Malungkot akong nakatingin sa pintuan ng Kuya Alex ko. Para akong maiiyak habang kagat-kagat ang ibabang labi. Gusto ko itong makita. Pero natatakot ako na baka nasa loob nito ang girlfriend nitong si Ma'am Celine. Lalo na't pinagbawalan ako nitong pumasok sa kuwarto ng Kuya Alex ko. Naguguluhan ako sa sariling nararamdaman. Para bang ang sakit-sakit sa pakiramdam ang malamang nagtatabi ang mga ito sa pagtulog. Parang binibiyak ang puso ko sa isiping hinahalikan ito ng Kuya Alex ko at hinahawakan din ang katawan nito. Kahapon lang labis ang kasiyahan ko na makikita ko ito dala ang kapeng paborito nito. May kung anong kilig pa nga akong naramdaman sa isiping ako ang gusto nitong magdala ng kape nito. Sa isiping gusto ako nitong makita parang may kung anong kiliting gumagapang sa

