Kahit wala pa akong sapat na tulog, maaga pa rin akong gumising. Excited na akong makitang muli ang babaing dahilan ng pagngiti ko araw-araw. Kagat ang ibabang labi habang hawak ang branded cellphone na balak kong ibigay dito. Alas sais pa lang ng umaga ng mga oras na iyon. Tapos na rin akong maligo. At ngayon nga naka-antabay ako sa pintuan. Alam kong anumang oras bubukas iyon at makikita kong muli ang inosente at magandang mukha nito. Kung hindi nga lang ito nagreklamo kagabi na inaantok na ito baka umagahin kami sa kusina e. Ilang beses ko yatang pinapak ang masarap nitong labi! Kulang na nga lang gumapang ang kamay ko sa dibdib nito. Pero nagawa kong magpigil kahit sobra na akong nanggigigil. Ayokong biglain ito at baka matakot. Mas mabuti ng dahan-dahanin basta sigurado!

