Wala pa akong tulog pero patuloy ko pa ring ginawa ang aking gampanin. Nilinis ko ang bawat silid at sinigurado kong magiging komportable ang mga pasyente sa kanilang kuwarto. Pumayag si Kyle na ulitin pa namin ang gabing iyon at sobra akong natutuwa dahil hindi ko namang inaasahang papayag siya sa kagustuhan ko. Hindi ko naman inasahang magiging oo ang sagot niya sa akin. Magkikita kaming muli mamaya at magpapalipas ulit kami ng buong magdamag kaya matutulog muna ako. Sisiguraduhin kong makapagpapahinga ako nang maayos dahil masakit na rin ang aking katawan at kanina pa ako tinatamaan ng antok. Bago ako umalis at tuluyang iwanan si Kyle kanina ay sinigurado ko munang nakahiga na siya sa kaniyang kama. Tiningnan ko kung mahimbing na siyang natutulog bago ko tuluyang nilisan ang silid n

