Episode 6

1449 Words
MAKALIPAS ANG SAMPONG TAON.. Tulala siya habang nakatingin sa mga sasakyang paroo't parito. Nakaupo siya sa isang sulok habang tinitiis ang gutom. Sa edad niyang 20 years old. Namuhay siyang pagala-gala rito sa kalsada. Umaasa lamang sa mga baryang ibinabato sa harapan niya. Mahabang bestida ang suot niya at may punit pa sa laylayan. Hinayaan niya lang na nakalugay ang mahaba ngunit malagkit niyang buhok. Kung minsan, kapag umuulan, nagpapaulan siya hindi para magkaroon ng sakit, kun'di upang malinisan man lang niya kahit papaano ang sarili niyang katawan. Madalas siyang tumungo sa basurahan at doon naghahanap ng mga damit na itinatapon ng mga tao. Sa tagal ng panahon na inilagi niya rito sa kalsada, natuto siyang maging matapang sa kapwa niya namamalimos. Dumating sa punto ng buhay niya na nakikipag-away siya, nakikipagsabunutan, nakikipagsampalan, 'wag lang ng mga itong makuha ang pera na binibigay sa kaniya ng mga taong dumaraan sa kalsada. Kailangan niyang mabuhay kahit sa kakapiranggot na baryang mayroon siya. Hindi mahalaga sa kaniya kung payat siya, ang mahalaga sa kaniya ay ang nakaka-survive siya sa gutom kahit papaano. Isang beses sa isang araw lang siya nakakakain. Dahil tinitipid niya ang barya na mayroon siya para sa susunod na namang araw. Napakurap siya ng marinig ang tili at nagsusumigaw na ginang? Bigla siyang napalingon sa kabilang kalsada. Kita niya kung paano humabol ang isang lalake at kasunod nito ang may edad nang babae sa lalakeng may hawak-hawak na shoulder bag at mabilis ang takbo nito. Patungo ito sa direksyon ko. Nasa kabilang kalsada kasi ako at tumawid ang lalakeng sa tingin ko ay magnanakaw! Sa tagal ko ritong pagala-gala, mas marami ang magnanakaw kaysa sa namamalimos. Luminga ako. Nang makita kong may kalakihang bato sa gilid ko, inabot ko iyon at hinintay na makalapit sa direksyon ko ang lalake. Hinahabol pa rin ng ginang at kasama nitong lalake na nakasuot na kulay puti ang lalakeng magnanakaw. Saktong pagtapat nito sa kinauupuan ko, bigla kong iniharang ang paa ko na siyang ikinadapa nito. Bigla ko itong dinaganan at pinagbubugbog ang mukha nito upang hindi makawala. Nakatalikod naman ito sa akin habang nakaibabaw ako rito. "Fvck! Umalis ka diyang baliw ka! Papatayin kita!" sigaw nito sa akin. Napasinghap ako ng malakas itong nakatihaya at itulak ako. Ngunit hawak ko na ang shoulder bag na kanina lang ay hawak nito. Akmang hahablutin sa akin ang bag ng bigla ko itong ilayo. Nanlisik ang mga mata nito. Kulay pula pa naman! Binato ko ang batong hawak ko sa mukha nito. Bigla itong napahiyaw. Nahintakutan ako kasabay ng pamumutla ko ng dumugo iyon sa parte ng mata nito. "Hay*p kang babae ka!" Akmang tatadyakan ako nito at bibigyan ng suntok ng biglang may sumigaw. "Subukan mo, at sabog ang bungo mong gag* ka!" Bigla nitong naitaas ang kamay. "Luhod!" Doon ako napalingon sa likuran ko. Pulis?! Inalalayan ako ng isang pulis. Doon naman dumating ang hinihingal na ginang at kasama nitong lalake. Kaagad kong inabot sa ginang ang bag nito. Tiningnan ako nito. Ngunit nanatili akong nakayuko habang iniaabot dito ang shoulder bag nito. Kita kong kinuha ng lalake na kasama nito ang bag sa kamay ko. "Salamat hija," wika ng lalakeng nakaputi. Lumayo naman ako at tumabi. Nakikipag-usap na ang ginang sa mga pulis. Hanggang sa isakay ng mga ito ang lalakeng magnanakaw. Napalunok ako at napaatras ng lumapit sa akin ang ginang. Nasa likuran lang nito ang lalake. Umalis na rin ang mga pulis. Napakurap ako ng ngumiti ang ginang. "Salamat sa iyo hija. Anong pangalan mo?" "N-nadz po.." Nanginginig ang kamay ko. May takot sa puso ko sa isiping baka dalhin ako ng mga ito sa lugar kung saan muntik na akong tuluyang mabaliw. "Nasaan ang mga magulang mo? Bakit nagpapalaboy-laboy ka rito?" Bigla akong napayuko. Uminit ang gilid ng sulok ng mga mata ko. "H-hindi ko po alam.." Sabay kagat ng ibabang labi ng manginig iyon. Hanggat maaari ayokong maalala ang mga nakagisnang mga magulang. Ilang minuto nang mapatingala ako. Hindi na kasi nagsalita ang ginang na nasa harapan ko. Nakatitig ito sa akin. Napayuko tuloy ako ulit. "Gusto mo bang sumama sa akin?" Bigla akong napatitig dito at kaagad napailing. Napaatras din ako. "Hindi po. Ayoko po!" Akmang tatakbo ako ng mabilis ako nitong tawagin. "Hey, huwag kang matakot. Okay, hindi