Simula ng gabing iyon ay nawalan na ako ng lakas na magpakita pa kay Kyle. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin o kung ano ang maaaring sabihin na magandang rason kung bakit ko iyon ginawa ngunit, ang nasisiguro ko lang ngayon ay gusto kong humingi ng tawad sa kaniya. Gusto kong humingi ng pasensya at paumanhin dahil sa inasal ko — dahil sa biglaang paghalik ko sa labi niya. Alam ko naman na maaaring magalit o matuwa siya. Napag-isipan ko na iyon nang planuhin kong ilapat ang labi ko sa kaniya ngunit hindi ko inisip nang mabuti kung ano ba ang mararamdaman niya. Kung masasaktan ba siya dahil sa hindi ko pagrespeto sa kaniya. Naipukpok ko na lamang ang hawak-hawak ko na diyaryo sa lamesa. Pakiramdam ko ay mababaliw na ako sa kaiisip sa kaniya. Hindi ko nais na wakasan na lamang n

