa labas at kinakalampag ang pinto. Ngunit hindi nagtagal, tumahimik din sa labas. Nakahinga ako nang maluwag. Ibinaba ko na ang unan sa tabi ko. Makakatulog na rin ako nang maayos. Pero wishful thinking lang pala iyon dahil bigla kong narinig ang pagbukas ng pintuan. Pagmulat ko ay humahangos si Rodel na pumasok. Nanlaki ang mga mata ko nang tumayo siya sa tabi ng higaan ko. Madilim ang buong mukha niya. Umiigting pati ang kanyang mga panga. Akala mo kakainin niya ako ng buhay. Napalunok ako. Nararamdaman kong may nakaambang panganib. “I told you to wait for me. Bakit mo ako pinagsarhan?” Malumanay lang ang pagkakasabi niya pero baka nagpipigil lang siya. Hindi ko magawang sumagot. Ibinaling ko ang tingin sa sahig. Ayokong salubungin ang mga titig niya. Wala siya sa tamang kaisipan dahil sa espiritu ng alak. Kung makikipagsagutan ako sa kanya, baka mapahamak lang ako. “Kinakausap kita. Bakit hindi ka sumasagot?” singhal niya. Napakagat-labi ako. Bumalik ang takot at pag-aalala sa dibdib ko. Nagsimulang manginig ang mga kamay ko. Hindi ko talaga gustong makipag-usap sa mga lasing. Ni tumingin kay Rodel ay ayaw kong gawin. Natatakot akong kapag makita ko ang ekspresyon ng mukha niya ay mapaiyak ako. Ayokong umiyak sa harapan niya. Baka lalo lamang akong mapahamak. Siguradong walang tutulong sa akin sa bahay na ito. Wala pa naman si Ramil na maaring magligtas sa akin. Sigurado akong kaya ako ginugulo ng anak niya dahil ayaw niya sa akin. Kung alam lang sana niya na hindi ko rin gusto na narito ako sa pamamahay na ito. Napilitan lang naman akong sumama at magpakasal sa papa niya. Kung may ibang paraan lang sana para makabayad kami sa utang ng mga magulang namin, wala sana ako rito. Libong beses kong gugustuhin na maging alila na lang kaysa masadlak sa ganitong sitwasyon. Kung hindi lang sa awa at pagmamahal ko kay Ate Lyla, mas pipiliin ko pang magtrabaho na lang kaysa mabuhay sa piling ng ibang tao. Kung bakit kasi iniwan-iwan pa ako ni Ramil. Bakit hindi na lang niya kasi ako isinama? Mas maganda pa na si Ramil ang kasama ko kaysa ditto sa anak niya. Iba ang epekto sa akin ng presensiya ng kanyang anak. Hindi lang takot at pag-aalala ang nararamdaman. May isa pang hindi ko maipaliwanag na damdamin na tanging kay Rodel ko lang naramdaman. Hindi ko alam kung ano iyon. Basta ang alam ko lang dapat akong lumayo sa kanya. Hindi ako puwedeng lumapit. Nararamdaman kong mas mapanganib siya kaysa sa sarili niyang ama. “Ano ba, Stella? Sumagot ka!” Mula sa peripheral vision ko ay nakita kong iniumang niya ang kanyang kamao sa headboard ng kamang hinihigaan ko. Napapikit ako nang mariin pagkarinig ko sa malakas na pagbagsak ng kanyang kamao. Hindi na lang ang mga kamay ko ang nanginig. Hindi ko na mapigilan ang panginginig ng buong katawan ko. Bumalik na naman sa alala ko iyong lasing na manliligaw ko. Alam kong sa pagkakataong ito ay walang magliligtas sa akin. Wala ang mga kaibigan ko. Kaming dalawa lang ni Rodel ang narito sa loob ng kuwarto. Kahit sumigaw pa ako, walang darating na tulong. Sigurado akong hindi siya pipigilan ng mga maid kung anuman ang binabalak niyang gawin sa akin. Malamang takot silang maparusahan kung paanong takot din akong mapag-trip-an ng lalaking ito. “Cat got your tongue, Stella? Why are you not answering me?” Inilapit ni Rodel ang mukha niya sa akin. Napasabunot pa siya sa buhok ko. Napilitan tuloy akong mapatingin sa mukha niya kahit ayaw ko sana. Nagsimulang mangilid ang luha ko nang masilayan ko ang kanyang nanlilisik na mga mata. Pakiwari ko ay demonyo ang kaharap ko. Kusang nalaglag ang mga luha ko. Pinanlamigan ang buo kong katawan. Hindi ko na magawang kumilos pa. Para akong naparalisa. Ni pumikit ay hindi ko magawa. Basta lumuluha lang ako nang tuloy-tuloy. “s**t!” Biglang lumamlam ang mukha ni Rodel. Binitiwan niya ang buhok kong kanina lang ay mahigpit ang pagkakahawak niya. Napahilamos siya sa kanyang mukha. “I’m sorry! I’m sorry!” Tumalikod siya at nagmamadaling lumabas ng kuwarto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD