Hindi ko alam kung ano ang naisipan ko dahil nawala na lahat-lahat ang haring araw, hanggang ngayon ay narito pa rin kami ni Kyle sa rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit hindi pa siya umaalis. Tila nasemento kami sa presensya ng isa't isa at hindi ko man lang magawang umangal sapagkat mas gugustuhin ko na ganito na lang kami palagi. Gusto kong huminto na muna pansamantala ang orasan. Gusto kong huminto na muna ang mundo. Gusto ko siyang makasama sa bawat segundo, sa bawat minuto, sa bawat oras at sa darating na panibagong araw. Gusto kong siya ang unang masilayan ko sa tuwing sasapit na ang umaga. Nakatitig siya sa mga bituin na nagkikinangan habang ako'y nakatitig sa kaniya dahil napakaganda ng tanawin kapag sa kaniya na sumisilay ang mga mata ko. Napakaganda ng mundo kapag siya na