kita pipilitin." Kita kong may kinukuha ito sa maliit nitong shoulder bag. Hanggang sa manlaki ang mga mata ko ng abutan ako nito ng papel na pera. At alam kong malaking halaga iyon. Kahit sabihin pang hindi ako nakapag-aral, sa kakanuod ko ng television sa mga may maliliit na tindahan, nalaman ko rin kung ano ang pagkakaiba ng bawat papel na pera. Naka-awang lang ang bibig ko habang pinagmamasdan ang magandang kamay nito na may hawak na pera. "Here, kunin mo." Napatitig ako rito. "Sa akin po iyan?" Hindi ko pa rin kinukuha. Baka kasi may kapalit katulad ng nangyari sa akin, sampong taon na ang nakaraan. "Yes. Sa pagtulong mo. Hindi biro ang nasa loob ng shoulder bag kong ito. Kung hindi dahil sa iyo, baka di na ito nakabalik sa akin." Ngumiti ito ng bahagya. Sa nanginginig na kamay, mabagal kong inabot ang pera sa kamay nito. Masaya ako na magkakaroon ako ng ganito kalaking pera. Makakakain na ako nito ng maraming beses at maraming araw. "M-maraming salamat po." Bigla na lang nangilid ang luha sa mga mata ko. Kaagad ko iyon pinunasan ng maruming kamay ko. Nagtataka ako kung bakit hindi pa ito umaalis. Nanatili lang itong nakatingin sa akin. "B-bakit po?" Umiling ito at saka humugot ng buntong hininga. Tumingin din sa kumikinang nitong relo. "Salamat ulit hija. Aalis na kami." Ngumiti naman ako at saka tumango. Bigla akong sumigla sa isiping wala silang balak na kunin ako at dalhin sa lugar kung saan may mga taong totoong baliw. "Bye-bye po!" Kumaway pa ako habang nakangiti. Tatalikod na sana ako ng tawagin ako nito. "Nadz.." Bigla akong natigilan. Sa tagal ng panahon, iyon ulit ang unang beses na marinig ko ang sariling pangalan ko. At sa ibang tao pa. Minsan nga napapa-isip ako kung iyon ba ang totoong pangalan ko? "Mukhang mabait ka naman at may mabuting puso. Gusto sana kitang alukin na tumira sa bahay ko. Doon makakakain ka ng maayos at masusuutan ng maayos na damit. Ang tanging gagawin mo lang, tutulong sa paglilinis. Marami kang makakasama roon at tiyak hindi ka malulungkot. Gusto mo ba iyon?" Kaagad akong umiling. Naalala ko na naman ang babaeng nagsinungaling sa 'kin. "Ayoko po. Masaya na po ako rito. Salamat na lang po!" Naging malikot din ang mga mata ko. Baka bigla na lang akong kunin ng kung sino. "Okay. Mag-iingat ka. Maganda ka pa naman. Hindi ko lang maiwasan mag-alala sa iyo. Marami pa naman sa panahon natin ang mga lalakeng nanggagahasa." Bigla akong napalunok. Nang hindi na ako umimik, ngumiti ito ng bahagya at saka tuluyan nang umalis. Nasundan ko na lang ang magandang sasakyan nito. Umupo ako at binilang ang pera na binigay nito. Bigla akong nagpapadyak ng paa ng umabot iyon ng limang libo! Bigla akong tumingala sa langit. Itinaas ang mga kamay. Thank you Lord.. Hindi ko maipaliwanag ang saya habang kumakain ng jollibee. Sa tagal na panahon, ngayon lang ako nakakain ng ganito kasarap na pagkain! Maliban doon sa binigay ng batang babae. Sampong taon na ang nakalilipas. Hanggang sa mapakurap ako ng pumatak ang luha sa mga mata ko habang kumakain. Kahit na nakakain na ako ng ganito kasarap na pagkain, hindi pa rin talaga ako masaya. Paano nga ba naman ako sasaya? Kung ganito ang sitwasyon ng buhay ko. Hindi ko kilala kung sino ang totoong mga magulang ko. Kung totoo ba talagang patay na ang mga ito? Sino ba talaga ako? At ano ang totoong pangalan ko? Hindi ko maiwasan ang maawa ng sobra para sa sarili. Sa tuwing nakikita ko ang malaking screen na TV sa itaas ng building, at nakakakita ng kabataaan na pumapasok sa paaralan, nangangarap din ako ng ganoon. Gusto ko rin matutong magbasa. Magkaroon ng trabaho. Iyong may bahay na natutulugan at hindi pagala-gala rito sa kalsada. Aaminin ko naman na labis din akong natatakot tuwing gabi at baka may mga kalalakihan na maligaw at kung anong gawing masama sa akin. Kaya nga sa tuwing sumasapit na ng dapit hapon, naghahanap na siya ng lugar na posibleng hindi siya mapapansin ng mga taong nagdaraan. TULALA ako habang iniisip ang sinabi ng ginang. Totoo kaya ang sinabi niya? Gustuhin man niyang tumira sa sinasabi nitong bahay, ngunit natakot siya at baka nagsisinungaling lang ito. Ang natutunan niya sa buhay ay ang 'wag basta-basta magtitiwala kahit kanino. Lalo na' t hindi niya kilala ang mga taong nasa paligid at kumakausap sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD