Episode 7

1594 Words
Lumipas ang mga araw. "Ineng, umalis ka dito! Nangangamoy ka!" Bigla akong napa-atras. Balak ko lang naman bumili ng pagkain. Ngunit sadyang may mga tindera na ayaw magpabili porket ganito ang itsura ko. "Bibili lang po ak--" "Hay naku, sa iba ka na lang bumili! Ang baho mo! Baka umalis ang mga customer ko!" Pagtataboy nito. Nakagat ko ang ibabang labi. Nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko. Nahintakutan ako ng makitang isang matabang lalake. Hinihila ko ang kamay ko ngunit mahigpit iyon. "Neng, ako nang bahala sa iyo. Bibilhan kita ng pagkain. Sumama ka lang sa akin. Hindi ka na magugutom pa." Biglang lumakas ang kaba ng dibdib ko sa takot. "A-ayoko po! Bitiwan niyo ako!" At pilit kinakalas ang kamay nito. Ngunit mahigpit iyon. Akmang kakaladkarin ako nito upang makalayo sa mga tao ng bigla kong kagatin ang kamay nito. Bigla itong napahiyaw at nabitiwan din ang kamay ko. Mabilis pa sa alas kuwarto ang pagtakbo ko. At dahil patawid ako sa kalsada kaya isang matinis na busina ang nagpabingi sa akin. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang sasakyang tatama sa akin. Ramdam ko ang pamumutla ko. Wala akong nagawa kun'di ang mapapikit na lang. Inaasahang tatalsik ang payat kong pangangatawan. Ngunit ilang minuto na ang nakalilipas, walang tumama sa katawan ko. Namalayan ko na lang ang pagtulo ng luha sa mga mata ko sa halo-halong nararamdaman. Matinding takot at saya na rin sa isiping ligtas pa rin ako. Nanginginig pa rin ako ng makita kong bumaba ang driver noon. Pareho yata kaming nagulat. Kung hindi ako nagkakamali, ito iyong lalake na kasama ng ginang na nagbigay sa akin ng libo-libong pera. "Hija..?" Hindi ako umimik. Hanggang sa makita kong bumaba doon ang ginang. Inutusan nito ang nakaputing lalake na itabi raw ang sasakyan nila. "Hija, ayos ka lang ba? Bakit bigla-bigla kang tumatawid? Mabuti na lang at nakapag-preno ang driver ko." Niyaya ako nito sa isang tabi. Ewan ko ba at bigla na lang akong napahagulhol. Napaupo at doon itinuloy ang pag-iyak. "Hey, huwag kang umiyak. Hindi naman kita sasaktan," pang-aalo ng ginang. Mabilis akong umiling at pinunasan ang luha. Tiningala ko ito. "Hindi naman po dahil doon. Naiiyak ako kasi mabuti pa kayo may malasakit sa akin. Mabuti pa kayo mabait sa akin." At saka ako napahikbi. Naalala ko na naman ang mga itinuring na magulang. Ang sakit lang isipin na pagkatapos nila akong palakihin, sasaktan lang pala ako ng mga ito at papahirapan. Ni hindi man lang ako minahal ni naawa sa akin habang binubugbog ako ng mga ito. Kahit man lang kaunti dapat may awa silang mararamdaman para sa akin at kahit papaano sila ang nagpalaki sa 'kin. Samantalang itong ginang na kaharap ko, ang bait-bait. Kahit ganito ang itsura ko, hindi ko nakita rito na nandidiri ito sa 'kin. Natigilan ako ng tumapat ito sa pagkakaupo ko. "Kaya nga gusto kitang isama sa bahay para hindi ka na nagpapagala-gala. Masyado ka pang bata. Baka mapahamak ka. Ang daming masasamang tao dito sa mundo." Tumulo na naman ang luha ko. Naalala ko bigla ang lalakeng gusto akong dalhin sa kung saan. Dapat ba akong magtiwala rito? Napatitig ako sa ginang. Nang