“HINDI mo namang kailangang dibdibin ang nangyari kahapon. Wala kang kasalanan, baliw ang babaeng 'yon.” Kahapon pa ako pilit na kinukumbinsi ni Edward na wala akong kasalanan sa nangyari. Hindi ko alam kung bakit niya ginagawa ang bagay na iyon, e kitang-kita na nga mismo ng mga mata niya kung paano ko sakalin si Mrs. Liwayway. Alam ko na kaibigan ko siya ngunit hindi naman yata tama na pagtakpan niya ang mga maling nagawa ko. “Okay na ako,” mahinahong sambit ko kay Edward na sinundan ng buntong hininga. “Okay, pero 'yong itsura mo hindi maipinta. 'Yan ba ang okay? Sige nga, sabihin mo nga. Kasi ang tingin ko, hindi ka okay.” Napakamot na lamang ako sa aking ulo. Dati'y ako ang palaging nangungulit sa kaniya tapos ngayon, siya naman ang walang sawang tinatanong ako sa paulit-ulit n

