"Tama na! Bitiw na!" suway sa akin ni Kyle pero mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa kaniya. "Ang kulit talaga!" sigaw niya pang muli kaya tuluyan ko nang kinalas ang aming katawan na magkayakap. "Nasiyahan ka!" Natawa ako dahil sa sinabi niya. Tama siya, nasiyahan nga ako. Paano ba naman kasi, siya lang ang nakagagawa sa akin nang ganito. Sa kaniya lang ako nakararanas nang ganitong pakiramdam. Sa kaniya ko lang naramdaman na ligtas ako — pakiramdam ko'y ligtas ako basta nandiyan siya sa tabi ko. "First time kong masabihan na gusto ako ng isang tao kaya hindi ko mapigilang maging masaya," nakangiti kong tugon sa kaniya ngunit napagmasdan ko bigla ang paglungkot ng kaniyang mukha sa 'di malamang dahilan. "Teka, huwag kang malungkot." Pinisil-pisil ko ang pisngi niya at i