bigla itong ngumiti. "Ang mabuti pa, kumain muna tayo. Sumama ka sa amin." Sabay itinuro nito ang malaking mall na nasa tapat lang namin. Hindi ako 'agad nakasagot. "Alam kong natatakot kang magtiwala sa akin. Pero hindi naman kita pipilitin kung ayaw mo pa rin sa akin sumama. Kaya yayayain na lang kitang kumain at bibilhan na rin kita ng ilang damit mo." Napalunok ako. Hindi pa rin ako makapaniwala. Bakit ba ako inaaksayahan ng ganito ng ginang na ito? Isa lamang akong pulubi. "Bakit po nagsasayang kayo ng oras para sa isang katulad kong pulubi?" biglang naisantinig ko ang nilalaman ng isipan ko. Kita kong natigilan ito. Nagtaka ako ng dumaan sa mga mata nito ang kalungkutan. Ngunit sandali lang iyon. "Dahil may kakilala akong tulad mo noong bata pa lang ako. Pero bigla na lang siyang.." Bigla itong napahinto. Tumingala ito sa langit. Para itong may pinunasan sa gilid ng mga mata nito. "Wala na siya. Namatay siya dahil sa pagligtas sa akin. Muntik na ako noon masagasaan pero itinulak niya ako at siya ang nabangga ng malaking sasakyan." Gulat akong napatitig sa ginang. Kita ko kung paano nito pinunasan ang gilid ng mga mata. "Kaya nga, gusto kitang isama sa bahay para malayo ka sa kapahamakan. Pero kung ayaw mo, 'di kita pipilitin. Bibigyan kita ng ilang araw para makapag-isip. Sa ngayon, samahan mo muna akong kumain." At saka ito ngumiti ng bahagya. "Pero hindi po ako pinapapasok sa loo--" "Akong bahala." Pagpuputol nito sa sasabihin ko. Napilitan akong tumayo. Nahihiya man ngunit mas pinili kong sumama. Umaasang totoo ngang mabait ito. NAGTAKA ako ng walang reklamo akong papasukin ng guwardiya, habang kasama ko ang ginang. Yumuko pa nga ang mga ito sa amin. 'Di rin nakaligtas sa akin kung paano ako tingnan ng mga taong naroroon sa loob. Napayuko ako ng makitang para silang nandidiri sa akin. May natatawa pa. Gustuhin ko mang mapangiti at unang beses akong nakapasok sa ganito kalamig at kagandang lugar ngunit hindi ko magawa at baka isipin ng mga taong nakatingin sa amin ay isa akong baliw. Nahihiya nga ako at kasama ko ang ginang na napakaganda at pati pananamit nito. Ang bango-bango rin. Samantalang ako, pulubing-pulubi ang itsura. Napahinto ako ng huminto ang ginang. May kinakausap ito. Hanggang sa humarap ito sa akin. "Hija, sumama ka muna sa kaniya. Sa banyo kayo pupunta para makapagligo ka. Dadalhan ka na lang niya ng sabon at bagong damit mo," nakangiting wika nito. 'Agad akong natakot. At alam kong napansin iyon ng ginang. "Huwag kang matakot. Wala siyang gagawing masama sa iyo. Hihintayin kita rito." Napalunok ako. "Tara na po!" nakangiting wika ng magandang babae sa akin. Namalayan ko na lang na napasunod ako nito. Ngunit kabadong-kabado ako. Nagpakawala ako ang buntong hininga pagkapasok sa napakalawak na banyo. 