Tumulo ang luha ko habang paakyat sa kuwarto ni Danica. Libo-libong takot ang rumaragasa sa akin ang isiping sasaktan na naman ako ng mga ito. Isang mahaba at mabigat na buntong hininga ang pinakawalan ko. Pinunasan ko rin ang luha sa mga mata ko. Akmang kakatok ako ng biglang bumukas ang pinto. Ganoon na lang ang pamumutla ko at ang nakangising Celine ang bumungad sa harapan ko. Bigla ako nitong hinatak at saka isinara ang pinto. Bigla akong napangiwi ng hawakan nito ang buhok ko. "Ngayon wala ka nang kakampi! Tingnan ko lang kung hindi ka lumuhod sa harapan ko!" At saka ako nito itinulak. Nabitiwan ko bigla ang panlinis. Nakaupo lang sa ibabaw ng kama si Senorita Danica. Nagtataka ako at wala roon si Senorita Danila. Marahil tulog pa ito sa kuwarto nito. "H-huwag, please tama na.

