Bigla akong napabangon ng hindi ako makatulog. Pagtingin ko sa orasan alas tres na pala ng umaga. Bumitaw ako ng mabigat na buntong hininga sabay hilot ng sintido. Kumusta na kaya ang pakiramdam niya? Hindi ko alam kung bakit naisipan kong tumungo sa kitchen area. Kumunot ang noo ko ng mapansing bukas ang isang ilaw. Malamlam ang liwanag nito kaya naman 'di masyadong maliwanag. Biglang kumabog ang dibdib ko ng makita ang babaing nakatalikod. Kahit may kadiliman alam ko kung sino ito. Sa tayo pa lang nito at sa kurti ng katawan. Kilalang-kilala ko ito. Lalo na ang maganda at mahaba nitong buhok na halos umabot na sa puwetan nito. Bigla na lang lumakas ang t***k ng puso ko habang maingat na lumalapit dito. Napangiti ako ng maisip na gulatin ito. Ngunit ang binabalak na paggulat ay