'Di ko maiwasan ang mamangha sa ganda at linis. Nasa akto ako ng pagkakatulala ng biglang bumukas ang pinto ng banyo. Muntik pa akong magulat kung di kaagad sumilip ang babaeng kasama ko kanina. "Hi, heto nga pala ang isusuot mo. Gamitin mo rin itong sabon para sa buong katawan mo." "Salamat po!" Sabay yuko rito. Nasundan ko ang mga mata nito. Nakatingin ito sa maliit na bowl kung saan kanina ko pa tinitingnan. "Para saan po pala iyan?" tanong ko. Ngumiti ito sa akin. "Ginagamit iyan kapag tatae ka. Diyan ka tatae at iihi," sagot nito na ikinanlaki ng mga mata ko. Natutop ko pa ang bibig ko. "Po? Bakit naman sasahurin ang tae ko diyan?" Bigla akong napangiwi. Ngunit tinawanan lang ako ng magandang babae. "Toilet ang tawag diyan. Diyan talaga tumatae ang mga tao. At pipindutin mo lang ito para mawala ang tae diyan." Sabay turo nito sa maliit na butas na may kaunti pang tubig. Hindi pa rin ako makapaniwala. "At ito ang shower na tinatawag. Pihitin mo lang ito at lalabas na diyan ang tubig." Bigla akong napatili sa pagkagulat ng lumabas nga ang tubig mula sa itaas. Grabi naman ang pagkamangha ko. "Wow! Ngayon lang ako nakakita nito. Parang magic?!" ignoranteng wika ko. Natawa naman ang babae. Hanggang sa nagpaalam na itong lalabas muna. Nagningning yata ang mga mata ko ng makita ang dress na ibinigay nito sa akin. May maliit din na tela na alam kong pinantatakip iyon sa ibaba ko. At meron din pangtakip sa dibdib ko. Nakalimutan ko nga lang kung anong tawag doon. Nakikita ko lang kasi ito sa mga television na napapanuod ko. SUMILIP ako sa labas ng pinto. Nagulat ako at nandoon pa rin ang babae. Tumingin ito sa akin. "Tapos ka na?" Tumango ako at lumabas ng tuluyan sa banyo. Kita kong tiningnan ako nito mula ulo hanggang paa. Binigyan din kasi ako nito ng flat na sandals. Dati kasi naka-paa lang ako. "Halos hindi kita makilala. Ibang-iba ka sa nakilala kong babae kanina na napaka-dungis!" Sabay ngiti nito. Tipid at nahihiyang ngiti ang binigay ko rito. Abot hanggang tuhod ang dress na pinasuot nito sa akin. "Ang ganda mo pa lang dalaga. Maputi ang kutis mo at makinis din. Nasaan ba ang mga magulang mo at hiyaan ka lang magpalaboy-laboy? Dalaga ka pa naman?" Hindi na ako nakasagot at napansin ko ang paglapit ng ginang. Hanggang ngayon hindi ko pa naitatanong ang pangalan nito. "Nadz?" nakangiting sambit nito sa pangalan ko. Para bang hindi ito makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Siguro dahil malinis na ako at hindi na ako pulubi tingnan at hindi na rin mabaho. "Ako nga po," nahihiyang wika ko. Nayakap ko pa ang sarili ko at sobra akong nilalamig sa lugar na ito. "Muntik na kitang hindi makilala. You're so beautiful. Makinis pala ang balat mo at ang puti mo rin!" Papuri nito. Hinawakan pa nito ang buhok ko. "At ang ganda pala ng buhok mo! Natural ang pangingintab niya. Ngayon ko lang napansin na may pagka-golden ang buhok mo hija." Napahawak din tuloy ako sa sariling buhok. Sobrang lambot na hindi katulad noon na sobrang tigas at lagkit! "Salamat po." Hinawakan nito ang kamay ko. Napakurap tuloy ako. "Kumain muna tayo at saka kita ililibot." Nakita kong umalis na ang babaeng tumulong sa akin kanina. Pansin ko nga na may kapareho itong kasuutan? "Ang tawag sa kaniya, sales lady. Dito siya nagtatrabaho." Naramdaman yata nito ang paghahanap ko sa babae. Tanging tango lang ang naisagot ko. Hanggang sa unti-unting lumabas ang napakatamis kong ngiti. Sobrang ganda dito sa loob! At ang lamig-lamig!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD